Ako si XXXX, RMT. Ako'y isang 2nd Year Medicine student ng FEU-NRMF Institute of Medicine, Dahlia, Fairview at kasalukuyan, ako'y gumagapang sa Medisina.
Sabi ng iba, pumasok sila sa Medical school para makatulong sa ibang tao. Sabi naman ng iba, aalis sila ng Medical school para tulungan ang sarili nila. Nakakatawa? pero ito yung katotohanan.
Hindi ako naiiba. Totoo lang, ang pangarap ko lang noon, maglaba ng damit ko. Wala akong plano sa buhay ko. Nung elementary at high school, taon-taon akong pinapatawag sa Prefect of Discipline's office, kaya akala ng lahat wala akong patutunguhan. Kahit ako din, wala naman akong naisip gawin sa buhay ko basta kahit anong mangyari sumaya lang ako, swak na yun.
Naging Medtech student ako (sa FEU-NRMF din). Wala lang. Hindi naging sobrang madali, pero kahit walang aral, makakapasa. Madalas nasa top pa yung score ko. Syempre, feeling matalino ako noon. Walang notes. Mag-aaral ng 9pm hanggang 10:30pm bago ang exam kinabukasan, tapos okay ang grades ko. Wala akong problema.
Nag-intern ako sa Veterans Memorial Medical Center, at dun nagbago yung "walang plano" sa buhay na ako. Nagkaroon ako ng isang duty na derechong 36 hours. Walang ligo. Iglip lang ng sampung minuto. At uuwi na sana ako nung may biglang humabol na papakuhaan ng dugo sa isang ward. Bangag na bangag na ako pero wala akong choice. Sige, minadali ko talaga. Pagdating ko sa kwarto ng pasyente. Isa siyang retired army na sobrang malaking lalaki. May edad na pero kitang kita mo pa din yung laki ng muscles niya, dahil nakasando lang noon ang pasyente. Syempre, kinuhaan ko agad para makaalis agad. Nung ililipat ko na ang dugo sa test tube, hinawakan ako ng pasyente sa braso ko. Napatingin ako. Sabay naluluha siyang sinabi "Iha, salamat ha? Wag kang magsasawang tumulong sa katulad ko. Wala kaming pambayad kaya nandito kami kaya nga laking pasalamat ko na may mga katulad ninyong tinutulungan kami kahit wala kaming bayad." Nakatingin lang ako sa kanya at seryosong gustong lumabas ng sipon sa ilong ko na uunahan pa sa luha ko dahil sobrang naiiyak ako sa sinabi ng pasyente. Saka ko naisip maging doctor. Saka ko naisip na kaysa sayangin ko yung buhay ko sa kakatambay lang, bakit di ako magdoctor para kung may kaya akong itulong sa iba, mas magagawa ko kung magiging doctor na ako.
Pumasok ako ng Medical school. Unang taon, petiks. Isinabay ko ang board exams ng Medtech. Kaya naman pala. Kaya pa din pala. Yun ang akala ko. Nagbago ang lahat nitong first sem ng second year. Hindi ito yung bagay na naisip ko. Hindi ako sanay sa panggulat ng exams ng Pathology department, lalo na ng Pharmacology department. Unti unting nawala ako. Unti unti kong naisip na "Bitawan ko na kaya 'to?" Sobrang hirap lang ako. Nasa punto ako na feeling ko sobrang bobo ko. Parang wala akong natututunan. Parang di ako makasabay sa lahat. Parang walang tumatatak sa utak ko. Hanggang ngayon, hindi ko alam paano hahatakin yung sarili ko. Pero ayoko. Hindi ko pipiliing itigil 'to.
