Friday, June 17, 2011

Ang Mga Tanong


Espesyal ba ako? o katulad din ako ng lahat sa paligid mo?

Nilalambing mo ba ako? o malambing ka din sa lahat ng mga tao?


Kakaiba ba ang yakap mo sa akin? o kasing tamis din lang yun ng mga yakap mo sa iba?


Gusto mo rin ba ako? o nakikita mo lang ako bilang kapatid mo?

Ito ang mga tanong na hindi ko kailan man masasagot. Galugarin ko man ang mga pagawaan ng susi sa buong mundo, hinding hindi ko makukuha ang susi sa mga tanong ko. Ikaw lang naman ang tanging may hawak sa susi ng mga tanong ng puso ko. Buksan mo na ang sagot! Gusto kong malaman. Umaasa akong kikiligin ako pero mas umaasa ako kahit mga sagot lang.

1 comment:

  1. Madalas, hindi natin namamalayan na tayo na pala mismo ang may hawak ng susing magbubukas sa pintuan tungo sa mga sagot sa ating mga katanungan. Minsan naman, nilalagyan natin ng kandado ang mga puso natin kahit hindi naman kailangan. Nalilimutan natin na ang pagiging bukas at walang tinatagong mga sikreto at hinanakit ay isang napakagandang bagay.

    Ikaw, baka naman hawak mo na ang sagot. Yun nga lang, ayaw mo lang tignan.

    ReplyDelete

May karapatan kang ipahayag yan. Tongue in a lung, wag kang tatameme.