Mag-da-drop na ba ako? Mukha kasing di ako papasa e. Baka ni hindi ako makapag-removals. Malamang automatic failed na ako.
Ang dali sana ng buhay ko kung papasa ako, kung siguradong papasa ako. Yun nga lang kasi, minsan masarap isipin kung papasa ka kahit na pumepetiks ka, pero ang totoo, ibinigay mo na ang lahat mo, hindi pa din sapat, hindi sapat para pumasa. Nagpuyat ka man, hindi naman kasiguraduhang 100 yung makukuha mong grade. Yun yung nakakaasar na katotohanan. Kaya minsan, papangunahan ka ng katamaran, yun tipong "Kahit anong gawin ko, babagsak ako. Itulog ko na lang 'to, di pa ako puyat"
Siguro simula nung naging irregular student ako, nawala yung confidence ko sa lahat ng bagay. Simula nun, lagi kong naiisip na "Hindi ko kakayanin 'to". Akala ko kasi na kapag irregular student ka, mag-iiba na yung tingin sayo ng ibang tao, lalo na nung mga doctor, lalo na ng magulang ko. Akala ko kasi di kayang tanggapin ng magulang ko yung kalagayan ko.
Agad kong tinext yung magulang ko na hindi ko naman pala kailangang mag-drop. Masaya yung Mama ko para sa akin, pero iba yung Papa ko. Sabi niya parang "Ikaw kung kaya mo talaga! Kung aabot ka sa grade na yun na di ka mahihirapan. Basta kung anong piliin mo, okay lang."
Akala ko kasi kapag may ibinagsak ka, magbabago ang tingin sayo ng ibang tao. Ang akala ko kasi kapag nagka-tres o singko ka, manliliit ang tingin ng lahat sayo. Akala ko kasi na kapag na-irregular ka, hindi ka na katulad ng ibang taong regular. Akala ko kasi kapag pumalya ako, hindi ako matatanggap ng pamilya ko. Hindi pala. Hinding hindi.
Dito ko naramdaman na, I underestimated my parents' love for me. Sinabi ko sa Mama ko na, "Ma, hindi ko inaasahan na sasabihin yun sa akin ni Papa." Nakangiti siya sabay sabing "Alam naman kasi ng Papa mo na mahirap." Dun ko naramdaman na, higit sa suporta ng ibang tao, iba sa pakiramdam na tanggap ako ng magulang ko sa kakayanan ko, sa kung ano ako, sa kung anong kahinaan ko. Kahit pala na-irregular ako, hindi naman pala nagbago yung tingin nila sa akin, hindi naman pala bobo yung tingin nila sa akin. Na kahit ganito lang ako, sinusuportahan pa din nila ako na maging doctor.
Dito sa Medical school, di pala sukatan kung regular ka o irregular. Syempre, ang lupit ng regular students para kayaning lagpasan yung lahat ng pinagdaanan nila ng hindi bumabagsak, pero hindi ibig sabihin nun, mas may karapatan na sila sayo para sa pangarap na inaasam mo. Nagkamali ka lang pero hindi ibig sabihin nun, mali ang tinatahak mong landas. Regular o irregular, PANTAY LANG. Pantay lang ang pangarap ninyo. Pantay lang kayo.
Dito sa Medical school, dapat mong palibutan ang sarili mo ng mga taong naniniwala sa kakayanan mo, para kung dumating yung panahon na di mo kayang maniwala sa kapasidad mo, may mga taong ipapaalala sayo kung anong meron ka. Dapat mong yakapin ang mga taong naniniwalang karapatdapat ipaglaban yung pangarap na inaasam mo para sa panahong nahihirapan ka na, may magpapaalala sayo yung rason mo para abutin yung pangarap mo.
Dito sa Medical school, di pala pataasan ng grades kasi di ito quiz bee na patalinuhan. Dito pala, pataasan ng pangarap. Palakasan ng loob. Patibayan ng sikmura. Kasi kung gaano kataas ang pangarap mo, mas nanaisin mong maabot yun. Kasi kahit ilang bagsak pa yan, kung malakas ang loob mo, hindi ka titigil, hindi ka bibitaw. Kasi kahit ano pang iharap sayo, kakayanin mo, kasi matibay ang sikmura mo, matibay ka.
Kung magda-drop ka, paano ka papasa? Kung hahayaan mo na lang, paano mo maabot yung pangarap mo? Kung di mo susubukan ngayon, kailan pa? Kung bibitaw ka, paano ka magiging doctor?
Ang pagdodoctor, parang pag-ibig. Hindi ka aasang mamahalin ka, pero susubukan mo. Susubukan mo kasi mahal mo. kasi gusto mo. Ang pagdodoctor, parang pag-ibig, may tamang panahon, may tamang pagkakataon, darating na lang sa panahong handa ka ng pangalagaan, at di bibitawan yun kaya mapapasayo na. Ang pag-ibig, pang habambuhay, parang pagdodoctor lang.
