FILIPINO: Dila sa loob ng baga. KOREAN: 폐에 혀. SPANISH: Lengua en un pulmón. ARABIC: اللسان في الرئة. ILOKANO: Dila idiay unig ti bara. Sa kahit anong pagkakataon, tongue in a lung.
Monday, December 30, 2013
Ang Pamamaalam Sa Taong 2013
2013,
Sobrang kakaiba ka. Ang sarap ng simula mo. Totoo lang, yung unang gabi ng 2013, hindi ko makalimutan yun dahil na-spend ko yun kausap yung taong ginusto kong makasamang magsimula ng mga susunod pang mga taon sa buong buhay ko pero, di pala lahat ng kasama mong magsimula ng taon, makakasama mo din hanggang matapos yun.
Ang saya ng simula mo pero nitong mga huling buwan, ito yung masasabi kong pinakamahirap na taon ko sa buong buhay ko sa ngayon. Kung gaano ka-imposibleng perpekto yung 2012 ko, binawi mo lahat.
Hindi ako nag-council. Lumayo ako sa madaming tao. Iniwan niya ako. Higit pa dun, nabitawan ko yung Medisina. Na-irregular ako at hanggang ngayon di ko alam paano ko hahatakin yung sarili ko pabalik sa Medisina.
Buong buhay ko, gusto kong parte ako ng council, kahit di ako laging manalo, wala akong pakielam, basta go lang. Tumakbo lang. Subukan lang, pero unang beses na di ako sinuportahan ng taong akala ko higit kanino pa man, iintindihin ako, pero okay lang.
Lumayo ako kahit sa iba kong mga kaibigan, lalo kay Poks at E, kasi gusto kong pangalagaan yung relasyon na meron ako. Na sige lang, mawala muna yung iba, wag lang siya pero sa huli pala, ibigay mo man lahat, gawin mo man lahat, makakahanap pa din siya ng dahilang iwan ka. Ang pinakamatindi dun, sinimulan ako ng Midterms, hanggang 1-2weeks bago Finals. Congrats sa concentration ko, walang wala. Hagulgol lang. Na-irreg ako. Di ko sinisisi sa ibang tao, ako talaga may kasalanan. Masakit lang. Hanggang ngayon di ko alam paano ko babawiin lahat ng nawala, lalo sa pag-aaral ko. Hindi ko alam paano ko hahataking maging okay ako ulit, makakuha ulit ng matataas na grades. Walang wala.
Pero itong taon ko din napatunayan, na ang may karapatang mahalin ko, yung mga taong di ako iiwan. Yung ako ang pipiliin. Yung hahawakan ako, kahit anong mangyari. Kumbaga, kung sinong darating, hahayaan ko. Kung sinong gustong umalis, hahayaan ko. Kung sinong gustong manatili, hahayaan ko. Kasi sa huli, ang dapat kong mahalin at pahalagahan, yung mga taong di ako iniwan. Ang pag-ibig kasi, di yan pag-ibig kung umaalis. Ang pag-ibig mananatili kahit sa hirap o ginhawa, walang dahilan, walang rason.
Masaya akong magpapaalam sayo, 2013. Masaya na din akong isasama ko sa pagpapaalam ang mga taong kailangan ko na ding matutunang alisin sa buhay ko. Naging masaya naman ako sa kanila, sadyang hindi na lang tama na itatago ko sila sa puso ko. Salamat sa tinuro mo ngayong taon. Sana mas mamahalin ako ng 2014.
XOXO,
Opmaco
Naeexcite na akong mapuno ng lettering ang bago kong planner. Salamat sa Bebe sister ko.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment
May karapatan kang ipahayag yan. Tongue in a lung, wag kang tatameme.