Saturday, September 17, 2016

Bakit Gusto Mong Maging Doctor?

FEU-NRMF 3I.
Luhaan. Sugatan. Nagtatawanan pa din. Matitibay.


Bakit gusto mong maging Doctor?

“Gusto ko maging doktor hindi lang dahil gusto ng magulang ko. Gusto ko maging doktor para makatulong sa iba lalo na sa mga ordinaryong mamamayan na hindi masyadong natutugunan ang pangangailangang medical kasi akala nila mahal magpagamot. Yung mga simpleng sakit lumalala kasi kulang sa edukasyon yung mga tao sa tamang pag gamit ng gamot at sa tamang pag-inom nito. If I were to be a doctor someday, hindi lang libreng gamot yung pagtutuunan ko. We, doctors, should teach them proper usage of meds and hindi porke mahirap, wala ng right gamutin.”
-Joy Trinidad (FEU-NRMF Medicine)

“Dahil wala ko ibang nasip na gagawin ko sa future kundi maging doctor. Maybe God’s will, maybe my parents’ will, maybe both. But whatever was, is and will be my reason, I am here because I don’t know what other things I will do when I get old.”
-Harriet Lazo (FEU-NRMF Medicine)

“GUSTO KONG MAGING DOCTOR!!”
-Paul Ines (FEU-NRMF Medicine)

“Gusto ko maging doctor kasi gusto ko paulit ulit makita yung ngiti ng mga pasyente ‘pag napapagaling mo sila. Yung mga tingin na kahit hindi sila makapagsalita dahil sa mga tubo na nakasapak, e alam mong sobrang nagpapasalamat sila sayo sa pag-aalaga mo. Yung mga simpleng salamat dok. Yung passion ko mag-alaga sa kahit na sinong tao.”
-Charise Arcenas (FEU-NRMF Medicine)

“First of all, what a weird effect a little break from studies has on you. Secondly, I like the prestige of knowing a lot. If that’s even possible. I always tell people that what I really want is a job that allows me to dress how I want (more than likely, a Hanes shirt and jeans) but I honestly just find the transition from mediocre to insanely knowledgeable, so aggressively fulfilling I guess. That can’t be all that weird right? I mean, when I was younger, I secretly wanted to be a storm chaser. That was pretty weird.”
-Adam Bondoc (FEU-NRMF Medicine)

“Kasi pangarap ko ‘to simula nung pagkabata. Kahit joke joke lang dati.”
-Miguel Rono (FEU-NRMF Medicine)

“Nag-memed ako ngayon kahit matanda na ko hindi dahil gusto ko lang yumaman. Nag-memed ako kasi gusto kong ishare yung mga matututunan ko sa mga magiging pasyente ko. Hindi lang empathy or sympathy. Not just to be a perfect doctor who does not make mistakes, who does not focus on curing that certain person, but a doctor that serves my patient the best I can give. At alalayan sila sa mga nararamdaman nila. In short, you have passion in doing your job. Anyway, being a doctor is a lifetime job. No retirement. So, enjoy everything.”
-Joe Reyes King (Fatima Medicine)


*****     *****     *****     *****     *****     *****    

May kanya-kanya tayong dahilan kung bakit natin gustong maging Doctor, pero sa lahat ng mga sagot natin, walang mali sa mga iyon. Nasabi ko na dati sa isang blog ko kung bakit gusto kong maging Doctor pero kapag nandito ako sa puntong nahihirapan, minsan gusto mo na lang bumitaw.

Mas madali kasing bumitaw kaysa lumaban. Mga Doc, parang pag-ibig diba? Kapag humupa na yung kilig, kapag nastress ka na lang sa pag-ibig, yung madami sa atin bibitaw na lang e. Parang sa Medisina, kapag wala na yung kilig sa pagsasabi na Med student ka at gumagapang ka na sa shiftings(imbes na na-eenjoy mo yung tanging isang oras na break mo sa buong araw, nagsasagot ka pa rin ng shiftings), quizzeseseses (dahil napakarami kaya todo na ‘to), exams, SGDs, CPCs at iba pa, papasok sa utak mo yung “Bitaw na kaya ako?”

