FILIPINO: Dila sa loob ng baga. KOREAN: 폐에 혀. SPANISH: Lengua en un pulmón. ARABIC: اللسان في الرئة. ILOKANO: Dila idiay unig ti bara. Sa kahit anong pagkakataon, tongue in a lung.
Tuesday, March 8, 2016
Ang Mahirap Mahalin
Kausap ko yung sarili ko.
Sabi ko "Ang hirap niyang mahalin."
Sagot ko sa sarili ko "Sa tingin mo, ikaw, madali kang mahalin?"
(Hehehe! Hindi din. Lalong hindi.)
Sa kung papaanong paraan sumasakit ang ulo ko sa kanya, malamang ganun din siya sa akin. Sa kung paano naiirita ako sa mga sinasabi niya, malamang parehong pagkairita din siya sa dami ng mga sinasabi ko. Sa kung gaano ko kaasar sa pagiging mainitin ng ulo niya, ganun din niya kinakaasaran yung madaming tumatakbo ideya sa ulo ko. Sa kung gaano ko nilalabanan sarili ko lalo sa panahon na parang bibitaw na ako, malamang ganun din siya, inilalaban niya ako sa sarili niya, mabagal lang, ilang araw lang, pero sinusubukan niya, araw-araw.
Magkaiba man kami ng paraan ng pagmamahal sa isa't isa, ang mahalaga, totoo kami sa isa't isa. Walang "Mas mahal kita" dahil kahit kailan walang dapat sumukat sa pag-ibig na binibigay namin sa isa't isa, at sa parehong pagkakataon, alam ko, ramdam ko, pareho naming ibinibigay ng buong buo yung puso namin sa isa't isa.
Sa kahit anong panahon, sa lahat ng pagkakataon, di ko kakalimutan kung gaano kita kamahal. Lalo sa panahong mahirap, hinding hindi ako hahanap ng iba pa, dahil ikaw lang, ikaw lagi.
PS. Everyone will hurt you. You just have to look for someone worth suffering for. "Stand by those who stand by you"
PPS. I love you and I miss you (a lot)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment
May karapatan kang ipahayag yan. Tongue in a lung, wag kang tatameme.