Wednesday, November 2, 2011

Ang Ilaw ng Feelings



Di naman garantiya na magtatagal kayo kapag intense ang feelings mo e. Basta may feelings, i-work out. Kung magkamali, at least nagmahal ka.

Para ka lang ilaw, kahit ilang watts ka pa, hindi naman kasiguraduhan yan na hindi ka mapupundi kahit kailan. Kaya magpailaw ka lang, yun naman talaga ang saysay mo. Parang feelings, dapat mong ibigay sa iba. Wag kang matakot. Maikli lang ang buhay para hindi mo subukan. Hayaan mong mapundi ka, hayaan mong masaktan ka dun mo mas mararamdaman ang saysay ng buhay.

1 comment:

  1. Pag na pundi ako hindi ibig sabihin,
    wala na ang feelings ko. Baka talagang,
    off muna ako. Pahinga muna para
    sa bagong taong mas kailagan ang liwanag
    na bibigay ng munting ilaw ko.

    ReplyDelete

May karapatan kang ipahayag yan. Tongue in a lung, wag kang tatameme.