FILIPINO: Dila sa loob ng baga. KOREAN: 폐에 혀. SPANISH: Lengua en un pulmón. ARABIC: اللسان في الرئة. ILOKANO: Dila idiay unig ti bara.
Sa kahit anong pagkakataon, tongue in a lung.
Malapit na ako. Nagkamali lang ako ng galaw ngayon. Konting bato pa ng tiyaga, makakamit na din kita. Konting panahon pa, malalaman mong para sa akin ka. Hindi ako bibitaw, lalo na ngayong alam ko, sa huli ikaw yun makukuha ko. Hindi ako bibitaw sayo, pangako!
Nagtago ako sa kahon na yan. Nakakabasa ka naman pero binuksan mo pa din. Hinawakan mo ako at pinakawalan. Binuksan mo pati ang puso ko. Pero ngayon, nasaan ka na? Akala ko nung binuksan mo yun, aalagaan mo ako habang buhay. Yun pala, inakala mong laruan akong pwedeng buksan, at iiwan 'pag sawa ka na.
Kahit gano pa kadami ang kwento mo, kahit with feelings mo pa ikwento yan, halos walang makikinig sayo. Tinalo ka pa ng utot. Kahit gano pa yan kahina, lahat ng tao mapapakinggan. Kahit nga walang tunog yan, maaamoy nilang may kakaiba. Magrereact pa sila.
Sinasalang ako sa apoy na halos pantayan ang nararamdaman ko. Sinusubukang ipaunawa sa iba ang aking nararamdaman. Bawat yapak ng oras, katumbas ay suntok pero sabay-sabay ko silang nararamdaman. Alam ko lahat kaya kong sabihin ngunit itong nararamdaman ko, hindi pwede. Ikaw ang natatanging sikreto na hindi ko kailan man kayang ibunyag.
Matuloy man bukas o sa isang araw o sa susunod pang mga bukas ang paggunaw ng mundo, masaya akong nakasama kita. Higit pa sa isang pagpapala ang binigay ng Diyos sa akin na hinayaan akong mahagkan ka.
FILIPINO: Dila sa loob ng baga. KOREAN: 폐에 혀. SPANISH: Lengua en un pulmón. ARABIC: اللسان في الرئة. ILOKANO: Dila idiay unig ti bara.
Subukan mo mang intindihin, hindi mo makukuha ang gusto kong sabihin. Hindi mo mababasa lang ang nais kong iparating. Pakinggan mo ako, pakinggan mo ang mga bagay na nais kong iyong malaman.
Madalas iniisip ko pa lang ang mga bagay-bagay pero lumalabas na sa bibig ko. Kung minsan, di ko pa man naiisip, yun bibig ko bumibirada na. Pero may mga bagay pa din na nais kong idaan sa salitang hindi mo maiintindihan. Mga bagay na dito ko lang mailalantad.
Tongue in a, masaya ako. Mas tongue in a malungkot ako. Maging sa iyakan man o tawanan, kahit sa umiibig at naiiwan ng kanilang iniibig, alam kong napapasabi ka din nito.