Wednesday, April 30, 2014

What YOU deserve

It's 1:22am of May 1, 2014. Ewan ko, di na ako nakakatulog ng maaga. Kung kailan walang klase, saka nakakapagpuyat. Anyhow, alam mo yung ganitong oras mo din narereflect lahat sa buhay mo, yung realizations. I'd like to share my thought to everyone. This is about love. 

Minsan kasi sa kagustuhan natin magwork yung isang relasyon, or sobrang gusto mo at mahal mo yung tao, may nasasacrifice ka, ang masama kung ang nasasacrifice mo yung "what you deserve" and you're trying to be contented sa "what he/she can give" Di naman masama yun, pero what if wala na talaga? As in parang walang effort na, or parang wala ka ng kwenta sa kanya, hahayaan mo ba? Siguro sasabihin mo, 'pag mahal mo, okay lang. Pero I tell you, IT WILL NEVER BE OKAY.

Ganito. I was in a couple of failed relationships and I learned a lot from those relationships. 2 of my exes (Mel and Dhen) are really my friends (up until now) These people gave everything to me. Gago kasi ako dati. Di ako makuntento. I demand a lot. I say what I want and I don't give a damn care about them. Yung isa sinabihan ko na "Wag kang parang asong ulol na susunod-sunod" in front of my friends (alam ko mali talaga yun, I'm not proud of this one) at ang dami ko pang gagong pinag-sasabi, pero iiyakan lang nila ako, or magtatampo ng ilang minuto or basta yung ganun. Yung isa dyan, nagmeet kami nung 1st year highschool ako. Inantay nya ako at nanuyo siya hanggang sinagot ko siya nung mag-4th yr high school. Diba, alam mo yung consistent sya. As in, effort talaga. That's what I loved about these people. Effort. Respeto. At alam kong minahal talaga ako.

I also had this relationship, ako naman yung ginago. Hinayaan ko at tinuruan kong makuntento yung sarili ko sa kaya niyang ibigay, kahit wala na siyang ibigay, kahit text di na magawa, sige pa. Iintindihin. Minahal ko e, pero mali pala. Mali pala.

I always keep in mind what Mel (my ex na super kaibigan ko talaga) told me "Ang karapatdapat sayo, yung parang kami ni Dhen. Yung kung anong sabihin mo, gagawin. Kung sinabi mo nga sakin nun na tumalon ako sa building, ang sasabihin ko sayo, anong floor. Una pa ulo. Yung ganun. Wag kang makukuntento. You know what you deserve."

I learned a lot. Really. Pwedeng makuntento ka pero wag na wag kang makukuntento kung wala na talagang effort, kung di na niya maparamdam yung worth mo kasi madaming tao ang magkakandarapa para lang mapansin mo. Kung mahal ka talaga niya, gagawa at gagawa ng paraan yan paa mahalughog ka lang. Kung mahal ka talaga niya, papatunayan niya. Kung mahal ka talaga niya, hayaan mo siyang patunayan yun sayo araw-araw, hindi lang yung isang beses, o kapag nakuha ka na, wala na. Kung mahal ka talaga, mag-ririsk siya, na kung mahalin mo man siya o hindi, willing siyang subukan na baka sakali, pwedeng maging kayo hangang sa dulo.

I still believe that my right love will come, or pwedeng nameet ko na pero di ko pa lang alam. Basta, sa tamang panahon. Sana sa panahong pareho na tayong handa, magkakilala na tayo. 

Yours (in the future)
Kat.

Ang Walang Kupas Na Ngiti


Ikaw yung taong laging may ngiti, ngiting kailan man, kahit ano man, di napapawi.

Ikaw yung taong laging handang makinig, yung makikinig at tatanggapin ang lahat ng mapapakinggan, kasabay nun yung walang halong panghuhusga.

Ikaw yung taong laging manghahalik at mangyayakap, di mo alam, nakakapagpawi ka ng lungkot.

Ikaw yung taong laging manlalambing, nakakawala ng problema.

Ikaw yung taong laging nakangiti, kaya parang yung problema pa ang mahihiyang lumapit sayo.

Ikaw yung taong matibay, yung lahat kakayanin ng nakangiti.

Ikaw yung taong walang arte, kaya nga kahit saan, kayang kaya mong sumabay.

Ikaw yung taong lahat ng bagay ngingitian, kaya nga lahat kukupas, pero ang ngiti mo, kailan ma'y walang kupas.




Happy birthday sa Bebe pinsan kong si Tin. Thank you for being a friend, cousin and sister all at the same time. I'm truly blessed to have you as my bebe. Though you're already 20, you're still my baby, always and forever. Continue to smile, kasi peksman, madaming napapasaya kapag nakangiti ka. I love you so much! Ate Kat will always be here for you. :-*