Wednesday, March 16, 2016

Ang Paano Mo Sasabihin Ang Mahal Kita Ng Di Sinasabi Ang "Mahal Kita"?



Paano mo sasabihin / ipaparamdam ang "Mahal kita" ng di sinasabi ang "Mahal kita"?


Yung hahayaan mo siyang abutin lahat ng pangarap niya kahit malayo kayo sa isa't isa kasi gusto mo na nakangiti siya kasi buong buo na siya kapag sa dulo magkakasama pa rin kayo

Yung kada umaga na gigising ka, kahit alam mong di niya agad yun mababasa, mag-sesend ka sa kanya ng message para alam niya na kada umpisa ng araw mo, isa siya sa naiisip mo

Yung kahit na alam mong ang dami mong kailangang gawin, lagi kang nakaantay sa telepono mo kasi baka magparamdam na siya, e alam mong konti lang ang oras niya na libre o minsan lang magkakasignal.

Yung hindi ko sinasabing "busy ako" sa kanya, kasi lagi akong hahanap ng oras para sa kanya

Yung hinding hindi mo hahayaan yung araw na di niya nararamdamang importante siya sayo, kahit magkaaway pa kayo, kahit na sa puntong yun di ka niya pansinin

Yung hindi mo palalampasin lalo yung mga importanteng araw kasi gusto mong maramdaman niya lalo sa mga araw na yun na andyan ka lang at di kayo magkalayo, o di naman kaya, na kahit malayo kayo sa isa't isa, walang hahadlang para maparamdam mo sa kanyang espesyal siya

Yung sa isang araw, nakukuntento ka sa isang message, kinikilig ka na

Yung lagi mo pa din sinasabi yung mga pinupuntahan mo o ginagawa mo para lang alam niya

Yung kahit para kang ewan, magkekwento ka pa din sa kanya ng kung ano-ano, kahit alam mong baka di niya mabasa

Yung sa mga panahong maraming sulsol, sa kanya ka magtatanong at kahit anong sabihin niya, yun ang papaniwalaan mo

Yung di ko siya iniwan at iiwan

Yung kahit magkaiba kami ng ugali at pinapaniwalaan, di ko pinipiling bitawan siya

Yung ibibigay mo yung hinihingi niya, kahit alam mong...

Yung nag-aantay ka lang, nag-aantay ka pa din



PS. Given the choice, I will always choose to love you...

PPS. For everyone: Don't make decisions when you're angry. Don't make promises when you're happy. Basta lagi ninyong isipin na ang sayo, sayo. Kahit saan man siya magpunta, kahit ano mang desisyon na gawin niya, hayaan mo siya, wag mong pipigilan dahil sabi nga sa OTWOL, kung mahal mo, babalikan ka, pero sagot ni James Reid "Kung mahal ka, di ka iiwan" So, ang gulo. :)


__________    __________    __________    __________

Thank you everyone! Especially to all those who shared and/or read my last blog. Got a whooping views from that since day 1 until this moment. I'm utterly speechless and thankful. You all made my last night a better one. Waking up from time to time and checking this blog made my "sleepless" night a lot better (huhu)

Let's all move forward so I'm leaving you guys with this blog. Sobrang salamat! Just stay in love and happy. Piliin nating sumaya at yakapin lahat ng tunay na pag-ibig na kayang ibigay ng mundo (kahit mahirap ang buhay minsan, please ngumiti kayo at piliing magmahal) Tongue In A Lung

XOXO,
Opmaco

Monday, March 14, 2016

Ang Med School (Na Naman)


Ako si FKO, RMT. Estudyante ng Medisina sa FEU-NRMF. Gumagapang. Humahagulgol. Lumuluha. Sugatan. Ngunit di aayaw. Di bumibitaw.

Ito na naman yung panahon para sa pinakamatitibay na mga estudyante. Tatag ng loob. Tibay ng sikmura. Lakas ng panalangin. Todong determinasyon para maabot ang pangarap - at hindi lang basta bumitaw.

