Sunday, March 4, 2018

Ang Bakit FEU-NRMF

MedTech - Junior Intern/Clerk - Post Grad Intern


Dahil kanina, isinama ang mga PGIs sa pag-assist sa interview ng 2nd batch ng application ng mga incoming 1st yr Medicine students. Tungkol lang ‘to sa kung bakit ako nag-FEU-NRMF mula kolehiyo, Medisina at hanggang PGI. Tungkol lang ‘to kung bakit sa lahat, FEU-NRMF.

Bakit nga ba ako nagkolehiyo sa FEU-NRMF?
Totoo lang, malapit kasi ‘to sa bahay namin. Mga 15-30mins lang, swak na. Dito din nag-Nursing yung pinsan ko noon. Muntik na nga akong mag-Accountancy sa DLSU pero di ko din gets kasi yun yung pangarap kong school talaga kaso siguro para ako dito kaya nandito ako ngayon. Nag-Medtech ako. Okay sa alright. Walang namilit sakin mag-Med, ginusto ko lang.


Bakit sa FEU-NRMF na naman ang pinili ko para mag-Med?
Hindi talaga ako nag-apply sa iba kaya sa tuwing sinasabi sakin na siguro di natanggap sa iba kaya nasa FEU-NRMF, naiirita ako. Wala akong ibang choice - FEU-NRMF lang. Di ba pwedeng ganun lang? Di ba pwedeng naniniwala ako sa kalidad ng edukasyon dito? Di ba pwedeng gusto ko din ng mga kainan na nakapaligid dito? Di ba pwede na gusto ko yung sistema sa kung paano nila hinuhulma yung mga estudyante nila? 

Totoo lang, mababa nga siguro yung requirement na NMAT pero isa yun sa minahal ko sa FEU-NRMF. Hindi sila namimili ng huhulmahin na maging doctor, matalino, swak lang at kailangang pwersahan na tumatak sa kokote nya ang lahat, pwede. Mayaman, may kaya, naghihirap at gumagapang, pwede.  Mataba, payat, may ngipin o wala, lalaki, babae, tomboy o bakla, pwede. Kahit sino pwede pero nasa estudyante kung kakayanin nya yung proseso na kailangan nyang pagdaanan para deserve nya na tawaging “Doctor” na nakapagtapos sa FEU-NRMF Institute of Medicine

Sa tingin ko, walang madaling Med school. Walang madali sa Med. Lahat naman pwedeng mangarap maging doctor pero hindi lahat magiging doctor. Gumapang ako sa FEU-NRMF Med pero lahat naman siguro ng Med school gagapang ka, kung pwedeng isabay mo yang hagulgol mo sa paggapang, gawin mo. Basta patatagan ng puso, patibayan ng loob. Kung gusto mo, gawan mo ng paraan.

Kanina, tinatanong ako kung anong meron sa FEU-NRMF? Ang sinagot ko talaga yung experience lalo nung Junior Internship/ Clerkship. Kakaiba. Solid. Isa kang mandirigmang doctor. Mandirigma kang papasok, amoy mandirigma ka ring uuwi. Kaya mong mag-monitor ng isang buong ward na solo ka, na lahat ng errands, sayo pa din. Kaya mong walang ligo ng halos dalawang araw. Na yung uwian ng mga ibang Med school, aabutan ka na naman nila kinabukasan na papasok sila kasi nasa ospital ka pa din, kumekendeng sa mga insertions, extractions, lavage at codes. Kaya mong mag-ambubag ng mahabang oras ng walang kapalitan. Kaya mong mag-solo code, yung sumigaw ka man na sana may ka-switch ka pero wala. Kaya mong mag-insert ng IV habang yung bed ng patient mo itinatakbo na sa DR dahil fully na. Kaya mong malampasan ng lahat ng meals mo sa araw na yun kasi wala kang oras, isabay mo na yung gusto mong humagulgol pero gagawin mo yun habang nag-monits ka. Kaya mong maging Medtech, Nurse, Aide at Doctor all at the same time. Kaya mong matulog ng gising o kapag sobrang toxic, ang power nap mo ay 10seconds na pagsara ng mata mo tapos grabehan na ready to sabak ka na ulit sa digmaan. Kaya mong magpretend na okay ka pa kahit yung binti mo at paa, namamaga na at di na halos makalakad, na yung singit mo pawis na pawis na at gusto mong lagyan ng powder kasi nagkikiskisan na sila at ang sakit-sakit na. Kaya mong harapin ang lahat, kahit na oily at pawis ang fez, kasama na ang magulong hair, kasi sa oras na yun, ikaw lang yung nandun para sa madaming pasyente mo. 

Hindi ako magsasalita para sa ibang Med school, pero ito’y mga experiences kong nakuha sa FEU-NRMF kasi malaya silang nagtiwala sa aming lahat na handa kaming sumabak, kaya naging subok kami. So, ready to fight lagi. May skills, nasobrahan nga ata. Minsan nakakapagod na rin (HAHAHAHAHUHUHU)


E bakit sa FEU-NRMF ka pa rin nag-PGI?
Hindi naman talaga ‘to kasama sa mga unang napili ko dahil sa totoo lang, may fear na ako sa ER ng FEU-NRMF. Dito dinala yung tatay ko nung na-stroke sya, kaya feeling ko every single time na nasa ER ako noon, bubungad sakin yung tatay ko. Di kaya ng puso ko dati. Di ko kaya dati. 

Pero dito ako napunta. Dito pa rin ako sa FEU-NRMF. Unang dalawang buwan ko, natapat pa ako sa Internal Medicine pero kakaiba mga bossing ko sa IM. Ang lulupit, ang gagaling. Ang ganda nung experience ko sa IM, walang biro. Yung Chief resident (Doc Prinzzzzz) walang sawang magturo, mapapagod ka na nga minsan kasi parang saulado nya lahat. Yung mga residente, magtanong ka lang, sasagutin ka nila, tuturuan ka nila kahit natotoxic na sila sa mga stations nila plus caring pa sila (dahil ako'y hypertensive at hypokalemic HAHAHA pero alagang IM residents ang aking health. Hahaha!) Yung mga conferences, solid. Kahit di ako matalino parang nagiging matalino ako kapag sila yung kasama ko. Mahahatak ka sa kalidad na meron sila, grabe!

Di ko inakala na ganito yung impact sakin ng PGI. Sa isang pribadong ospital, mas kasabay nun yung malaking responsibilidad dahil iniisip ng halos (kung di man lahat) ng mga pasyente, bayad ka at nasa pribado sila. Ineexpect nila na maayos kang gumalaw, magaling ka, at dahil sa experiences ko noong JI ako, naging handa ako sa responsibilidad.

Salamat, FEU-NRMF.

PS. Grabe, ang laking parte sakin yung sobrang nagpapasalamat na sa FEU-NRMF ako nagsimula. 

PPS. I.M FEU-NRMF

No comments:

Post a Comment

May karapatan kang ipahayag yan. Tongue in a lung, wag kang tatameme.