Friday, June 24, 2011

Ang Pagpreno


Tatapak muna ako sa preno. Baka kasi mahuli ako ng MMDA. Overspeeding na yata ako. Todo ang pagtapak sa gas na halos nalimot ko na madami pang kalyeng pwede kong tambayan. Madami pa naman akong gas, di 'to agad mauubos. Susubukan kong umabot sayo. Gusto ko lang turuan ang sarili ko na prumeno. Para pag nagkatagpo na tayo, hindi ko gugustuhing magmaniobra pabalik sa mga nalagpasan ko. Kung nagmamaneho ako sa EDSA, at ikaw ay nasa kabilang dulo lang, sigurado kahit gaano pa katagal yan, magtatagpo tayo. Sa panahon na yun, sana walang kakaliwa o kakanan. Sana di tayo magmaniobra. Sana makasakay ako sa kotse ng buhay mo. Kung di man, sana nasa daan kang nararapat para sayo. Sana hindi ka malubak. Sana pareho tayong sumaya kahit makahanap tayo ng daang, isang daang pursyentong para sa 'tin.

4 comments:

  1. Dalian mo, kaibigan. Baka tumaas ang presyo ng gasolina.

    Baka di ka na makahabol kapag wala ka nang maibayad sa bagay na nagbibigay ng siklab sa damdamin mo.

    ReplyDelete
  2. Tara na kaibigan, wag ka ng mag alinlangan.
    Sumabay ka sa akin, at ating tatahakin
    Daan na kung saan walang kaliwaan.
    Mapadpad man kung saan,basta't ikaw kaibigan kasama sa daan :)

    -yssah-

    ReplyDelete
  3. Huwag kang masyadong mabilis baka madame kang mamintis. Sa Edsa hindi pwedeng umatras kaya kapag may naisip kang balikan iikot kananaman malayo, matraffic, aksaya sa oras.

    Dahan dahan lang sa pagtapak sa gas. Hindi purket marami yan ay di agad mauubos. Paano kung bigla sya umandar pumasok ng slex o nlex para magpahabol at subukan ang tatag mo.

    ReplyDelete
  4. Huminto muna ako sa gasolinahan,
    Full tank pa naman ako.
    Nag-patingin na rin ako ng sasakyan,
    Baka kasi may sira ang aking preno.
    Nalilito ako kung saan ang aking daan.
    Ako ba ay kakaliwa o kakanan.
    Baka kasi pag diredirecho ako,
    hindi pala doon ang daan ng sasakyan mo.
    Pero dahil Full tank ako.
    At sabi ni manong mikaniko
    walang problema ang aking preno.
    Naisip kong magtuloy-tuloy nalang
    Ninanais ko rin kasi ang iyong pakay.
    Batid ko namang darating ang oras
    na parehas na tayong mawawalan ng gaas.
    Baka maisip mo ang aking nais na maglakad nalang
    hanggang magkita tayo sa gitna ng daan.

    ReplyDelete

May karapatan kang ipahayag yan. Tongue in a lung, wag kang tatameme.