|
Wuhoooo!!!!!!! |
Mahal ko,
Malalaman kong eksakto na ikaw ang mahal ko, at ako ang mahal mo sa tamang panahon natin, sa panahong ibibigay sa atin ng Diyos. Matatamo ko na ikaw na ang pag-ibig na di lang sa sandaling panahon, kundi ang pag-ibig na pang habam-buhay, Mahal ko.
Susubukan kong ipabatid ang puso ko kalakip ng bawat salitang pinaparating ko. Pwedeng di pa kita kilala o baka nakilala na kita o baka kakakilala pa lang natin, wala akong ideya sa ngayon, ang alam ko lang yung pag-ibig mo yung pag-ibig na matagal ko nang ipinagdarasal, na ikaw yung pinagdarasal ko.
Umibig na ako, di lang isang beses, kundi paulit ulit. Nasaktan na din ako ng paulit ulit. Kaya naman, baka may parte sa akin na magiging takot magmahal muli. Baka darating ako sa punto na mahihirapang magtiwalang muli. Baka susubukan kong lumayo bago pa man magsimula ang bagay-bagay. Baka poprotektahan ko ang puso ko hangga't maaari pero alam ko, Mahal ko, na kapag ikaw na, mawawala 'tong takot ko, magiging buo ang tiwala ko at di ako lalayo mula sa pag-ibig na inaalay mo sa akin kasi alam kong poprotektahan mo ang puso ko.
Di ko sigurado kung gusto ko nang malaman kung sino ka, pero ang alam ko na sa puntong malalaman natin na "tayo" ang para sa isa't isa, pareho tayong handa, pareho tayong buo, wala tayong masasaktang ibang tao, magiging totoo tayong magsisimula at sa bawat pagkakataong madali alam natin na totoo ang pag-ibig natin sa isa't isa, mas lalo na sa mga panahong magiging mahirap. Mahal ko, sa bawat oras na iniisip ko ang mga klase ng pag-ibig na naramdaman ko sa kada relasyong pinasukan ko, kung yung mga pag-ibig nila pinuno na ako, paano pa ang pag-ibig mo? Kung sa kanila, napasaya na ako, paano pa sa iyo? Kung nakuntento na ako noon, gaano mo pa ako kukuntetuhin kung ikaw pa lang sobra na sa sapat? Kinikilig akong isipin ka. Kinikilig akong isipin ang tayo. Di ko sigurado kung magkakatagpo tayo (o nagkatagpo na tayo), pero sana okay ka lang. Sana masaya ka katulad ko. Sana inaabot mo ang mga pangarap mo, katulad ko. Sana di ko man makita yung ngiti mo sa ngayon, sana nakangiti ka pa rin. Sana inaalagaan mo ang sarili mo kasi wala pa ako dyan para alagaan ka.
Kung di man kita makilala, sana makatagpo ka ng pag-ibig na totoo, na di ka lolokohin, na di lang mabait sa harap, na di ka sasaktan, na ibibigay sayo ang respeto na nararapat, na malaya at may tiwala. Sana magiging okay ka kahit wala ako, kahit di tayo magkakatagpo.
Kung magkakilala tayo (o nagkakilala na tayo), aantayin kita sa parehong paraan ng pag-aantay mo sa akin. Mamahalin kita ng pag-ibig na katulad ng sa pamilya ko. Aalagaan kita. Hinding hindi kita lolokohin. Rerespetuhin kita. Di kita hahayaang mag-isa, lagi akong nasa tabi mo. Mananatili ako sa lahat ng pagkakataon. Kung magtatampo ako o magagalit, susubukan kitang unahin, lagi, araw-araw. Yayakapin kita ng mahigpit na parang lagi akong nasasabik sa iyo. Hahalikan kita at mararamdaman mong totoo ako sayo, na ikaw lang, wala kang makakahating iba pa. Lagi kitang titignan kung paano ang bawat reaksyon mo sa bawat pagkakataon. Susulitin ko ang bawat segundo na makakasama ka. Di man sayo nagsimula ang kwento ng pag-ibig ko, ikaw na ang magiging huli dahil alam ko yung pagmamahalan natin yung habam-buhay na mananatili. Sa araw na magsisimula tayo, hanggang sa matapos ang buhay ko, ikaw ang laging laman ng puso at isip ko.
Nagmahal man ako ng iba, yumakap at humagkan ng iba, pangako, may pag-ibig akong sayo ko lang ibibigay, Mahal ko.
Kat.
***** ***** ***** ***** ***** ***** ***** *****
Naglettering ako sa folder at gumawa ako ng love letter. Wala akong iniisip (naisip) na tao habang ginagawa ko 'to. Yun tipong masarap lang isipin kapag darating na yung taong yun, kung sino man sya. Kung nakilala ko na sya o hindi, basta sa tamang oras ng Diyos, malamang magtutugma ang lahat para sa atin.
Gusto ko lang talagang gawin 'to at ibibigay ko lang 'to para sa pag-ibig na darating at di lilisan, di bibitaw, di mawawala, di nakakapagduda, totoo at walang kahati. Sa darating na panahon, sa panahong nilaan sa atin ng Diyos, meron din yan. Kung sa mga nakaraan ko, para akong nasa langit, paano pa kung ikaw na? *sya na* :) Sarap isipin! Sa taong pang-habam-buhay, nakakaexcite!
Happy Valentine's Day, everyone!
