FILIPINO: Dila sa loob ng baga. KOREAN: 폐에 혀. SPANISH: Lengua en un pulmón. ARABIC: اللسان في الرئة. ILOKANO: Dila idiay unig ti bara. Sa kahit anong pagkakataon, tongue in a lung.
Saturday, February 1, 2014
Ang Ako Dahil Sayo
Ang ganda ko daw. Ang pangit mo daw.
Ang taba ko daw. Ang payat mo daw.
Ang taas ko daw. Ang baba mo daw.
Hindi kasi nila alam na:
Kaya ako maganda dahil sayo, dahil pinapasaya mo ako, dahil kahit anong tingin ko sa sarili ko, nakikita mo ang kagandahan ko. Kung sa tingin nila pangit ka, hindi nila alam ang tunay na kalooban mo, hindi nila nakikita kung ano ang nakikita ko.
Kaya ako mataba dahil pinapataba mo yung puso ko ng pagmamahal, dahil nilulunod mo ako ng pag-ibig higit pa kanino man. Kung sa tingin nila payat ka, yun ay dahil wala kang sawa na ibigay sa akin lahat.
Kaya ako mataas, dahil hinahayaan mo akong gawin ang lahat ng gusto kong gawin, dahil sinusuportahan mo akong abutin ang pangarap ko, dahil tinutulungan mo akong iangat ang sarili ko. Kung sa tingin nila ang baba mo, nagkakamali sila. Kung sa tingin nila na maliit lang ang maibibigay mo sa akin, hindi nila alam na lahat ng maliliit na naibibigay mo sa akin, yun ang mga tanging pagkakataon na meron ka, at hindi ka nagdadalawang isip na ibigay sa akin kahit ang dapat na para sayo na.
Kaya ako, ako, dahil sayo, dahil hinayaan mo ako, dahil minahal mo ako, dahil tinanggap mo ako, dahil nandyan ka. Kaya ako ganito, dahil mahal mo ako, walang tanong, walang pagdududa, walang pagdadalawang isip, walang kundisyon. Mahal mo lang ako, alam ko at ramdam ko.
This is for my sister from another mother CA, I'm so happy that you're filled with love and joy! Wishing you and your boy let decades of happiness and togetherness. I love you!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment
May karapatan kang ipahayag yan. Tongue in a lung, wag kang tatameme.