Dito sa Medical school, ibang iba na. Kahit na mag-aral ka buong gabi. Kahit na ginawa mo na lang 5 oras yung 8 oras na tulog mo noon, halos di ka pa din papasa sa shiftings. Yung unang 30 minutes ng lecture ganado ka pa, pero sa mga susunod na minuto parang dekada ang inaantay mo matapos lang ang lecture dahil yung utak mo sasabog na sa itinuturo sayo ng doctor na di naman na pumapasok sa kokote mo. Yung isang oras lang na break mo na 12pm-1pm araw-araw, meron pang shiftings na 12noon-12:30pm. Yung sa isang araw, may reports ka sa iba't ibang subject, kasabay pa noon yung practicals mo sa iba pang subject, idagdag mo pa yung quizzes mo sa iba na namang subject at yung sa inaraw-araw na shiftings mo na iba na namang subject. Dito, magbabayad yung magulang mo ng higit pa sa 100,000 pesos per semester para lang sa tuition fee mo samantalang yung mga ka-batch mo nung elementary, high school at college, kaya na nilang buhayin yung sarili nila.
Dito pala sa Medical school, hindi pwedeng gusto mo lang maging doctor. Hindi din pwedeng mahal mo lang 'tong bagay na 'to. Pwede kasing gusto mo pero iiwan mo kapag nagkamali na. Pwede kasing mahal mo pero bibitawan mo kapag mahirap na. Sa Medicine, dapat kahit bumagsak ka ng paulit-ulit, kahit ilang tres o singko yan, ang mahalaga yung palaban, yung desidido, yung di hihinto, yung di aayaw, yung di susuko, yung babangon ng babangon hanggang maging doctor siya.
Hindi lang tayo basta bastang mga estudyante dahil tini-train tayo ng todo kasi tayo yung mga susunod na henerasyon sa Medical profession. Ang mga marka na makukuha natin sa exams ay hindi bubuo sa kung ano ang kakayanan natin, sinisigurado lang nila na may sapat tayong kaalaman.
Siguro nga hindi na magandang tignan ang TOR ko, pero pumasok ako sa Medical school hindi para maging magaling na estudyante. Pumasok ako sa FEU-NRMF Institute of Medicine para maging isang magaling na doctor.
Magiging doctor din ako, sa tamang panahon, sa panahong nilaan ng Diyos para sa akin.
Well said. I'm very proud to have a schoolmate with this mindset. You'll be a great doctor someday.
ReplyDeleteThank you, Doc! :)
DeleteCongrats! I like your blog (and the title). Sana hindi ka mapagod. Sana hindi ka ma-burnout. May panahon na mararamdaman mo 'yun pero you have to persevere. I hope to see more blogs from you!
ReplyDeleteP. S. Can I share your blog as an inspiration at my website? Thanks!
Hi Frencel! :) Thank you! I won't give up. That's the last thing I'll do :)
DeletePS. You can share the link of my blog, but please don't copy-paste the blog. I hope you understand. :) God bless you
Hope you won't mind...I shared this to my son who is in the same field as you are now...Hope this will inspire him to pursue his dream of becoming a doctor. All the best for you. God bless you always.
DeleteThanks maam :) no worries!
DeleteIm currently a Junior Intern. In a month, matatapus na aku sa journey natuh and magsisimula na sa career as a doctor. But not known to many i was an ELEMENTARY DROP OUT, i finished med tech in 4 YEARS AND 6 MONTHS. I even worked as a SERVICE CREW sa isang FAST FOOD CHAIN. I took medicine too because of so much poverty around us. In medicine as reiterated samin ng mga professor naming consultants "Medicine will give you comfortable life, but hinding hindi ka kailanman yayaman. if riches hangad mu sa Business Ad ka dapat" malaking porsyentu ng pasyente natin dito walang maibabayad sayu "Pro Bono". Isa out of sampu lng ciguro ang makakabayad ng PF muh... That what makes being a Doctor a noble job and to think hindi mura ang tuition natin. at hindi madali ang gagapangin natin to pass this course. Dapat may matibay ka na reason kung saan kung mapagod kaman, as most of us do, look back kalng sa reason kung bakit nandito ka ang move forward. lalong hihirap ang MD3 but i know kakayanin mu tuh kung may 5 hours ka ngayun na tulog ewan nlng sa MD3. Junior Internship? Hihirap lalo, dito indi naman mentally kundi, emotionally, tsaka dagdagan ng mga NARS na hindi mu maintindihan kung bakit cila naging nurse in the first place at tatratuhin kapang mas mababa sa Orderly ng hospital... kapit kalg tsaka pray lagi, with good intentions hinding hindi ka nya bibiguin... Goodluck sa endeavors muh...
