Saturday, April 4, 2015

"Wow! Med student"



"Wow! Med student" ang tingin nila sayo:
-matalino
-mahilig magbasa ng libro
-malinis (mukhang malinis)
-maalaga sa katawan
-mayaman
-may patutunguhan sa buhay
-maganda ang kinabukasan
-malaki ang kita nyan kapag Doctor na

Totoo lang, ang sarap ng label na "Med student" pero ang hirap hirap hirap...

Ngayon, habang sinusulat ko 'tong blog na 'to, katapat ko ang libro ko at handouts. Habang nagsasaya ang lahat dahil summer na, kailangan kong mag-aral para sa exam na naman. Ipinasa ko na lahat ng exams ko, removals pa din.  Nandito ako sa punto na tinatanong ko sarili ko "Bakit ka pa nandito? Para sayo pa ba yung Med?" kasi pagod na pagod na akong mag-aral (sigurado ako pati yung mga iba ganito ang nararamdaman)  Yung minsan iiyak ka, or umiiyak ka habang nagrereview kasi hirap na hirap ka na, pero tuloy pa din kasi kung aayaw ka na, mas natatakot ka sa kung anong pupuntahan mo pagkatapos nito.

Puso e. Ito yung dinudurog sakin sa kada semester ng Medisina. Akala mo okay na, hindi pa din pala. Nadudurog yang pusong yan ng paunti-unti, hanggang tatanungin mo sa puso mo kung para ka pa dito, pero puso din yung eksaktong sasagot sayo ng "Oo! Nahihirapan ka lang pero di ibig sabihin na di mo kakayanin" 

Nahihirapan ka lang pero di ibig sabihin di para sayo yan. Bumabagsak ka lang pero di ibig sabihin bobo ka. Nalilito ka lang pero di ibig sabihin wala kang naiintindihan. Nagtatanong ka lang kung para dito ka pa dahil feeling mo laging di para sayo 'to, pero ang totoo, kaya ka hindi bumibitaw kasi yang puso mo di bibitawan yung bagay na alam mong karapat dapat maging para sayo, yung - MD.

Hindi magiging madali, pero kakayanin.

**Sorry, sobrang random blog na basta bastang tinype. Mula sa puso ng isang batang nagrereview para sa removals </3

PS. Lord!!!!!!!!!!!!

PPS. Ipagdasal nyo naman kami ng mga kaibigan ko na sana makapasa na kami sa Pharma B. Thank you!