Sunday, December 8, 2013

Ang E Kasi


E kasi pinakawalan mo.
E kasi hinayaan mo.
E kasi binitawan mo.
E kasi pinabayaan mo.
Ayan tuloy.

E naging masaya ka naman nung ginawa mo yun. Akala mo magiging mas masaya ka na wala siya. Akala mo mas magiging okay ang lahat kung bitawan mo na lang siya. Akala mo mas madali na wala kang iisiping "kayo". Akala mo siguro hahabulin ka na naman.

Ang pag-ibig, di yan habulan. Hindi yan tatakbo ka, at aasahan mong hahabulin ka niya. Hindi din yan taguan. Hindi dapat tinatago kung mahal mo ang isang tao, iparamdam mo lang. Iparamdam mo ng iparamdam hanggang dumating ka sa punto na nagawa mo ang lahat, para wala kang pagsisihan. Ang pag-ibig, hindi lang puro saya, hindi lang puro okay, hindi lang puro ikaw, puro gusto mo. Ang pag-ibig, kung totoo, hindi papatinag sa kahit anong bagyo. Ang pag-ibig, kung matibay, hindi mawawala ng basta-basta. Ang pag-ibig, hindi lang bibitawan. 

Kung nagsisisi ka, ngayon mo patunayan na karapat dapat ka sa pag-ibig na kaya niyang ibigay. Kung mahal mo pa, iparamdam mo, sabihin mo. Wag mong hahayaan na iparamdam lang yan sa kanya sa panahong di ka na niya matatanggap. Kasi ang pag-ibig, nawawala kapag hinayaan. Kaya ngayon pa lang, angkinin mo na ulit. Panindigan mo.

Para sa Bebe kong si JG. Alam kong nagsisisi ka, panahon mo na. Wag mong sayangin, malay mo bumalik. Malay mo kayo talaga. Wag ka lang iiyak, di siya babalik ng ganyan. Di naman masamang ikaw ang lumapit, kasi ikaw din naman ang lumayo. 



No comments:

Post a Comment

May karapatan kang ipahayag yan. Tongue in a lung, wag kang tatameme.