FILIPINO: Dila sa loob ng baga. KOREAN: 폐에 혀. SPANISH: Lengua en un pulmón. ARABIC: اللسان في الرئة. ILOKANO: Dila idiay unig ti bara. Sa kahit anong pagkakataon, tongue in a lung.
Tuesday, December 10, 2013
Ang Mga Walang Karapatan
Wala akong karapatan sayo.
May nagmamay-ari sayo.
Mahal mo siya, mahal ka niya.
Di mo ako kayang bigyan ng karapatan.
Wala kang karapatan sa akin.
Malaya ako.
Mahal ko ang sarili ko.
Di ko pwedeng hayaang bigyan ka ng karapatan.
Wala akong karapatan sayo, kasi umpisa pa lang, alam ko naman na talo na ako 'pag dating sa kanya, sa kanila. Wala akong karapatan kasi alam ko siya ang may karapatan sayo. Wala akong karapatan kasi alam kong di pwede. Wala akong karapatan, wala namang masama dun. Wala akong karapatan sayo, dati pa lang tanggap ko na yun. Sanay na ako. Sanayan lang.
Wala kang karapatan sa akin, kasi alam nating di pwede. Wala kang karapatan kasi alam kong malaya ako habang ikaw, hindi. Wala kang karapatan kasi di kita pwedeng bigyan ng karapatan, di ko pwedeng hayaang angkinin mo ako, habang inaangkin mo din siya. Wala kang karapatan, kasi kapag binigyan kita ng karapatan, masasaktan lang ako, alam mo yun. Wala kang karapatan, kasi pinili mong mawalan ng karapatan. Wala kang karapatan, kasi di ko pwedeng isuko yung kalayaan ko sa taong hindi ako pwedeng angkinin. Wala kang karapatan sa akin para maibigay ko 'tong karapatan na 'to sa taong darating na kaya akong bigyan ng karapatan sa kanya. Wala kang karapatan, kailangang wala kang karapatan.
May karapatan akong pumili ng taong pagbibigyan ko ng karapatan sa akin, yung di ako masasaktan, yung kayang ibigay sa akin ang buo, yung akin lang, yung alam kong totoo at hindi lang bastang hihiramin ko.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment
May karapatan kang ipahayag yan. Tongue in a lung, wag kang tatameme.