"Indeed it is never easy to start over, to let go of what's always been, to go to where one's never gone to and to become someone that one has never become... When to start? Follow your heart and start at your own pace. Start when you are ready. Start when you want. START OVER ANYTIME."
Kapag iniwan ka, hayaan mo. Kapag nasaktan ka, hayaan mo. Kapag umiyak ka, hayaan mo. Kapag di ka pinili, hayaan mo. Kapag hindi ka pinapahalagahan, hayaan mo. Kapag hindi lang ikaw ang mahal, hayaan mo. Kapag may kahati ka, hayaan mo. Kapag unti-unti kang binibitawan dahil may nagpapasaya na sa kanya ng higit pa sa kaya mo, hayaan mo. Kapag lagi kang binabalewala, hayaan mo. Kapag di mo na kaya, hayaan mo na, lumayo ka na. Magsimula ka na wala siya, wala sila.
Takot tayong magsimula. Takot kasi tayong baka mas di tayo sasaya, baka pagsisihan natin sa huli. Totoo lang, ako din takot, takot na takot. Ang akin lang, kung alam mo ang worth mo, kung alam mo yung mga bagay na deserve mo, don't settle for anything less than that. Kung alam mong nagawa mo na ang higit pa sa dapat na ginawa mo, kung naibigay mo na ang higit pa sa dapat na naibigay mo, siguro panahon na, panahon na magsimula ka ng wala siya, wala sila.
Baka kasi katulad kita ngayon, baka takot kang bitawan yung mga bagay na alam mong mali. Baka takot kang bumitaw sa ideya na baka pwede kayo, kahit na alam mong umpisa pa lang wala na. Baka kasi katulad kitang nahihirapang umaasa, alam ko kasi higit pa dun, mas mahirap ang wag umaasa. Baka kasi katulad kita, di natuto, kaya paulit-ulit. Baka kasi katulad kita, kaya gusto kong malaman mo, pwede. Pwede nating bitawan yung lahat ng ito. Hindi man sigurado kung mas sasaya tayo ng wala yung taong yun, ang alam ko lang, mas masayang makakilala ng taong papahalagahan ka, mamahalin ka, yung solid, yung walang kahati. Bitaw na. Bumitaw na tayo.
Bibitaw ako kasi alam kong nagawa ko ang lahat. Bibitaw ako kasi alam ko, may isang taong para sa akin, yung di ko kailangang makihati, yung di ko kailangang mag-antay sa kung anong kaya niyang ibigay, yung gagawin ang lahat para lang hanggang dulo, maging maayos ang lahat. Yung taong kasama kong magsisimula lagi, yung hindi ako iiwan, hindi ko iiwan. Yung pipiliin ako, at pipiliin ko. Yung taong ibibigay ang buong buo niya, katulad na ibibigay ko ang buong buong ako.
You're the best, Chaar! Thank you sa "not-so-planner/not-notebook" na 'to! Rak na rak ang araw ko. Thank you for being a sister to me. Thank you for never getting tired sa walang sawa kong mga kwento sa lahat. Peksman, pupunuin ko ng lettering, pag-ibig at kasiyahan ang mga papel nito. I'll never be afraid to start over and over and over and over again. Thank you so mucho. >:-*< (Madaming halik na may kasamang mahigpit na yakaaaap)
No comments:
Post a Comment
May karapatan kang ipahayag yan. Tongue in a lung, wag kang tatameme.