Tuesday, December 24, 2013

Ang Regalong Walang Tutumbas


Madami tayong hinihiling. Madami tayong gustong makuha. Madami tayong inaasam. Masyadong madami pero alam mo, na kapag nakuha mo yun, matapos ang ilang maikling panahon, may papalit na naman sa hiniling mong yun. May bago ka na namang hihilingin, nanaising makuha. Matapos mong makuha, paglipas ng ilang oras, alam mong may bagong gustong hihilingin na naman ang puso mo. HIndi ko sinasabing hindi tayo marunong makuntento, ang akin lang, hindi lang talaga yun ang kayang magpuno ng buhay mo. Kung ang isang hiling ay mapapasaya ka lang sa maikling panahon, hindi yun ang talagang nilalaman ng damdamin mo.

Buti na lang ako, may nakuha akong higit pa sa inasahan ko. May nakuha akong hindi ko hiningi. May naramdaman akong kailanman hindi ko naman talaga naisip. Kinumpleto ako ng mga regalong 'to sa paraang kahit anong bagay walang tutumbas. Binigyan nila ako ng kasiyahang kailanman, walang makakapagbigay sakin. Ipinaramdam nilang mahal nila ako, at walang kahit anong pangyayari ang makakapagpabago noon. Tumawa sila kasama ko sa panahong masaya, at niyakap nila ako at hindi hinayaang mahulog sa panahong walang wala ako. Tinanggap nila ako ng buong buo, walang mga tanong, walang kahit anong pagdadalawang isip. Ito ang regalong buong buhay akong mapapasaya, buong buhay akong makukuntento, buong buhay akong pupunuin, buong buhay kong gustong yakapin. 

Ang pamilya ko at ang mga kaibigan ko -- sila ang mga regalong kailanman, walang tutumbas.


These are my gifts for my family, mi mucho loveys. We had a great Christmas 2013, I hope you had a blast too! Merry Christmas everyone! Spreading the love <3

No comments:

Post a Comment

May karapatan kang ipahayag yan. Tongue in a lung, wag kang tatameme.