Di kita miss ngayong 4:37am habang tahimik yung mundo. Pero kanina, namiss kita nung biglaan gusto kong bumangon para magtubig -- usually kahit habang naggym, ayoko ng tubig. "Magwater ka" laging reminder mo sa akin noon at sasagutin kita ng "Gusto ko ng iced tea at hindi tubig" Namiss kita habang nasa byahe ako kagabi pauwi -- nakatulog ako tapos bigla akong nagising, hinahanap kita, gusto kitang kausapin at sasabihin kong pauwi na ako pero naalala ko, wala ka na pala. Namimiss kita kapag katulad nitong schedule ko, punong puno pero alam kong okay lang yun kasi you do not ask for something I cannot give, kuntento ka sa updates ko. Namimiss kita sa gitna nung maraming mukha, na sana biglaang makita ko yung mukha mo. Namimiss kita hindi kapag bakante lang ako, kundi palagi, kahit walang mapaglagyan yung pagod ko. Namimiss kita.
Hindi ito yung masakit na pagkasabik lalo sa gabi, lalo pag mag-isa ako. Ito yung tahimik na himig nang pagsamo sa buong araw ko. Yung kapag may maiisip ako, may gusto akong sabihin sayo, hindi ko na masabi sayo. Ibinubulong ko na lang muli sa hangin kasama ang hiling na makarating yun sayo.
Miss na miss kita. Hindi sa paraan na magmamakaawa ako at mag-aantay nung pagbabalik mo. Namimiss ko lang kung paano mo pinuno yung mga araw ko, na kahit pagod ako sa trabaho, andyan ka lang, na kahit marami ka ring ginagawa, binibigyan mo ako ng panahon. Hindi ito yung pagkamiss na sumisigaw, na kumakawala -- ito yung pagkamiss ko sayo na andito lang sa akin, tahimik, tahimik muli.
Written: Jan 15, 2025 💛🐮
Posted here: Tongue In A Lung
No comments:
Post a Comment
May karapatan kang ipahayag yan. Tongue in a lung, wag kang tatameme.