Lumalabas na naman sa school yung mga "grade consultation" Ngatog ang tuhod. Para kang masusuka kahit alam mong medyo okay naman siguro ang grado mo pero walang kasiguraduhan o mas malala kung alam mo sa sarili mong hindi maayos yung mga grado mo, di ka lang masusuka, kung pwede lang maiyak ka ng dugo, baka naka-buo ka ng madaming dugo na sasapat para sa blood donation. 

Kanina naglalakad kami ng kaibigan ko papunta sa Pedia grade consultation. Lingon. Lingon. Hanap ng kaklase kasi nga di namin sigurado kung saan pwede magpaconsult. Nakapagtanong kami sa ilang mga kaklase namin. Wow, nakangiti ang mga kuya. Mukhang okay ang grade kasi di na nagpaconsult dahil wala daw sa listahan. Nakarating kami sa 5th floor, para lang super sigurado nagtanong ulit kami, Pedia Department daw sa ospital. Napansin ko yung isa kong classmate, namumula ang mata. Nanggigilid ang luha. Malungkot. May problema siguro siya, tinanong ko "Okay ka lang?" Okay lang daw siya. DAW. Pero malamang scores ang problema niya kasi hawak niya yung index card na binibigay sa grade consultation. SCORES. 

May kaibigan din akong lumapit sa akin kailan lang e busy ako mag-FB at internet kaya di ko agad siya natitigan. "Sad" daw siya na sinabi niya na malungkot ang tono sabay hampas ng kamay sa mata niya kasi naiiyak siya. Habang humawak sa buhok niya at parang sinabunutan yung sarili niya. GRADES. Malungkot kasi natatakot sa grades. 

Hinaharang at kinakausap ako ng madaming mga kaklase at kaibigan ko. "Paano ba 'to?", "Okay pa ba 'to?", "Tagilid ako sa Pedia, IM at iba pa, paano na?", "Tanginang minors, dun pa ako madadali", at madami pang iba. 

Kailan din lang, may batchmate akong di kinaya yung lungkot at pressure sa Med school. Nagpakamatay. Pumanaw. (RIP) 

May kaibigan din akong sinasaktan yung sarili niya. Di niya daw nararamdaman yung sakit. Yun daw yung paraan niya para makasabay sa lahat ng stress. 

Pero gusto kong ishare yung isang classmate ko ngayon. Di nila kakayanin talagang tustusan yung pag-aaral niya. Aral. Hinto ngayong sem. Trabaho. Ipon. Aral ulit. Ganun yung naging proseso ng buhay nya sa Med school, pero kailan lang may nagsponsor na sa kanya para makapagpatuloy mag-aral. Diba? Anong rason mo panghinaan ng loob abutin yang pangarap mo, kung may ibang tao na kinakaya at kakayanin? Bakit hindi mo kakayanin? Kayang kaya mo yan. Kaya natin 'to.

Sino ba naman ako para magsalita ngayon? Isipin mo na lang, ilang taon na din ako sa Med school, pero nandito pa din ako. Bumagsak. Wapakels. Push lang. Kakapalan ng mukha para ituloy 'to. Nakangiti para di alam ng ibang tao na may mga oras na nahihiya na talaga ako. Nahihiya ako dahil nandito pa din ako. Di alam ng madaming tao kung ilang beses kong ginustong bitawan 'to. Ang daming beses kong iniiyakan yung Medisina. Sa di ko mabilang na beses na kwinestyon ko yung sarili ko kung para pa ba ako dito, na kung para sa akin pa ba 'to, kung nagsasayang na lang ako ng panahon at kung magiging Doctor ba talaga ako. Ilang beses kong pinagdudahan ang kakayanan ko at ilang beses kong iniisip bitawan 'to pero kailanman hindi ko ginawa. 

Kung magpapakamatay ba ako, magiging doctor ako? Hindi. 
Kung sasaktan ko sarili ko, magiging doctor ba ako? Hindi.