ReplyDeleteHi Doc! I'm so happy to read your story! I'm not really after an easy life here in Medicine. I just know it will all be worth it in the end, Doc! :) It's not just passion that keeps me going. It's grit that whatever predicaments and trials I'll be facing, I won't ever ever give up. :) Thank you, Doc! God bless you!
Delete...tama yan iha, pinagdaanan ko din ang pinagdadaanan mo. consultant na ko ngyn, pero looking back nung student pa din ako gaya mo, ganyan din ako, ang mga grades ko halos sumabit na din pero alam mo narealize ko ngyn, ang grades, grades lang yan para pumasa ka, pero ang pagiging magaling na doctor ay nakasalalay sa magiging sipag at tyaga mo, sa pag-aalaga mo sa mga pasyente mo, sa pagiging humble mo sa lahat maging sa mga katrabaho mo sa ospital, at higit sa lahat sa saya na naidudulot syo ng ginagawa mo bilang isang doctor. pag nakuha mo un, un ang magaling na doctor. bonus na ang mgandang practice mo. :) everything will come into place, just always stay humble and pray. tandaan mo, ang profession lng naten ang natatanging may kakayanang magpatuloy ng buhay kahit may limitasyon, pero ang mapahaba mo ang buhay ng isang tao, kahit saglit lang, iba ang impact nun sa pamilya ng pasyente. mamahalin ka ng tao d dahil sa grades mo, o sa titulo mo, or sa yaman mo...mamahalin ka nila dhil ginagawa mo ang katangian ng isang mabuti at magaling na doktor. tandaan mo yan iha. :)
ReplyDeleteGood morning po, Doc! Yes po :) I'll keep that in mind. Mas magiging matyaga po ako at masipag. At kung sabit ang grades po, lahat babawiin ko kapag nasa practice na po ako, Doc! Thank you so much, Doc! God bless po :)
DeleteWhew! Such a clever thing to express here! You know very well how much I admire you as one of my former students! I can remember how you were in class, pero ngayon cguro mas may angas nah dahil sa mga nararanasan mo sa Medicine. But always take a step forward in whatever situation you find yourself! There will be a big difference! Just a step forward! And of course, PRAY, it always helps! Missing you Faye!
ReplyDeleteMa'am Kareen! Thank you po :) Hehe, walang angas maam. Puro lang learning from experiences po :) Yes maam! I always pray maam!
DeletePS. I'm missing you too, Ma'am (Lahat ng chikahan at mga seryosong usapan with you) :-* God bless maam!
i understand what you feel. hahaha
ReplyDeletemagiging doktor din tayo, laban lang ng laban, walang nagiging successful sa taong puro negative. parte ng buhay ang nadadapa, pero syempre dapat matuto kang bumangon para sa pangarap mo at sa pamilya mo.
"Progress looks like a bunch of Failures, and you have feelings about that because it is sad, but you cant fall apart. and then one day we will succeed and we will save a persons life."
