FILIPINO: Dila sa loob ng baga. KOREAN: 폐에 혀. SPANISH: Lengua en un pulmón. ARABIC: اللسان في الرئة. ILOKANO: Dila idiay unig ti bara. Sa kahit anong pagkakataon, tongue in a lung.
Monday, January 6, 2014
Ang Maduga
Ikaw:
Hindi ka pa nga okay kay * tapos ano yang feelings mo sa akin? Ang gulo mo.
Ako:
Maduga ka! Sasabihin mong magulo feelings ko dahil iniisip mong di pa ako okay kay * tapos may feelings ako sayo e mas magulo ka kaya. May jowa ka, sasabihin mong may feelings ka sakin. Edi mas ka!
Alam mo kung ano ang mahirap sayo? Lagi mong kini-question yung feelings ko. Laging sa tingin mo alam mo ang eksaktong tumatakbo sa isip ko pero hindi. Wala ka pa sa katiting na nalalaman sa mga salitang dumadaloy sa utak ko, wala ka pa sa gatungaw na ideya na meron ako tungkol sa nararamdaman ko.
Alam mo ang mas mahirap dun? Akala mo yung feelings ko yung magulo, akala mo ako yung magulo pero hindi. Ikaw. Yung feelings mo. Yung feelings mo para sa kanya, at kung totoo mang merong para sa akin.
Hindi ko naman talaga dapat problemahin 'to. Ang ayoko lang, maduga ka! Maduga ka para husgahan ang feelings ko. Kung anong meron ako para sayo, malaya kong magagawa ang kahit ano dahil malaya ako, dahil wala akong kailangang panindigan kahit kanino. Mas maduga ka kasi ikaw yung salita ng salita tungkol sa feelings at sa parehong pagkakataon, iisipin ko ba kung totoo yung mga yun dahil habang sinasabi mong gusto mo ako at importante ako sayo at mahal mo ako, may tao kang hinahawakan, may jowa ka. At sa ilang beses mong kayang sabihing mahal mo ako, hanggang salita ka lang, hanggang dun ka lang pagdating sa akin. Sa kada sasabihin mong mahal mo ako, kumakapit ako sa pag-asang malabo pa sa putik, at sa parehong pagkakataon, salita lang pala yun sayo, salita lang at walang halong pag-asa. Kaya nga ang duga-duga mo kasi alam mong kaya kong ibigay yung buo sayo, kaya kong piliin ka, pero ikaw, ni hindi mo naman talaga alam ang feelings mo, ni hindi mo ako kinayang piliin kahit isang beses.
Maduga ka! Maduga yung pag-ibig mo. Maduga ka kasi di ko na alam ang totoo at hindi. Maduga ka kasi mas magulo ka pa sa lahat ng pinaghalong exam ng Pathology at Pharmacology. Pwede mo namang derechuhing wala, wala namang problema kung nagkalokohan lang. Pwede mo namang sabihing nabigla ka lang, o nadala ka lang ng pagkakataon noon, hindi yung pati feelings ko poproblemahin mo kasi ang totoo, yung feelings mo nga hindi mo kayang ayusin, kaya lalong di mo kailangang problemahin ang feelings ko. Ni hindi ko nga naiiisip kung ano mang feelings meron ako sa ngayon, kasi kahit sayo, wala akong kailangang iexplain o patunayan. Kasi kahit ikaw, simula pa lang malabo ka naman, malabo naman ang feelings mo. Kaya 'tong feelings ko, ako lang ang makakaalam kasi maduga ka, madugang maduga.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment
May karapatan kang ipahayag yan. Tongue in a lung, wag kang tatameme.