Sunday, February 2, 2014

Ang Usapan Bago Magsimba


Napaaga yung punta namin sa simbahan, hindi pa pala tapos yung simba bago sa talagang oras ng simba namin. Kasama ko ang pinsan ko (P) at kapatid ko (K) habang nag-aantay kami sa labas ng simbahan.

Hindi ko alam paano nag-umpisa, ang alam ko lang nag-uusap kami kung anong gagawin ng pinsan ko kapag nakatapos na siya ng kolehiyo nitong taon hanggang napunta ata sa usapang pag-ibig.

P: Ate, parang ikaw material, ako user.
Me: Anong ibig mong sabihin? na ako gumagastos? E ako mas may pera, wala naman masama dun. Ikaw din naman kay R diba?
K: Oo nga, ikaw nga gastos ng gastos kay R.
P: Hindi ganyan. Isipin mo ako si G. Madami akong choices, ikaw isa sa choices ko. Material kita. Ako, user.
Me: Punyeta ka! Tumagos ha? Oo na. Choice lang ako.
K: Ate, pinipili ka niyang mag-stay. O, pampalubag loob yan!
P: At least isa ka sa choices, malay mo tatlo kayo, o may limang iba pang choices.

Naglakad. Nag-iba ng pwesto.

Me: Punyeta ka! Di ako makaget over. Oo na, isa lang ako sa choices niya. Lumalayo naman ako e!
K: Ate, dapat nga matuwa ka pang isa ka sa choices, ibig sabihin nun, hindi siya satisfied sa girlfriend niya. Hindi na 'to pampalubag loob. Basta di ikaw yung naghahabol, basta siya naman yung paramdam ng paramdam, problema niya na yun. Problema na niyang di siya kuntento sa girlfriend niya at di niya maiwan. Problema niyang nagpaparamdam siya sayo pero di ka din niya kayang piliin. Problema niya na yun. 


Naniniwala ako sa lahat ng pinipili ko sa buhay ko pero may mga panahon na sadyang may mga tamang salita na nanggagaling sa ibang tao. Naniniwala ako sa sinabi ng kapatid ko, na hanggang pinapanindigan kong maging mabuting tao, hanggang pinipilit kong umiwas sa mga bagay na alam kong may masasaktan, hangang sinusubukan kong lumayo sa mga bagay na alam kong may matatapakang iba, alam kong nasa tama ako. 


No comments:

Post a Comment

May karapatan kang ipahayag yan. Tongue in a lung, wag kang tatameme.