Bakit di ako bumitaw? Kasi di ako hinayaang bumitaw. Na nung panahon na nakakalimot ako, nandyan yung Panginoon, pamilya ko at ang mga taong nagmamahal sa akin, para iparamdam sakin na sige lang. Na kung sila mismo di ako binibitawan, di bumibitaw sa pangarap ko, sino ako para bumitaw? Na siguro may punto din sila na napapagod na sa akin pero hindi natatapos yung panahon na kakausapin nila ako at sasabihing "Kaya mo yan" 

Bakit di ako nahiyang bumangon pagkatapos bumagsak? Inisip ko na lang, kung nahiya ba akong pumasok sa school, magiging doctor ba ako? Kung inisip ko ba yung pag-uusapan ako ng ibang tao, maaabot ko yung pangarap ko? 

Bakit di ako nagsawang ilaban 'to kahit ang hirap hirap na? It's worth it. It will all be worth it. Paano ko nasabi? Alam ko lang. 

Masasabi ko na ang sikreto para makasurvive dito yung PANGARAP NATIN. MALAKING PANGARAP NATIN. Kailangan hindi natin makalimutan yung bakit tayo nagsimula at bakit natin 'to ipagpapatuloy. You have to keep your dream alive and YOU are the only one capable of keeping your dream alive. Kailangan ipagdasal maigi 'tong pangarap na 'to, na gabayan tayo at wag mabaliw at mamatay sa pag-abot dito. Kailangan may maganda ka ding support system. Wag din kalimutan yung mga hobbies mo kasi yun yung tutulong sayo para di ka mastress at mas manatili yung saya ng Med school




SURVIVAL TIPS
(Feeling ko makakatulong 'to)

1. Alma Moreno ka lagi
"Dasal. Dasal lang talaga"

2. Hayaan mong humagulgol ka at mag-walling
Hagulgol lang. Kung feeling mo sobrang lungkot mo na kaya mong umiyak magdamag, go lang. Pang-release ng stress yan. Lagyan mo pa ng effect, dun ka sa dingding, taas mo ang isang kamay mo, ikapit mo sa dingding, habang ang isa sa baba lang. Dahan-dahan kang umupo. Sabayan mo ng hagulgol, samahan mo pa ng pumping ng dibdib mo. Sosyal. Madami ka bang time humagulgol? Hindi. So wag mong uubusin ang araw-araw sa pag-iyak lang. Minsan sabayan mo ng pagbabasa at pag-aaral. Umiyak ka habang nag-aaral.

3. Matulog ka at umasa sa simple diffusion
E pagodabells ka na nga magbasa e, di mo na kakayanin diba? antokyo Japan ka na talaga. Ilagay mo yang reviewers mo sa ilalim ng unan mo. Matulog ng mahimbing. Umasa na magkakaroon ng simple diffusion from higher concentration na libro at reviewers mo patungo sa lower concentration ng knowledge na utak mo. Sana mapanaginipan mo ang mga kailangan mong aralin. Pero seryosong usapan, you need to rest. May kaibigan akong nag-Cobra ng higit pa sa 5 bote kada araw para di daw siya makatulog habang nagrereview. Ayun, nakatulog sa exam, o kaya nanginginig habang exam. Mas mahirap yun. Kaya tulog na lang at mag-simple diffusion.

4. Study now, landi later or Landi now, study later.
Di mo kailangang igive up yung paglabas mo kasama ang pamilya mo, yung makipagdate sa jowa mo o baka kalandian mo pa lang, yung pagbibigay ng oras para sa hobbies mo o kung anong maisipan mong bagay. You just have to manage your time wisely. Kunwari mag-eexam na talaga, finals pa, edi sabihin mo, sa susunod na lang babawi ka kasi kapag pumasa ka na, mas madami ka ng time. Basta balanse lang. Magbigay ka ng oras para sa magpapasaya sayo, pero magbigay ka din ng oras para sa pag-aaral mo. Hindi pwedeng buong oras mo, ilaan mo lang sa certain na bagay o tao. Balanse. Time management, pre.

5. Share
Sharing is not equivalent to cheating. Share your handouts. Share your knowledge. Share your samplexes. Share mo kung anong meron ka basta legal kasi dito sa Medschool, ang kalaban mo dito hindi yung kapwa mo estudyante. Kalaban mo dito, yung sarili mo lang. Kasi kahit anong handouts, samplexes at ibang meron kayo pareho, nakadepende sa inyo kung paano ninyo i-maximize yung opportunity ninyo.

