Friday, March 30, 2018

Ang Biglaang Nawala







Biglaan nawalan ng gana. 
Biglaan syang nawala. 
Biglaang nawala. 
Biglaan. 

Wala man lang pasabi. Wala man lang salita bago magpaalam. Wala man lang konting paramdam na yun na pala yun.

Biglaan lang na iniwan ako. 
Biglaan lang.

Ang unfair lang kasi na habang ako nandito nasasaktan, ikaw ano bang nararamdaman mo? Na habang ako pinag-uusapan ka namin, ni sumagi man lang ba ako sa isip mo? Na habang ako nadudurog, ikaw buong buo. Na habang ako patuloy kang iniisip, patuloy ka din sa paglayo. Na habang lumalayo ka, yung putanginang puso ko, gustong gusto pa ding lumapit sayo. Na habang kinakalimutan mo ako, bawat detalye mo sinasariwa ko. Na habang nawawala ka, nagwawala na yung puso kong gustong kumawala. 

Gustong gusto kong paniwaalang okay ako bukas at sa mga susunod na bukas pero ang hirap lang. Gustong gusto kong magpanggap na bukas di kita hahanapin ulit, na sa susunod pang mga araw di ako mangungulila na naman pero ang hirap lang. Gustong gusto kong ipakita na masaya pa rin ako kahit wala ka na talaga pero ang hirap lang. 

Ang hirap lang kasi yung puso kong prinotektahan ko, di ko namalayang ipinagkatiwala ko sayo. Ang hirap lang kasi iniwan mo ako biglaan. Ang hirap lang kasi nasanay na akong nandyan ka lang. Ang hirap lang kasing pakawalan ka ng buo. Ang hirap lang kasi ayokong mawala ka. Ang hirap lang kasi ayokong bitawan mo ako. Ang hirap lang kasi yung puso ko seryosong seryoso pero yang sayo ang labo-labo. Ang hirap lang kasi, ang hirap hirap lang.


PS. Ikakanta at iinom natin yang kalungkutan ng mga puso nating sumisigaw at uhaw, Jo** G**a**. Labyu!

PPS. Hahayaan kita dahil gusto ko din pala ng taong gustong gusto ako sa buhay nya. 

March 30, 2018

No comments:

Post a Comment

May karapatan kang ipahayag yan. Tongue in a lung, wag kang tatameme.