Kung ano mang nangyari sayo sa 2013, patapos na ang taon. Alam ko hindi lahat ng nakasama mong magsimula ang taon na ito, makakasama mo pa hanggang sa pagtatapos nito. Hindi man nangyari ang mga bagay na naplano mo ngayong taon, siguro dapat pa rin tayong magpasalamat kasi may sasalubungin na naman tayong bagong taon, bagong pagkakataon.
Ewan ko kung swak sa inyo 'to, pero ito yung mga DAPAT at gusto kong gawin bago mag 2014:
1. Magpatawad at humingi ng tawad
Walang perpekto. Hindi din naman kasi magandang mag-umpisa yung taon na puro galit at sama ng loob. Hindi naman mahirap magpatawad, basta tanggapin mo lang na nangyari na yung nangyari, na mas walang pupuntahan kung panghahawakan mo yung galit mo sa isang tao. Sa parehong pagkakataon, isipin mo din na baka ikaw may nagawa din sa ibang tao. Kaya matuto kang magpatawad, kasi gusto mo din naman patawarin ka kung ikaw ang may kasalanan.
2. Gumawa ka ng "Good-Things List"
Madalas kasi mas naaalala at napapahalagahan natin yung mga bagay na masasama, yun pangit na nangyari. Siguro panahon na para mas isipin mo yung mga bagay na nangyari ngayong taon na napasaya ka, napangiti ka. Kahit yung mga maliliit na bagay lang katulad ng "Nagtext ang crush ko" hanggang sa malalaking bagay. Basta ilista mo yung mga masasayang nangyari sayo.
3. Bumitaw
Hindi ko sinabing bitawan mo lahat ng bagay. Ang akin, bitawan mo yung mga bagay sa nakaraan, yung mga bagay na magbabalik sayo ng masalimuot na alaala. Bitawan mo din yung mga taong di na dapat maging parte ng buhay mo, alam kong alam mo ang ibig kong sabihin. Tandaan mo lang, hindi mo kailangan ng madaming tao at bagay para maging masaya ka, kailangan mo lang mga TOTOONG tao sa buhay mo, kaya kahit anong takot mo, bitawan mo na siya, sila.
4. Planuhin ang 2014
Hindi naman masamang magplano, masaya nga yun para mag-uumpisa ka ng taon na may susubukang abutin. Wag naman yung sobrang impossible. Planuhin mo yung mga kaya mo talagang gawin.
5. Maglinis
Linisin mo yung gamit mo. Alisin mo yung dapat alisin. Ilagay sa tamang lugar ang lahat.
6. Treat yourself
Magpa-manicure, pedicure, foot spa, body massage, whatever. Basta bigyan mo ang sarili mo ng isang araw na para sayo lang. Yung iisipin mo muna ikaw, at walang iba.
7. Magsulat ng love letter
Magsulat ka para sa pamilya mo, o para sa jowa mo kung meron man. Kung wala, magsulat ka para sa taong susunod mong mamahalin (echusera! may ganito talaga)
8. YOLO
Konting araw na lang ang natitira sa 2013, kaya sige na. Push na natin 'to, gumawa tayo ng isang kabaliwan na mapapasabi tayo ng YOLO. Yes na yes! pero please lang, wag naman yung tatawid ka ng Commonwealth kasi di yun pang YOLO, malamang mamamatay ka dun agad.
9. Maglagay ng bagong kanta sa phone mo o tab o mp3 player
Ewan ko kung anong mga magagandang bagong kanta, pero ito yung mga peg ko (ni-isa kasi walang kanta ang phone ko. kaya dapat malagyan ko kahit isa lang bago mag2014): Dati (Sam Concepcion), Say Something (A Great Big World), I Knew This Would Be Love (Imaginary Friend), Shake It Out (Florence + The Machine), Out Of My League ( Stephen Speaks), Love Song (The Ambassadors). 'Pag nainlove ako uli, kakantahin ko yung Love Song. Wala lang, paborito ko lang yun.
10. Magbigay ng regalo sa hindi mo kakilala
Sa kahit anong maliit na bagay, subukan mong mag-abot sa di mo kakilala. Sa mga bata sa daan, bigyan mo siguro ng Siopao na mainit. Sa mga taong makakasalubong mo, bigyan mo ng sobrang laking ngiti na mapapawi yung kunot ng noo nila.
11. Manood ng MMFF movies
Please panoorin niyo yung My Little Bossings. Love ko lang si Ryzza. Tapos sunod ninyo yung Girl, Boy, Bakla, Tomboy. Feeling ko lang mapapasaya tayo noon. Manonood din ako simula 28, 29, 30. Isang movie kada araw!!! Push
12. Kausapin ng matino ang ex
Totoo lang, kahit sa Math, pinapahanap sa atin ang value ng X. Kahit pagbaliktarin mo ang mundo, merong parte sayo ang nakareserba pa din ang ex. Hindi naman puro pangit lang talaga ang nangyari. Para sa akin, mas mahalagang pag-usapan at tapusin na lang. Para sa mga susunod na taon, kapag makakasalubong ninyo ang isa't isa, mapapangiti kayo at maaalala ninyo pareho na kahit natapos kayo, naging masaya naman kayo kahit papaano. May value ang ex. Peksman!
13. Magpalit ng number
Siguro hindi lahat ng tao sang-ayon dito, pero sa isang katulad ko, na may 1,233 contacts sa phone ko, may ilang tao dun na sana, sana hindi alam ang number ko, para di ako ngumanga kakaantay ng text message. Maging malaya! sa 1,233 na yun, kahit 1,231 ipaalam ko ang number ko, at hayaan ko na ang dalawang tao. Sa tamang panahon, sa tamang pagkakataon, ako ang babalik, kapag di na magulo ang feelings ko. Kapag wala na ang lahat.
14. Magplano ng get-away para sa susunod na bakasyon
Oo, sige na. Magplano ka na habang maaga pa para naman may iisipin ka na uli habang nasa klase ka. Para feeling mo nasa beach ka na o nasa ibang bansa, wowwww!
15. Ayusin ang priorities para sa susunod na taon
Kung may mga bagay na napabayaan ka ngayong taon, siguro panahon na para malaman mo ang mga mas dapat mong gawin. Pahalagahan ang mahalaga.
16. Dasal
Magdasal ka lang na sana, sana sa susunod na taon, mas maging maganda para sayo. Tiwala sa Diyos. Planado niya ang lahat. Kung nasaan man tayo, sigurado, alam ng Diyos kung saan tayo nararapat.
Push.
No comments:
Post a Comment
May karapatan kang ipahayag yan. Tongue in a lung, wag kang tatameme.