Monday, April 22, 2013

Ang Singsing At Daliri



Singsing: Will you be my girl forever?
Daliri: YES :'(

And they lived.... apart. 

SINGSING:
Nagbago ka. Nawalan ka ng oras. Nawalan ka ng panahon sa atin. Masaya ka na sa Skype lang? Viber? Selfish ka. Gusto mo lagi intindihin ko na busy ka. Lecheng mga bagay na inuuna mo kaysa sa akin. Leche yang mga taong inuuna mo kaysa sa atin. Di mo naisip mga pagkukulang mo. Madami ng chances pero nasasayang dahil paulit ulit yung issues. Ayoko na. Tuluyan na lang natin tapusin 'to. We're through. It's over, Daliri.


DALIRI:
Siguro nga nagbago ako. Dati kasi di ako marunong umintindi. Dati kasi maikli ang pasensya ko. Dati kasi kapag gusto ko, nagmumura ako basta-basta. Dati kasi di ako marunong makuntento. Pero lahat yun binago ko para lang sayo. Hindi mo hiningi pero ginawa ko kasi gusto kong sumaya ka, kasi gusto kita habambuhay.

Siguro nga busy ako. Siguro nga kumonti ang oras natin pero di lumipas ang oras na di kita tinext. Di kailanman dumaan ang isang araw na hindi kita sinubukan abutin, kahit ang sama-sama ng loob ko. Ayoko kasing maubusan ng panahon. Gusto ko lang malaman mong mahal kita, lagi. Masaya ako sa kahit text lang galing sayo, kuntento ako. Ikaw ba? Nakuntento ka pa ba? Dati, kinaya nating ilang buwan di magkita pero ang saya natin, ang saya mo. Ngayon? hindi na.

Hindi porke abala ako, hindi ka importante. Hindi porke busy ako, di kita mahal. Lagi kong iniisip anong kulang sakin, bat di ako sapat? Bakit di sapat kahit halos ibigay ko na sayo lahat ng buong buo? Hindi ka na lang kuntento sa akin, yun ang totoo.

Madaming chances. OO. Kailanman, sa lungkot o saya, NEVER kitang iniwan. Hindi ko kailanman piniling mawala ka pero sa MADAMING CHANCES NA YUN, PAULIT ULIT MONG PINILING BITAWAN AKO. Paulit ulit mo akong nasaktan pero hinayaan kitang bumalik ng bumalik, kasi sa puso ko, hindi ko pa din binibitawan na darating yun panahon na ako ang pipiliin mo kaysa sa hirap.

Ang totoo lang, simula nung Enero dun ka simulang nawala sa akin. Kaya mong palampasin ang mga araw na di ako itext. Mas kaya mong tiisin ako ng mahahabang araw kasi alam mong may babalikan ka, may parang asong ulol na hahabol sayo. Simula nitong taon, parang di ka na uli nagtext ng mahaba, ng tagos sa puso. Lahat ng pagkakataon, pinalampas mo. Sinanay mo akong mag-isa. Sinanay mo akong wala ka. Sinanay mo akong kada init ng ulo, bibitawan mo tayo.

Naniniwala pa din ako sa forever, yun nga lang ang forever, depende pa din sa dalawang nagmamahalan yan.  Nagkataon lang na si Singsing, binitawan ako. Binitawan ako ng paulit ulit. Hindi ko siya masisisi kung ang forever namin hanggang kahapon lang. Hindi ko siya masisisi kung mas pipiliin niyang mag-isa, kung mas pipiliin niya ang buhay na wala na ako.

Sa unang pagkakataon, sinunod kita. Sa pang-ilang pagkakataon, ni di mo ako hinatak pabalik sayo. Sa pang ilang beses, hinayaan mo ako madurog pero sa pang ilang beses ikaw at ikaw ang pinili ko. Ikaw at ikaw lang ang patuloy kong pinili pero mas pinili mong pakawalan ako ng pakawalan.

Ito na ako. Daliring pinakawalan. Nag-aantay ng Singsing na seryoso at di ako iiwan. Yung singsing na mas lalong kakapit sa panahong mahirap. Umaasa ako sa tamang panahon darating yun.

Ang Nasa ICU




Nung makilala kita...
Delikado. Delikado. Yan ang sabi ng doctor ng tadhana. 
Mahirap. Mahirap. Yan ang sabi ng mga taong nakakakilala sa akin.
Takot ako. Takot ako. Yan ang sabi ko sa sarili ko.
Aalagaan niya ako. Aalagaan niya ako. Yan ang sabi ng puso ko.

Ngayon tama nga ang tadhana, delikado. Ngayon tama nga ang mga nakakakilala sa akin, mahirap. Ngayon tama nga ako, dapat natakot ako. Ngayon nagkamali ang puso ko, di mo naalagaan ang puso ko. Ngayon nasa ICU ang puso ko.

Noong nakilala kasi kita, mas delikado kung papalagpasin ko yung pagkakataon natin, yung pagkakataong makasama ka. Noong nakilala kasi kita, mas mahirap kung hindi ko bibigyan ang sarili kong maging masaya na kasama ka. Noong makilala kasi kita, mas takot akong hindi makita ang matatamis mong ngiti, mas takot akong ipagdamot sa sarili kong mas maging masaya pa. Nung nakilala kasi kita, higit pa sa tiwala, higit pa sa kahit ano, alam ko lang, di mo papabayaan ang puso kong madurog.

Hihimlay muna ang puso kong di mo sinasadyang bitawan. Hihimlay muna ang puso kong naging masaya kailan pa man nung nakasama ka. Hihimlay muna ang puso kong iiyak sa masasayang panahon na hindi na muling mararamdamang kasama ka. Hihimlay muna ako sa ICU. Maybe when I see you again, it will be the right time for us.