Wounds may heal but (they) don't achieve
the strength of the unwounded tissue.
-Pathology
Ang daming beses kong sinubukang lumayo sayo. Ang daming beses kong pinagplanuhang maigi paano ka mawawala sa isip ko. Ang daming beses kong kwinento ang istorya natin para lang makalimot ako. Pero sa daming pagtatangka ko, hindi ka mawala. Hindi ka pa din nawawala, hindi pa din nawawala yung feelings ko para sayo.
Hindi ko nga alam anong meron, anong nagawa mo. Alam ko lang ngumiti ka, ngumiti ka at buong buhay ko nagbago. Ngumiti ka at di ko na nakalimutan yun kahit na gaano man katagal ang lumipas. Ngumiti ka, ngumiti ka pero di pala para sa akin. Di ka pa din pala para sa akin.
Ilang matagal na taon ang lumipas, nandito pa din, nandito ka pa din. Akala ko maglalaho, akala ko matututong makalimot yung puso ko, akala ko babalik sa dati, akala ko lang pala. Para pala 'tong sugat, akala mo okay ka na, akala mo bumalik na sa dati, yun pala, kapag nasugatan ka, wala mang peklat na makita, mag-iiwan pa din ng bakas yun sayo, na buong buhay mo di mo kayang burahin. Di na babalik sa dati, walang babalik sa buhay na wala kang bakas kasi hinayaan kong tumatak ka sa buhay ko, hindi ko na natutunang makalimot pa.
Para 'to kay HL. Sana lang, sana lang matuto kang makalimot sa kanya, sana wag mong hayaang malunod ka sa feelings mo para sa kanya.
No comments:
Post a Comment
May karapatan kang ipahayag yan. Tongue in a lung, wag kang tatameme.