Thursday, October 17, 2013

Ang Hagdan Ng Pag-ibig


Ito ang hagdan ng pag-ibig, pag-ibig nating dalawa.

Naglakas loob akong humakbang papataas ng hagdan na ito, dahil hinawakan mo ako ng mahigpit. Binigay ko ang buong tiwala ko kasi akala ko magiging kakaiba ang hagdan ng pag-ibig kapag ikaw ang kasama ko sa pagpanaog. 

Akala ko magiging sapat lagi ang pag-ibig. Akala ko magiging sapat na hawak mo ako. Akala ko magiging sapat ang mga ngiti natin. Akala ko magiging sapat na mahal natin ang isa't isa. Akala ko di ako mapapagod kakahakbang dahil alam kong sa dulo, nandyan ka pa din sa tabi ko. Akala ko lang pala.

Hindi pala laging sapat ang pag-ibig. Hindi pala magiging sapat ang pag-ibig kung katulad mo na may kundisyon ang pag-ibig. Hindi pala sapat na hinawakan mo ako, tapos kapag matatalisod ako, bibitawan mo ako ng basta-basta, hindi naman pala ganun kahigpit ang hawak mo. Kumapit lang ako sayo ng mahigpit at kapag manghihina na ako, hahayaan mo akong malunod sa kawalan. Hindi pala sapat ang mga ngiti natin kung sa panahon na wala ang ngiti natin, mas pipiliin mong ngumiti kasama ang ibang tao. Hindi pala sapat na mahal natin ang isa't isa, lalo na kung sa katulad mo, na mahal lang ako kapag kaya kong maging tao na perpektong gusto mo. Nakakapagod din pala, nakakapagod ding humakbang paakyat sa hagdan ng pag-ibig kahit na gusto kong makasama kita buong buhay ko. Nakakapagod kasi ako lang pala yung tumingin na gusto kita hanggang sa dulo, ikaw kasi ang nakita mo pala, may dulo tayong dalawa, matatapos tayong dalawa.

Ang sarap umupo dito. Hinto na muna ako sa lakad paakyat ng pag-ibig. Petiks muna lalo na yung puso ko lagi ang naaagrabyado. Umaasa ako na sa tamang panahon, may taong magiging matibay ang pag-ibig sa akin para hatakin ako paakyat, para samahan ako paakyat ng hagdan ng pag-ibig, para patunayan na mahal niya ako kahit sa panahong natitisod ako, yung taong handa akong buhatin sa panahong walang wala ako.


Written for JD. This is for RM. Naniniwala ako na sa tamang panahon, maiintindihan mo kung bakit ka binibitawan ni RM, sa tamang panahon kasi darating yung taong di ka iiwan kailanman. 

No comments:

Post a Comment

May karapatan kang ipahayag yan. Tongue in a lung, wag kang tatameme.