Mon, kahit na babad ka sa phone mo lagi, you have always made time to talk to me kahit puro kalokohan lang naman sinasabi mo. You have been so sweet and so masiba at the same time. Kahit na gutom na gutom ka na, sisiguraduhin mong may matitirang makakain yung iba, tapos kakain ka na lang ulit kapag nakakain na ang iba (HAHA!) May dala kang ibang kasiyahan para sa ibang tao, ipagpatuloy mo yun pero yung sleeves ng inner shirt mo, paikliin mo na, please (HAHA)
Izzu, yung halos di ka makausap ng matino talaga kasi puro ka kalokohan (Hahaha!) pero yung puso mo para sa Surgery sobrang umaapaw sayo. Lagi kang nagtuturo tungkol sutures at wala kang sawa ulit ulitin yun sa mga tao. Sayo ko nakita na kung gusto mong magtagumpay sa Medisina, you have to work hard for it, you have to study and give it your best shot. You can inspire people to know when to work hard and to still have time for other things.
Nancy, the chief nurse, "N mode", sa masarap na yema cake na pinatikim mo sa amin, sa pagsasabi mo ng "cute" nung nalaman mo ang aking preference (Charrr!) Salamat sa pagiging payat kaya kasya talaga tayong tatlo nila Steph sa foam. I'll always remember that time na uneasy ka kasi may di okay sayo pero you still managed to be happy and smile. You have always given everyone the chance to explain themselves, pero katulad ng sinabi ko sayo nun, you just have to be yourself and let them judge you kasi yung mga taong totoo sayo, magiging totoo din kahit sa likod mo.
Sugar, "F, kain tayo", "F, samahan mo ako sa ganito, sa ganyan", "Uwi na tayo, bilis" at sa madami pang moments na lagi mo akong sinasama pero never mo akong inaya sa pagbobox mo. HAHAHA! Namimiss at mas mamimiss ko pa ang mga pag-aaya mo sa akin lagi. Iba ka magsalita pero ibang iba ka din mag-explain lalo sa mga pasyente. Nakita ko kung gaano ka-importante sayo na yung mga pasyente mo maiintindihan yung mga dapat gawin at nangyayari kasi kakausapin mo sila maigi. Antukin ka ng sobra pero may nangyari nung isang duty na nung isang kalabit ko lang sayo, kahit antok na antok ka, tumayo ka agad para masigurado na mamomonits yung pasyente ng tama.
Sam, salamat sa lahat ng kwentuhan, sa pagtitiwala sa akin sa lahat ng bagay (Alam mo na yun) at sa pagsama sa akin nung JiOD ako kahit di ako nagpapasama. Sa pagsisigurado na may kasama yung kahit na sinong tao, na may kasama ako nun, o may kasama si Yip kumain at kung sino man. Hindi mo hahayaan yung kahit na sino na mag-isa.
Steph, my dearest Estepanya, dibs mo na bridal shower ko, itaga mo na yan. Pero salamat sa walang sawang pag-aayos at pagsisigurado na makakakain ang grupo, sa kwentuhan ng pagiging masokista mo at sa pagtanggap sa akin ng buo, at kahit nalaman mo yun, sobrang sweet ka pa din sa akin lagi. Di ko makakalimutan yung di pa naman talaga tayo nag-uusap masyado pero akala mo malungkot ako, kaya pagbalik mo binigyan mo ako ng donut na nakasulat "Smile" Huhuhuhu! Sweetiepie!! Hindi ka madamot. Lagi mong iniisip na lahat dapat makakatikim nung meron ka, na sa grocery list mo, kasama din ang ibang tao na bibigyan mo. You have always a spare for everyone. Lagi mong binibigyan ang ibang tao ng lugar sa buhay mo. Sa kada oras na maiisip kong magiging selfish na ako, ikaw maiisip ko kasi sa sobrang masokista ka, kahit maubusan ka na, wag lang ang iba.
Ariel, sabi ko nga sayo, sobrang salamat! Di ko alam madalas gagawin nung umpisa. Kailangan talaga iniisa isa sakin lahat bago ko magets pero isang "Ariel, pwede mo akong turuan?" ko sayo, di ka magdadalawang isip ibaba yung ginagawa mo para lang matulungan ako at masigurado na magegets ko yung tinuturo mo. Sobrang nagpapasalamat ako sayo kasi di ako nagmukhang tanga sa duties dahil tinuruan mo ako maigi. Dahil kahit habang tinuturan mo ako, dumadaldal ako sa iba, kapag tumahimik ako, itutuloy mo yung pagtuturo. You always have time to teach other people the right way to do things, kaya sobrang ipagpatuloy mo yun.
Yip, yung akala ko talaga nung una slacker ka kasi yun din pinaparating mo sa mga salita mo pero masipag ka, alam mo yung mga responsibilidad mo. May mga punto na para kang bata (HAHAHA! Alam mo na yun) pero you have always made sure everyone sa grupo natin makakapahinga. Salamat sa masarap na Tikoy at sa amazing drum rolls na nagbigay buhay sa Surgery inside (HAHA!)
Hanna, salamat sa pagturo sa akin lalo sa paperworks para tama yung gagawin ko, sa laging pagsagot sa madami kong tanong kapag di ko alam ang gagawin ko. Sobrang humble mo, kahit na sa kada tanong halos may isasagot ka kasi feeling ko alam mo yung mga sagot talaga sa tanong. You have always made sure that the nook is clean para magandang magduty. Ready kang saluhin yung mga gawain ng iba lalo kapag feeling mo toxic na sila.
Masaya yung simula dahil kayo yung nakasama ko na seniors.
Lagi ko kayong maaalala (kapag antok na ako at napapagod lang siguro ako. Haha!) pero mas maaalala ko yung foam sa Surgery nook (Hahaha! Namimiss ko na matuloooog dun agad)
Labyu, seniors.
SALAMAT.