Tuesday, January 14, 2014

Tongue In A Lung: Ang Philippines' Advertisements

Gusto ko lang i-share sa inyo yung isang bahagi ng buhay ko na medyo personal na hindi. Sobrang masaya lang kasi ako ngayong araw na ito.



Katulad ako ng madami, ordinaryong kabataan na gustong makaipon ng pera. Hindi naman kasi kami mayaman, hindi din mahirap. Tama lang, saktong nakakakain ng kahit ilang beses sa isang araw at may pambili ng mga kailangan at mga konting luho. Sa edad ko kasi, ayokong wala akong mapuntahan. Lagi ko kasing tinatanong yung mga mas matanda kong kaibigan "21 ka na, hindi ka ba natatakot na walang mangyari sa buhay mo?" at di ako makapagtrabaho dahil nga pinili kong magMedicine.

Nagkataon lang na noong March 2013, naisipan ko lang gumawa ng ibang account sa Instagram. Isa kasi ako sa mga taong nag-aadik sa pag-oonline shopping at wala talaga akong maipon dahil mahilig akong bumili ng kung ano-ano. Hindi ko din talaga alam paano eksakto nagsimula ito pero naisipan kong mag-organize ng grupo na parang mag-aambagan ang online sellers para makabuo ng pera para makabili ng gadget pang raffle na ibibigay sa mga followers namin. At tuloy-tuloy na. Nakabigay kami ng madaming Apple gadgets: Ipods, Ipad minis, Ipads at Iphone 5c. Ngayon meron pang Mac Book Air at Instax camera. At madaming madami pang susunod (sa tulong ng Diyos)

Nakakatuwa lang na hindi ko maisip na itong Philippines Advertisements na pinagtatawanan lang ng pamilya ko dati at mga kaibigan ko dahil sa kita kong halos tag-bebente kada araw nung nag-uumpisa ako, ito mismo yung nakapagbigay talaga sa akin ng tulong lalo na sa pera. Nakabili ako ng pangarap kong MacBook Pro at seryosong may ipon na ako. Yung iba ginagamit ko muna pang-enroll sa sarili ko at saka babayaran na lang daw ng papa ko kapag may pera na siya. Yung iba, nasa bangko. At yung iba pang pera, nakatulong na sa ibang tao, na ngayon may kakayahan na ako talagang makatulong lalo sa nagigipit. Yun yung pinakamasarap sa pakiramdam, yung panahon na alam ko kung gaano kahirap humanap ng pera, kaya ngayong meron ako, hindi ako magdadamot lalo dun sa talagang may kailangan. Sobra kasi ito, sobrang sobrang blessing ito!! Higit pa kasi 'to sa dinasal ko. Nag-uumapaw kaya nga hindi naman talaga naging masama ang 2013 ko, kasi sobrang sobrang di ko 'to inakala.

May tumawag sa akin kanina na taga-GMA Network at tinanong ako kung pwede akong mainterview para sa online selling under Instagram. Sobrang di ko lang inexpect. Sobrang sarap sa pakiramdam na yung pinagtatawanan lang ng madami dati, nakangiti na akong sabihin ngayon na akin ito. Hindi pa sigurado dahil sinabi ko na baka magka-issue sa DTI at tax pero masarap lang sa pakiramdam na kinikilala na ng ibang tao yung pinaghirapan ko, at ng mga empleyado ko. 

Kaya para sa akin, kung gugustuhin mo, may paraan. Hindi ka pwedeng maghanap ng rason kung bakit hindi pwede, kasi dapat humanap ka ng isang rason kung bakit pwedeng mangyari sayo yung isang bagay. Mas lalong naniniwala ako sa tamang panahon, sa panahon ng Diyos. Naniniwala ako na planado Niya ang lahat, tiwala lang at dasal. 

Salamat sa Diyos! The best Ka, Lord! Salamat po!

No comments:

Post a Comment

May karapatan kang ipahayag yan. Tongue in a lung, wag kang tatameme.