6. Alagaan mo yang sarili mo
Makakatapos ka nga ng Medisina, kung maaga kang mamamatay, para san pa't nagsayang ka ng mahabang panahon dito?




TANONG MO, SAGOT KO
(Wow! Madami kasi akong time ngayon. HAHAHA)

"Ang bobo ko. Nag-aral na ako, di pa din sapat."
- Gaga! Bobo? Nakapagtapos ka na ng kolehiyo, malamang madami sa atin pasado pa ng Licensure exam, bobo ka ba nun? Di ka bobo. Maniwala ka sakin. Nandyan ka na nga e. Sa tingin mo makakapasok ka ng Med school kung bobo ka? Edi mas bobo ang Med school kung tatanggap sila ng bobong estudyante diba? So, di ka bobo. Wag kang mag-inarte.

"Babagsak na yata ako. Ayoko na mag-aral"
-Ano naman kung babagsak ka? Ang kekwestyunin ko yung di ka mag-aral. May finals pa, madalas dyan yung bulk ng scores, tapos di ka mag-aaral? Wala ka na ngang ipon na grades, di mo pa sisipagan, babagsak ka talaga. Pre, di masamang bumagsak kung kahit isang beses sinubukan mong ilaban yan. Ang masama yung hahayaan mo lang talaga na bumagsak ka.

"Bakit ganun grades ko?"
-Aba! Ewan ko sayo. Sarili ko nga di ko masagot bakit ganun grades ko, yan pa bang sayo? Aral tayo. Aral na lang, no choice e.

"Di kasi magaling yung Doctor magturo, nakakawala sa mood. Babagsak na tuloy ako."
-Pre, kung di siya magaling, maghanap ka ng paraan para matutunan mo yung kailangan mong alamin. Di niya kasalanan yung pagbagsak mo kasi maniwala ka man at hindi, bago humarap yan sayo, dugo't pawis ang inalay nyan sa pagsubok na maturuan tayo. 



PS. Para sa lahat ng mga katulad ko diyan, wag tayong mahiyang abutin 'tong pangarap natin. Para sa mga future MDs ng Pilipinas, maging matibay tayong lahat!

Tuesday, March 8, 2016

Ang Mahirap Mahalin



Kausap ko yung sarili ko. 

Sabi ko "Ang hirap niyang mahalin."

Sagot ko sa sarili ko "Sa tingin mo, ikaw, madali kang mahalin?"
(Hehehe! Hindi din. Lalong hindi.)

Sa kung papaanong paraan sumasakit ang ulo ko sa kanya, malamang ganun din siya sa akin. Sa kung paano naiirita ako sa mga sinasabi niya, malamang parehong pagkairita din siya sa dami ng mga sinasabi ko. Sa kung gaano ko kaasar sa pagiging mainitin ng ulo niya, ganun din niya kinakaasaran yung madaming tumatakbo ideya sa ulo ko. Sa kung gaano ko nilalabanan sarili ko lalo sa panahon na parang bibitaw na ako, malamang ganun din siya, inilalaban niya ako sa sarili niya, mabagal lang, ilang araw lang, pero sinusubukan niya, araw-araw.

Magkaiba man kami ng paraan ng pagmamahal sa isa't isa, ang mahalaga, totoo kami sa isa't isa. Walang "Mas mahal kita" dahil kahit kailan walang dapat sumukat sa pag-ibig na binibigay namin sa isa't isa, at sa parehong pagkakataon, alam ko, ramdam ko, pareho naming ibinibigay ng buong buo yung puso namin sa isa't isa. 

Sa kahit anong panahon, sa lahat ng pagkakataon, di ko kakalimutan kung gaano kita kamahal. Lalo sa panahong mahirap, hinding hindi ako hahanap ng iba pa, dahil ikaw lang, ikaw lagi.


PS. Everyone will hurt you. You just have to look for someone worth suffering for. "Stand by those who stand by you" 

PPS. I love you and I miss you (a lot)