Wednesday, September 28, 2016

11:23pm

Sept 28, 2016

Nagsulat ako ng mga piyesang ni hindi ko maalalang nasulat ko. Madaming piyesa pa ang naisulat ko (sa kalungkutan) pero binura ko dahil may prinotektahan ako ng mga panahong yun. Mas madaming piyesa pa ang mga naitago sa himpapawid na kailangang paliparin papalayo sa kung saan, maging ako, di ko maaalala. 

Ngayon, para saan ito? Sa mga nakaraang taon, sinubukan kong tapatan ang bawat nararamdaman ko ng bawat salita na sa tingin ko'y maaaring tumumbas ng mga iyon. Matibay ang mga salita pero mas matibay ang emosyon sa likod ng mga salita. Gusto ko lang iparating ang taos puso kong pasasalamat sa pagtitiis, sa pagbabasa nito. Sinusulit ko lang ang bawat oras ngunit di ako nawawala. 

Salamat sa pagbabasa kahit parang wala naman na akong isinusulat. Salamat sa pagche-check lagi nito. Salamat sa pagsheshare nito sa ibang mga kakilala ninyo. Salamat kasi yung mga salita dito, hindi na lang salita, kundi emosyon na dumadaloy sa akin, naipapasa sayo, sayo patungo sa kanya, sa kanya patungo sa madami pang iba.

Salamat. Sobrang salamat. Hayaan ninyo akong sabihing salamat ng sobra sa kalayaang ibinibigay ninyo para sa mga salita ko. 

PS.
I've been so busy with the school load I have right now but I am here. I am around. I am happy. 

PPS. There's this one IP Address who's always checking this blog (almost everyday) Sending you my hugs! Thank you for checking this one, kahit na feeling ko di kita kilala personally :)


I am here. XOXO,
Opmaco

No comments:

Post a Comment

May karapatan kang ipahayag yan. Tongue in a lung, wag kang tatameme.