Friday, November 21, 2014

Ang Namimiss, Miss Na Miss




Namiss kita. Namimiss kita. Mamimiss kita.

Namimiss ko yung mga oras na kasama kita. Gustong gusto ko yung maliliit na bagay na nangyayari sa atin kapag magkasama tayo - yung mga simpleng hawak sa kamay na parang sinasabing "Nandito lang ako sa tabi mo, ngayon at sana sa mga susunod na bukas.", yung mga hawak sa bewang mo dahil yun lang ang abot ko, yung mga bulong na sinusubukang hindi mag-ingay dahil iniisip nating maririnig ng ibang tao yung mga sinasabi natin, yung mga yakap na hindi pantay dahil matangkad ka pero yumayakap pa din tayo, yung mga lakad na nakangiti lang ako habang nakakunot na yung noo mo, yung mga oras na kumakain tayo dahil hinding hindi ako magdadalawang isip na ipagdamot sayo ang pagkain ko, yung pagtitig ko sa tabi ko, nandyan ka lang at di ko maiwasang mapangiti dahil alam kong nandun ka sa tabi ko, yung mga halik, madaming halik na hinding hindi ko pagsasawaan, at yung marami pang iba. Minsan hindi ko namamalayan na nakatitig lang ako sayo, sinisipat yung bawat detalye mo, minsan ikaw naman, at minsan titignan natin yung isa't isa, at kapag nagtagpo yung mga mata natin, yung parang lahat ng pag-ibig sa mundo, sinusubukang sumigaw mula sa atin. Pinakapaborito ko yung mga ngiti sa mukha natin, walang effort, at minsan hindi ko na napapansin na sobra na akong nakangiti at buong oras na kasama kita, na hindi yun maalis.

PS. Alam kong alam mo naman pero sasabihin ko pa din - namimiss kita, araw-araw. Hindi na yata masasanay yung puso kong hindi ka mamiss. 

No comments:

Post a Comment

May karapatan kang ipahayag yan. Tongue in a lung, wag kang tatameme.