FILIPINO: Dila sa loob ng baga. KOREAN: 폐에 혀. SPANISH: Lengua en un pulmón. ARABIC: اللسان في الرئة. ILOKANO: Dila idiay unig ti bara. Sa kahit anong pagkakataon, tongue in a lung.
Saturday, February 1, 2014
Ang Mga Salitang Ayoko Sanang Sabihin
Nakangiti. Yan ako. Yan lang ako. Yan lang sana.
Totoo lang, katulad ako ng kahit na sinong tao. Ang dami-dami kong naiiisip. Ang dami kong gustong gawin. Ang dami kong gustong sabihin. Ang dami kong gustong itanong. Ang pagkakaiba ko lang, madalas, derecho ako. Tanong kung tanong. Gusto ko lang ng sagot pero may mga bagay na gusto ko sanang itago, pero hindi ko kaya, hindi kasi talaga ako ganun.
1. Okay na ako. Yun ang totoo. Kung hindi nagtagumpay yung huli kong relasyon, naging masaya ako sa relasyon na yun, para sa akin yun ang mahalaga. Hindi kami nagtagal, pero hindi ibig sabihin nun walang kwenta na yung nangyari kasi ANG DAMI KONG NATUTUNAN. At ang totoo, sobrang minahal ko siya, kuntento na ako dun.
2. Bakit hindi ko na lang niyakap yung dalawang taong binigay sa akin yung lahat? Bakit di na lang sila yung minahal ko ng todo? Bakit hindi na lang isa sa kanila yung mahal ko ngayon, edi sana petiks ang pag-ibig, walang hassle, walang issue.
3. Natatawa akong isipin kung sa paanong paraan ako nagmahal sa isang taong ni hindi ko pa nakasama o nakita. Nakilala ko siya ilang taon na ang nakalipas, totoo lang halos hindi ko naman siya matagal makausap pero ANG LAKI NG IMPACT NYA SA BUHAY KO. Akala ko wala lang, pero hindi ko talaga itatanggi, MAHAL KO YUNG TAONG YUN. Nakakatawa? Sige na, oo wirdo.
4. Hindi ko alam kung bakit kailangan kong makuntento sa isang taong di ako kayang piliin kahit kailan. Na kahit dumaan yung araw, kahit na kapag magpaparamdam siya, gusto ko siyang awayin ng awayin, sa loob ko gusto ko lang piliin niya ako, pero hindi. Gago. Gago lang talaga ako.
5. Hindi ako yung taong tanga na aasa sa isang tao, pero hindi ko din alam kung bakit, na sa haba ng nakalipas na panahon, meron pa ding naiwan parte sa akin na umaasa sa isang tao? Umaasa akong piliin, pero alam kong hindi pwede. Hindi pwede kasi may masasaktan. Hindi pwede kasi alam kong di niya kaya. Hindi pwede kasi alam ko na kahit nung panahong libre siya, hindi niya ako kinayang piliin. Ito lang ako sa kanya - babalikan kung libre, iiwan dahil di pwede. Sakit? Sanay na.
6. Di ko alam yung eksaktong paraan paano lumayo sa taong di ko ginustong layuan. Di ko alam paano siya aalisin sa sistema ko. Di ko alam paano ko siya di maiisip. Di ko alam paano ko di makikita yung sarili kong kasama siya. DI KO ALAM BAKIT SIYA PA! Di ko alam kung paano kahit na hindi ko pa siya nakikita o nakakasama. Gago na naman. Tanga na naman.
Ayoko sanang sabihin pero sige na. Pakawalan ko na para makalaya na.
Gusto ko lang naman mawala sa sistema ko ang dapat mawala.
Gusto ko lang naman na wag magparamdam yung ibang tao kasi alam kong pansamantala lang.
Gusto ko lang naman di masanay sa mga bagay na alam ko sa susunod na segundo mawawala.
Gusto ko lang naman sana. Gustong gusto.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment
May karapatan kang ipahayag yan. Tongue in a lung, wag kang tatameme.