Godbless, happy aral :)
Amen to that Doc! Yes! In God's perfect time, magiging totoong doctor din tayo :) God bless you! Happy aral too
DeleteThis is true…sabi nga nila, when you get into practice, hindi naman itatanong ng pasyente mo kung ano naging grades mo nung medschool or kung saan ka graduate, ang itatanong nila eh kung gagaling ba sila or kung mabubuhay pa sila…that's why being a doctor is considered a noble profession, for me it's the noblest of all profession, coz every wrong decision you make, a life is always at stake…so goodluck to you and I believe you'll be a great doctor someday… :)
ReplyDeleteHi Doc! Thank you for finding time to read this one. Thanks po :) I will give my best to become a great doctor. God bless po :)
DeleteAte, isa po akong graduating bio student na nakaharap sa opportunity ng pag-aaral ng medisina. Pero hindi po ako desidido kung itutuloy ko po ito. Maliban po kasi sa sayang ung opportunity, wala na akong ibang reason. Hindi ko naman po first love ang pagdodoktor. Advisable po ba na subukan ko pa rin kahit na ganito yung case ko?
ReplyDeleteHi! :) You can try. Grab that opportunity KUNG GUSTO MO, at hindi lang dahil sasabihin mong "SAYANG" lalo kasi dito sa Med school, medyo malalim dapat yung reason mo to go through everything, cos it's not an easy road. Kaya if you find yourself in this path, go! :)
DeletePareho tayo ng situation..before medschool, nagtrabaho ako as a pharmacist.isinantabi ko yung original plan ko to pursue medicine after graduation from college.pero nung nagtatrabaho na ko, i felt there was something missing.boring ang buhay. Parang walang patutunguhan buhay ko.naisip ko dapat nagmed na ko.pero nung nasa medschool na ko at hirap na hirap sa gabi ganing kakaaral, naisip ko naman, ano bang ginawa ko at bakit ko isinalang sarili ko sa hirap.naisip ko naman, ang sarap na ng buhay ko nung nagtatrabaho ako.iniyakan ko na tatay ko, sabi ko, ayoko na.tinawanan lang ako.sabi niya, kaya mo yan, ikaw pa! Board exam nga naipasa mo ng di nag aaral. To cut the long story short, nakapasa ako ng first year kahit na remedials ko yung big four na subjects. Pero ngayong second year..mukhang bibingo ako sa lahat ng subjects. I'm sure kilala mo ang mga Magkasi..torture ang patho namin sa fatima dahil sa kanila.kabatch pa namin yung isang apo.ahead naman sa amin ng isang taon yung isa.pero kahit sila, di nakakaligtas sa kamandag ng mga kalahi nila.walang kama kamag anak.o diba ang tindi..pero fair naman din yun.pero naiisip oo sa ngayon, kung babagsak man ako ngayon at di makapag 3rd year, siguro ok lang.kailangan ko talagang matutuhan yung mga di ko maintindihan.kasi unfair naman sa mga magiging pasyente ko kung di ko iaabsorb yung mga itinuturo sa akin diba.makaka graduate din ako.di man siguro on time, pero matatapos ako.yun ang ultimate goal ko, ang makatapos at makapag silbi sa isang government hospital.
ReplyDeleteIsa sa mga bagay na pwedeng gawing inspirasyon: yung paghihirap ng mga magulang mo. Hindi lahat ng pumapasok sa medisina, mayaman. Yung iba, sagad ang budget ng mga magulang para lang maging doktor ang anak. Kaya nakakahiya naman sa kanila kung ibabagsak lang natin ang mga subject natin at sasayangin yung daang libo na galing sa ilang oras na pagod at pagtitiis nila sa pagtatrabaho.
ReplyDeletei agree with this.. well said. Prayer and hard work will survive us. Godbless us all future pinoy doctors!
DeleteWah parang ikaw biglang ihip hangin sa akin. RN na ako pero gusto ko din maging doktor kaso TOR ko sa BSN di kagandahan but try ko pa rin magNMAT. Laban lang. Tnx nainspire ako.
ReplyDeleteHello po ate! Naguguluhan po kasi ako kung Nursing or Med tech. Sa FEU NRMF din po ako papasok.
DeleteLast week po kasi dapat mage enroll na ako sa CEU -Pre dent, night before the day kinausap ko po ang mama ko na hindi ko alam kung bakit parang ngayon nagaalanganin na ako. Sinabi ko na sakanya agad kasi ayaw ko naman pong mag aksaya pa ng pera. Based po sa mga naririnig ko mas may advantage daw po ang med tech pag nag medicine na. Bakit po pag nursing ba mahihirapan ako kung sakaling ituloy ko ang pag me med?
