Wednesday, October 30, 2013

Ang Bukambibig


Iniwan.
Nasaktan.
Umiyak.
Umasa.
Nagkaron siya ng iba.
Bumitaw.
Nagparaya.
Umiyak.
Umiyak ng umiyak.
Umiiyak.
Nagpaalam sa huling pagkakataon.
Umiwas. 
Umiiwas.
Pilit na binabangon yung sarili.
Nagpapakasaya.
Binubuo yung nasirang puso.
Tibay.
Lakas ng loob.
Kinakalimutan ang detalyadong alaala ng nakalipas.

Nakangiti.
Nakikihalubilo.
Nakikipag-usap.
Nakikipagtawanan.
Nakikipaglokohan.

Sila sa akin:
Hindi mo namamalayan.
Puro ka "siya".
Halata.

Akala ko okay na ako.
Akala ko lahat yun naitago ko sa loob ko.
Akala ko lahat naitabi ko na sa pagkalimot.
Akala ko ayos na ako.

Bakit bukambibig ka pa din pala?
Bakit kahit anong tago ko, ginagawa kong parte ka ng araw-araw ko?
Bakit ikaw pa din ang bida? 

O baka, ayos na ako kaya kinakaya kong mabanggit ka?
Baka nga.
Mas magandang pakinggan.
Mas magandang pakiramdam na okay na.
Okay na ako ng wala ka.

Baka.
Baka.
Sana.
Sana.

No comments:

Post a Comment

May karapatan kang ipahayag yan. Tongue in a lung, wag kang tatameme.