Happiness is a choice.
Walang perpektong oras na puro kasiyahan lang ang mararamdaman mo. Walang tao na hindi makakaranas ng problema. Walang kahit na sino ang puro kasiyahan lang ang mararamdaman. Ang mahalaga, mas pipiliin mo ang mga rason para sumaya. Mas papahalagahan mo yung mga bagay na magpapasaya sayo. Kung di mo kaya, at kailangan mong umiyak, iyak lang, kung gusto mo humagulgol ka sabay gulong sa lapag pero tandaan mo, sayang ang maikling oras mo kung uubusin mo lang kakaiyak. Dapat isipin mo na kahit anong iyak mo, may mga bagay na hindi na talaga pwede o hindi talaga para sayo. Na kahit umiyak ka na ng dugo, hindi mo mababago ang lahat ng bagay. Na kahit ubusin mo lahat ng tubig sa katawan mo kakaiyak, lalo mo lang hinahatak ang sarili mo sa kalungkutan.
PILIIN MONG SUMAYA. Wag mong idepende ang kasiyahan mo sa ibang tao. Pasiyahin mo ang sarili mo, humanap ka ng rason para ngumiti. Wag mong pahalagahan ang mga bagay na masasakit, ang mga bagay na nakakaiyak, bagkus, yakapin mo ang mga dahilan kung bakit ka ngingiti. Kung sasabihin mo sa akin na ang dami kasing rason para maging malungkot ka, humanap ka ng ISANG RASON PARA SUMAYA. Hindi mo kailangan ng madaming rason para sumaya. PILIIN MO YUNG ISANG RASON NA YUN, PANGHAWAKAN MO BUONG BUHAY MO PARA KAHIT ANONG MANGYARI, KAHIT ANO MAN ANG PINAGDADAANAN MO, NAKANGITI KA PA DIN.
Pinipili kong sumaya. Sana ikaw din. Sana kayo din.
Para 'to sa masayang 2014 para sa ating lahat.
Panginoon, Ikaw na po ang bahala.
No comments:
Post a Comment
May karapatan kang ipahayag yan. Tongue in a lung, wag kang tatameme.