Saturday, December 17, 2011

Ang Kawalan

Ang dilim sa lugar ko. Ang blangko ng paligid ko. Para akong lumilipad sa malawak na lugar. Para akong linilipad ng hangin na hindi ko alam kung saan ako dadalhin. Hinahayaan kong dalhin ako ng hangin kung saan man ang tamang lugar ko.

Napadpad ako sa lugar na may ilaw. Mga ilaw na tila ba naglalaman ng kawalan ng puso ko. Mga ilaw na sinisigaw ang mga dahilan kung bakit ginusto kong lumipad. Mga ilaw na nagpahinto muli sa akin. Mga ilaw na hinayaan akong mag-isip muli.

Sabi nila:
1. Malapit na ang Pasko, okay na ba ang past mo?
2. Christmas break na, pero bakit lunch break lang ang meron ka?
3. Di mo siya kilala, pero bakit silipin mo lang twitter niya, swak ka na? Crush mo, pero malala ka na.
4. Mahal ka, minahal mo. Bakit ayaw mong maniwala sa second chance?
5. Mahal ka, hindi mo minahal. Bakit ayaw pa niyang bumitaw?
6. Inaantok ka na, bakit kung ano-ano pang kumakatok sa utak mo?
7. Kailan darating sa kalendaryo mo yung taong matagal mo ng hinihingi sa pagdarasal ng rosaryo?
8. Ang tagal ng nakasara ng puso mo, bakit tinatakpan mo ang tenga mo mula sa pagrinig ng mga nangangaroling? Malay mo, isa na pala sa kanila yung may dala ng susi sa pinto sa puso mong inaamag na.

Ito ang kawalan ng puso ko. Ito ang kawalan na gusto kong takasan. Ito ang kawalan, na sana lang, buong pagkatao ko mailagay sa katahimikan. Ito ang kawalan, kawalan na ayokong binabalikbalikan.

No comments:

Post a Comment

May karapatan kang ipahayag yan. Tongue in a lung, wag kang tatameme.