Kung may ngipin ka man o pustiso na o kung gilagid na lang kung may buhok ka man o kalbo, kung may jowa ka man o kalandian o jojowajowaan lang, kung kakabreak ninyo lang o di ka pa talaga nagkaroon, kung may bulaklak ka man o wala, kung may date ka man, wala man lang nag-imbita sayo o sarili mo lang ang date mo, kung may trabaho ka man ngayon o may exam, kung may pera ka man o wala, hindi naman yan ang mahalaga ngayon.
Kung wala kang ngipin, ngumiti ka lang! Wag mong ipagdadamot yan sa sarili mo.
Kung wala kang buhok, isipin mo na lang, at least may ulo ka.
Kung may jowa ka o kalandian lang o jowajowaan lang, ang mahalaga iparamdam mo lang na importante siya sayo.
Kung kakabreak ninyo lang, tandaan mo sa school yan ang inaabangan ng lahat. Ibig sabihin, wag kang masyadong malugmok! Move on move on din! Kung di ka pa nagkakaroon, antay ka lang. Darating din yun.
Kung may bulaklak ka man na natanggap o wala, ang mahalaga alam mo na may nagmamahal sayo at di basehan yung mabulaklak na mga bagay.
Kung may ka-date ka man, enjoy lang. Kung wala man lang nag-imbita sayo, imbitahan mo ang pamilya mo. Ang valentines hindi lang para sa magjowa, para 'to sa mga taong nagmamahal, at panigurado hindi palyado ang pamilya mo sayo pagdating sa pagmamahal nila sayo.
Kung may trabaho ka man ngayon o may exam, madami pang ibang araw. Di naman kailangan ipilit ngayon ang mga bagay na di pwede.
Kung may pera ka man o wala, ayos lang yan! Sabi nga, kung gusto, madaming paraan.
Kaya ngayong Valentines, sabihin mo sa mga mahal mo na mahal mo sila. Gumawa ka ng love letters. Magluto ka para sa kanila. Magjoke ka ng sobrang mapapatawa mo sila. Hindi lang 'to para sa magjowa, para din 'to sa pamilya at magkakaibigan! Kaya sige na, wag ka na magpatumpik tumpik pa, may oras pa, magcelebrate ka na ng Valentines!
PS. Single ako, at masaya ako ngayon. Binili ko 'tong mga bulaklak na 'to para sa Mama, Tita, Lola, Sister at dalawa kong pinsan na babae. Binilhan ko si Papa ng cake. Pwede yun! Pwede mong lambingin ang pamilya mo (hindi lang ang jowa mo)
PPS. Ang lupit ng Beta Sigma! Salamat sa bulaklak! 2nd year na 'to! Solid kayo! Sa susunod ulit :)
No comments:
Post a Comment
May karapatan kang ipahayag yan. Tongue in a lung, wag kang tatameme.