Siya:
Pano ba mag move on?
Tinanong niya ako. Napaisip ako pero wala e kasi ako mismo, di ko alam kung anong tamang isagot sa tanong na yan. Ang una ko talagang naisip "Okay lang kaya siya?" Pero ang nasabi ko na lang
Ako:
Di ko alam. Keep yourself busy.
Nag-aalala ako. Sobrang nag-alala ako pero di ko alam paano sasabihin. Gusto ko siyang yakapin. Gusto kong sabihing magiging maayos ang lahat. Gusto kong sabihin na kung ano man yun, nandito lang ako pero wala. Wala akong nagawa. Wala akong nasabi.
Matapos ang ilang araw. Tinanong ako ng kaibigan ko "Di kaya para sayo yun tanong na yun? Baka sayo niya gustong makalayo? Baka sayo niya gustong makalimot?" Natameme ako.
Baka nga. Baka nga. Baka nga ako yung parte ng buhay niya na gusto niya ng makalimot. Baka nga ako yung parte ng buhay niya na gusto na din niyang tuluyang mamaalam. Baka nga, ako.
Ako din, kailangan kong mag move on. Kailangan kong tanggapin ang katotohanang isang panaginip yun na kailanman, di naman talaga magiging totoo. Kailangan kong harapin na wala naman talaga akong mahahawakan sa lahat ng iyon, alaala lang. Kailangan kong tanggapin na ang feelings na yun, magbabago, kailangang magbago kasi wala akong choice. Wala akong choice kundi mawala. Wala akong choice kundi lumayo. Wala akong choice.
Alam mo ang mahirap sa pag momove on? Yung ayaw mo naman talaga. Ayaw mong bumitaw. Ayaw mong lumayo. Ayaw mong mawala yung taong yun pero wala kang choice. Kailangan mong bitawan lahat ng yun, kailangan mong bitawan lalo siya. Hindi ibig sabihin nun, bibitawan mo yung feelings mo sa kanya agad-agad kasi gago ka, niloloko mo sarili mo kung sasabihin mong liliparin agad yun. Umaasa ka na lang, umaasa kang dumating yung araw na masasanay kang mabuhay na wala na siya, na tanggap mong ang feelings na yun, di dapat alagaan pang-habambuhay, na di siya yung pag-ibig na para sayo. Isipin mo na lang, kung masarap na ang pag-ibig kahit sa taong mali, paano pa kaya kapag sa tamang tao na?
PS. Ang hirap gumawa ng blog kapag di ka malungkot kaya nga di na ako nakakagawa pero masaya ako sa kung anong meron ako ngayon. Hindi ko na dapat isipin ang mga nawala, ang kailangang mawala.
No comments:
Post a Comment
May karapatan kang ipahayag yan. Tongue in a lung, wag kang tatameme.