Kakatapos lang ng Prelims namin. Totoo lang, nangangatog din yung tuhod ko sa results pero may mga classmates ako ngayon na katulad ko, nahihirapan. May ibang humagulgol na kasi ang baba daw ng score nya, yung isa naghahanap ng karamay pero nagkataon na na-offend dun sa isa pa na parang namaliit yung kakayanan niya, yung iba tahimik lang pero alam kong kumakabog din ang dibdib. Ako? Sa harap nila, sinasabi kong “Kapag kasi kailangan mo ng karamay, ako lapitan mo. Sobrang machicheer up ka kapag sakin ka lumapit” pero di naman lahat may alam na ako mismo, takot na takot na naman. Na habang nagrereview ako nung prelim week, umiiyak ako kasi wala akong panahon huminto para umiyak muna saka ako mag-aaral kaya habang humahagulgol ka sa isa, nagmememorize ka na ng exam mo para sa susunod. Wirdo noh? Pero nangyayari talaga. Yung coverage list ko lalagyan ko pa ng “God, help me” o kaya “God bless me” Nag-FB ka at gusto mo talagang mag-status ng “Sino pa dyan ang katulad kong nahihirapan magreview?” pero wag na lang kasi gusto mo pa din magpakastrong kahit parang wala ng papasok sa utak mo. Yung ang tagal mong magmamakaawa sa utak mong ipasok lahat ng kailangan mo para pumasa pero sa puso mo takot na takot kang baka bumagsak ka.

Gusto ko ding bumitaw, ilang beses na. Gustong gusto kong iwan ‘to, ilang beses na. Gusto kong magtago paminsan kapag sa tingin ko mababa ang score na nakuha ko. Yung magdarasal ka habang sumasamo sa Panginoon ng “Tulungan Mo ako, Panginoon, kasi impossible na sa akin” Gusto ko na lang minsan isipin na, baka hindi na ‘to para sa akin, kasi madalas ang baba naman ng nakukuha ko. Gusto kong paniwalaan na di na ‘to para sa akin...

PERO...

Bakit mo sinimulan kung bibitawan mo? Nung pumasok ka ba dyan, ang totoong iniisip mo magiging madali ang lahat? Akala mo ba isang beses na basahan lang, papasok na yang sangkaterbang yan sa utak mo? Na kapag bumagsak ka, di ka babangon? Na kapag nasaktan ka, di ka maghihilom? Na kapag naglecture dyan yung Doctor, lahat ng sasabihin niya agad-agad maiintindihan ng kokote mo? Na kung halos di mo na kinakaya at sa tingin mo di mo na kakayanin, di ba pwedeng subukan mo ng paulit ulit? Na kung gusto mong magtago, e bakit ka pa rin nandyan? Na kung gusto mong bumitaw, bakit lumalaban ka pa din ng paulit ulit? Na kung di para sayo ‘to, e bakit nagdadasal ka sa Diyos ng gabay para makuha mo yang MD sa tamang oras na nilaan Niya para sayo? Ibig ko lang sabihin, andito ka dahil may rason. Siguro ang gulo lang ng utak natin madalas kaya nasasaktan tayo sa pagbagsak, sa paghihirap sa Medisina pero alam natin na di natin ‘to bibitawan ng ganun lang. Higit pa sa pag-ibig. Kailangan mahal na mahal mo para ipaglaban mo, kasi alam mo sa dulo, di mo alam kung saan ka pupulutin kung bibitaw ka ng ganun na lang, kasi sa puso mo, kahit gaano ka nahihirapan, di mo makita yung sarili mo na may gagawin pang iba bukod sa pagdodoktor.

GINUSTO KO ‘TO. Gusto kong maging Doctor dahil gusto kong maging Doctor. Sumunod na lang dun yung mga rason kung bakit ko ipinagpapatuloy ‘tong pagdo-Doctor. Pinili at pinipili kong maging Doctor, kailangan lang talagang araw-araw piliin ko ‘to ng paulit ulit, mahalin ng todo, pag-aralan ng walang katapusan, paghirapan para alam kong karapatdapat akong matawag na Doctor sa tamang panahon. Patibayan nga dito e. Kung ngayon bibitaw ako, wala akong karapatang maging Doctor na kapag nahirapan sa isang pasyente bibitaw na din lang at hahayaan yung buhay ng magiging pasyente ko. Di lang naman ako yung nahihirapan. Di lang din naman ako yung umiiyak. Di lang naman ako ang bumabagsak. Di lang din naman ako yung takot sa mga grades pero diba, di naman yang grado yung nagsusukat lang ng kapasidad natin bilang tao, numero na nakasalalay ang buhay natin sa Medisina pero di naman nagsasaad na hanggang dun lang tayo sa gradong yun. Di lang naman ako ang namomroblema sa Medisina, pagalingan lang sa paano natin dalhin yung sarili nating mga problema, at sa Medisina, kargo mo lahat ng problema pero kailangang hanapan mo ng lunas, kung papaano maiayos, kung paano mabuhay pa dito, kung paano tumagal pa. Patibayan ng loob. Patatagan ng puso. GINUSTO NATIN, PANINDIGAN NATIN.