Iniisip ko po kasi kung nursing ako at hindi na magme med at least i can work abroad, pero baka sa future magbago pa isip ko at ituloy ako ang med tapos nursing ang pre med ko, baka naman maling choice yun :(
Haaay nahihirapan na po ako sa pagpili.
Binigyan po ako ng 2 weeks ni mama para makapag-isip yet hindi ko pa rin alam :(
Sana po matulungan niyo akong malinawagan. Thank you po & God Speed!
Hello ate. Grave. Nakarelate ako sa blog. Tulad mo ate d na rin maganda tignan ang TOR ko. Medtech student po ako. During my 3rd yr life bumagsak po ako sa 2 major subject ko and dahil dun late ako gagraduate. Tama ka ate. Sa tamang panahon makukuha rin natin ang dapat satin. Thanks ate. Nakaka inspire ka.
ReplyDeleteHi :) Kaya mo yan. Push lang. Wag kang mawawalan ng pag-asa, mas lalong wag kang gigive up. :) You failed pero hindi naman talaga yan failure, ang failure ay kapag binitawan mo, kapag di mo na susubukang muli. Magiging kaparehong RMT kita, soon! God bless you :)
DeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDeleteHi, Ate! Sobrang nainspire niyo po ako sa blog post na 'to. :) Actually 4th year HS palang po ako ngayon and three months more to go and gagraduate na din po ako ng High School. Marami po akong gustong gawin sa buhay at isa na rin po dito ang pagiging doctor. I know you have to have a deeper, and more profound reasons to pursue this career kasi hindi naman po basta basta ang mag ligtas ng buhay. My parents offered me this choice at napapaisip din ako na, 'Why Not?' pero due to my ignorance sa mundong ito, andami ko pong 'What if's and doubts na baka ganito, ganyan ang mangyari sakin pag pinasok ko ito. I don't want to be selfish with my decisions, iniisip ko rin po yung parents ko eh. Tumatanda na rin po kasi sila at gusto ko ako yung mag-aalaga sa kanila. Pero yun nga po, sobrang dami kong delima sa course na 'to. I just really hope that I can persevere till the end if ever ito po yung pipiliin ko. I know it won't be easy but to succeed is also not impossible. God bless po sa inyong lahat at lalo na po sa inyo for inspiring me! :)
ReplyDeleteHello po ate! Medyo naliwanangan po ako sa post mo na 'to. Though last year pa itong post sana po matulungan niyo ako. Naguguluhan po kasi ako kung Nursing or Med tech. Sa FEU NRMF din po ako papasok.
ReplyDeleteLast week po kasi dapat mage enroll na ako sa CEU -Pre dent, night before the day kinausap ko po ang mama ko na hindi ko alam kung bakit parang ngayon nagaalanganin na ako. Sinabi ko na sakanya agad kasi ayaw ko naman pong mag aksaya pa ng pera. Based po sa mga naririnig ko mas may advantage daw po ang med tech pag nag medicine na. Bakit po pag nursing ba mahihirapan ako kung sakaling ituloy ko ang pag me med?
Iniisip ko po kasi kung nursing ako at hindi na magme med at least i can work abroad, pero baka sa future magbago pa isip ko at ituloy ako ang med tapos nursing ang pre med ko, baka naman maling choice yun :(
Haaay nahihirapan na po ako sa pagpili.
Binigyan po ako ng 2 weeks ni mama para makapag-isip yet hindi ko pa rin alam :(
Sana po matulungan niyo akong malinawagan. Thank you po & God Speed!
Kumusta ka na po? Napadpad ako dito kasi gusto ko rin maging doctor ☺
ReplyDeleteGreat and I have a neat offer: How Many Home Renovation Shows Are There split level home kitchen remodel
ReplyDelete