Ako si XXXX, RMT. Isa akong 2nd year irregular Medicine student ng FEU-NRMF. Oo, may binagsak na ako. Oo, may singko na ako. Oo, pangit na ang TOR ko. Oo, nangangarap pa din akong maging doctor. At oo, magiging doctor ako sa panahon na nilaan ng Diyos para sa akin.
Maraming salamat po at nabasa ko po ang blog ninyo.
ReplyDeleteSa totoo lang po, nagdadalawang isip po ako kung mag-aaply po ba ako ng feu nrmf sa dahilang natatakot po ako at baka hindi ko po kayanin. Pero pagkatapos ko pong nabasa ang blog ninyo nabuhayan po ako ng loob!
Naalala ko po ulit kung bakit ko po gustong mag-doktor at kung gaano rin po karaming tao ang sumasama sa laban ko para matupad ang pangarap ko po.
Kaya maraming salamat po! =D
Sana po matupad po ang pangarap ninyo.
Grabe! simula po nung araw na naligaw ako sa google at nakita ko title ng blog niyo, naaadik na po ako. Incoming 4th year bsA student po ako na tulad nyo nawawalan na din "sana" ako ng gana mag-aral ng mabuti dahil mag-aaral or not parang bagsak pa din po yung grades ko lalo na't may singko at tres na akong grades. Pero after reading this blog of yours namomotivate po akong tuparin pangarap kong makamit yung tatlong malalaking letra (CPA) na ikakabit sa pangalan ko balang araw. Maraming salamat po dahil sa nabasa ko, nadagdagan paniniwala kong magtatagumpay ako even if i had failing grades.
ReplyDeleteReally inspiring. Mas namotivate ako ipursue ang pangarap ko maging doctor. Thank you and God bless soon-to-be Faye Kathreen B. Ocampo, RMT., MD
ReplyDeleteIrregular student din po ko. Maraming salamat po sa blog nyo nabuhayan ako ng loob. Tuloy tuloy lang po tayo. Matatapos din lahat ng to. Gapang na kung gapang. Patibayan na lang ng sikmura. Para sa MD. Para sa pangarap.
ReplyDeleteGrabe super thank youu! Una pa lng, naiiyak na ko sa pagbabasa. Fresh pa lng kasi sakin yung sakit, kakabagsak ko lng ng Physio B at Biochem B. I know napakabasic at ang bobo ko. First year p lng bagsak agad. And right now, nasa stage ako ng buhay ko na nag-iisip ako kung karapat dapat ba tlga sakin ang title na MD sa dulo ng pangalan ko.
ReplyDeleteSuper depressed ako ngayon to the point na wala na akong ginagawa maghapon kundi matulog ng matulog. Kasi kapag nananaginip ako, hndi ko naiisip yung problema ko, hndi ko naiisip yung fact na bumagsak ako, irreg na ako. Ang hirap lng kasi isipin na first year pa lng, tapos bagsak agad. Ang sakit lalo na pinapaaral lng ako ng tita ko. Hndi ko na alam kung pano sasabihin sa kanya kasi ang alam nya, magaling ako pero hndi, kasi tlgang nagstruggle ako sa Physio B at ewan ko ba kung bat ang bobo ko. Sa Biochem naman, sobrang nakampante ako which is alam ko pagkakamali ko rin. Kaya ayun removs, nadepress, bumagsak. Ngayon, nagpaconsult na ako at 2 subjects lng ang makukuha ko for this sem. Nalulungkot ako, kasi akala ko pwede akong mag-advance ng ibang subject na pang 2nd year para sana less load na next sem pero bawal pala. Kaya ayun, nadagdagan n naman depression ko.
Pero ngayon na nabasa ko blog mo, sobrang nabuhayan ako ng loob. At thankful ako kasi dito ako napadpad. Siguro time na rin para kausapin ko tita ko. Maybe time na rin para harapin ko yung takot ko at iaccept na irreg na ako at di na mababago ang nangyari na. Pero this time, siguro kailangan na tlga mag-beast mode. Kasi hndi man natin mabago ang nakalipas, mayroon naman tayong kapangyarihang baguhin ang hinaharap. At tulad mo doc, patuloy parin akong mangangarap.
PS: NRMF med student din po ako. Kudos to you doc! Thank youu ❤
Hello doc. Sobrang na touch po ako sa mga experiences niyo since i’m an irregular med student din po. Sana mag update na po kayo if ever kamusta na po kayo ngayon? Hehe
ReplyDeletesame din po I'm from FEU main, and some of my Nursing classmate during our freshmen years ay IRREG na jan sa FEU-NRMF, hindi naging hadlang samin to dahil we are thankful na we are still supported by our parents, hindi nmn tlga pataasan ng grades ang medschool, patibayan tlga dito, matira matibay. Ang hanap ng ospital ay isang skilled na professional nurse/doctor. Kaya ako I manage myself ngayon to continue what I haven't tried during my Irregular year at hindi ako maiinggit sa mga kaklase ko dati na maggraduate na ngayon dahil iba ako sa kanila. This vlog is very helpful and inspirational at the same time hope that others find this soon.
ReplyDelete