Sunday, May 12, 2013

Ang Araw




Ito na naman ako, bumabyaheng mag-isa. Ito na naman ako, umaasa. Ito na naman ako, umiiyak. Ito na naman ako. Ito na naman ako.

Hindi ko maiwasang lumingon. Doon kasi nakikita ko yung araw, yung araw na kasama pa kita. Habang bumabyahe, kasabay nun ang paglaho ng araw. Habang bumabyahe, kasabay nung lumalabo ang tingin ko sa araw. Habang bumabyahe, akala ko makakalayo ako sa mga araw na kasama kita. Mali e! Kasi habang bumabyahe akong palayo, yung puso ko, mas lalong kumakapit sa alaala ng araw na kasama ka pa niya.

Ito yung isa sa pinakamalungkot na araq ng buhay ko, yung araw na wala ka na. Ang saya kasi natin, tuloy, kada ngiti na naaalala ko, di ko maiwasang bumiyahe ng luhaan. Paalam araw! :'(

No comments:

Post a Comment

May karapatan kang ipahayag yan. Tongue in a lung, wag kang tatameme.