GUSTO KONG MAGING DOCTOR KASI GUSTO KONG MAGING DOCTOR. Sa lahat ng baldeng iyak ko na ‘to, sa lahat ng iiyak-pero-tatawa-kasi-pretty-ang-nakangiti-moments na ‘to, sa lahat ng buffet na binubura ang kalungkutan sa mga panget kong grado, sa lahat ng pagpiga sa utak ko habang nag-exam, sa lahat ng isasagot-ko-‘to-kahit-di-tama-kasi-kailangan-ng-grade-para-sa-SGD, sa mga “Uy Besh! Anong grade mo?” at pakshet na ang taas pala ng friend mo kaysa sa grade mo pero papaka-positive ka na makakapasa ka next time, sa lahat ng pagpinta sa mga libro, transes at manuals, sa lahat ng pagka-heart broken sa Medisina, sa lahat ng ‘to, sa panahon na bigay sa atin ng Panginoon, magiging Doctor pa rin sa dulo, basta walang aayaw, pwedeng kumurap, pwedeng mangulangot kapag sad, pwedeng humagulgol, pwedeng manood ng movies para kunwari chill ka, pwedeng magpanggap na easy lang kahit halos lumuhod ka na sa simbahan kakadasal ng mirakulo, pero please walang bibitaw.

NGAYON, KAYA MO NA BA AKONG SAGUTIN? BAKIT GUSTO MONG MAGING DOCTOR?

Kung hindi pa, basahin mo ‘to:
“Kapag pinanghihinaan ka ng loob, nawawalan ng pagasa, natatakot, napapagod, dasal lang. Nandito tayo kasi may dahilan. Someday, somewhere along this journey, I hope you’ll find the answers, a simple epiphany, a relative’s word, a patient’s last smile. I hope you’ll find the answers, if not, I hope you’ll never lose faith in finding it” (Harriet Lazo, 2016)

Kung nagdududa ka na kakayanin mo, ito ang tips from Doc Ronald:
Etiquette of a Medical Student (By: Ronald Allan Cruz, MD)
RULE 1: MAXIMIZE BRAIN POWER. kung di na kayang ma-absorb, pahinga muna, relax. 'wag magsayang ng oras kakabasa pero di maintindihan.
RULE 2: SHARE. ang trans at notes ay para sa lahat. hindi lang sa iisang tao.
RULE 3: ALAMIN ANG USO. uso pa ba ang samplex sa exam na ito? notes ba, textbook, or footnotes ang source sa exam? it changes from doctor to doctor. learn to adjust.
RULE 4: GET A HOBBY. yung di kakain ng maraming oras at pera para di masiraan ng bait kakaaral. 30 min crossfit, collect something (inexpensive), or tumunganga sa kawalan for 10 min. ang pagiging slacker ay hindi hobby! 10 min lang ang oras para tumunganga. slacker na kapag more than 10 min. do your job, and do it well.
RULE 5: DISKARTE. it's not really cheating kung magtatanong kung anong nangyari sa naunang quiz, sgd, etc. believe me, yung mga teachers niyo have taken that into account. at least may natutunan pa kayo.
RULE 6: INTERNET AT GADGETS. kung may nabasa sa libro na di maintindihan, i-google, i-youtube, etc... maybe a different perspective can help you understand. pero dapat babalik pa rin tayo sa textbooks kapag tinanong.
RULE 7: MAGING FRIENDLY WITH THE RIGHT PEOPLE. hang out with the smart ones. magpa-cute sa matatalino! malay mo... kung matalino ka at may nagpapa-cute sa iyo, 'wag masyadong feeling! you're in med school to learn. not to take advantage. priorities muna. you're smart. so stay smart!
RULE 8: ANG MAHIYAIN BUMABAGSAK! 'wag matakot magtanong, sa kaklase, dorm-mates, at lalu na sa mga professors.
RULE 9: CHOOSE YOUR BATTLES. alamin ang subjects or exam na kailangan ng extra attention at effort.
RULE 10: EMERGENCY EXIT. i-drop ang subject kung kailangan. maybe less load can help you focus.

 Syempre, MD in God’s perfect time.

Nag-Med. Nasaktan. Nasasaktan ng paulit ulit. WAPAKELS. Tibay lang. Puso at puson!

FKO,RMT



4 comments:

  1. Thank you sa article .It inspires me a lot. Gusto ko ring maging isang doctor .Di kakasya sa budget pero hahanap ako ng ibang ways.
    15 na ako ngayon ,2 years na lang..

    Same sa mga sinabi nila Ms.Joy Trinidad ,I want to be a doctor to help.Lumaki kasi akong may nakikitang namamatay sa harapan ko ,Masakit ang Mawalan ng kapamilya dahil sa kakulangan ng pera at kaalaman sa medisina.

    ReplyDelete
  2. Baka pag maging doktor kana masungit kana.. karamiham sa mga doctor maldita o kaya suplado...

    ReplyDelete
  3. I want to be a doctor
    Not only heal their wounds as well as their feelings

    ReplyDelete
  4. Maraming salamt dahil meron akong idea sa iyong munting storya

    ReplyDelete

May karapatan kang ipahayag yan. Tongue in a lung, wag kang tatameme.