Wednesday, August 23, 2017

Ang Mga Bintana


Dalawang bintana na minsa'y nagkatabi.
Nagkatagpo't nagkakilala.
Nagkausap at nagtawanan.

Dalawang bintana'y siguro sa parehong paraan nasa parehong landas ang tinatahak ngunit ang isa'y nauuna.

Ang unang bintana'y nasa tugatog ng larangan.
Naabot na ang pangarap at kumikita.
Masaya.

Ang pangalawa nama'y nag-uumpisa pa lang umabot ng pangarap.
Gumagapang pa.
Masaya.

Pero sa kung paanong paraan napagtagpo ng tadhana na biglaan, parang wala silang magawa kundi tanggapin ang tadhana na biglaan din mawawala yung konting pagkakataon na magkasama sila kasi babalik tayo sa katotohanang magkaiba pa din sila ng tinatahak sa ngayon. Hinangin ang pagkakataon. Hinangin pati ang mga salita, di alam kung san patungo.

Unang bintana:
*Subukan nga kitang abutin*

Pangalawang bintana:
Ganun lang yun, pinagtagpo at hanggang dun lang.
*Magsasara na sana ngunit...*

Unang bintana:
*Kinamusta ang pangalawang bintana*

Pangalawang bintana:
*Nagulat*

At nag-usap muli ng sandali, di man magkatabi.

Kung gugustuhin, may paraan.
Kung aabutin talaga, laging maaabot.
Hinangin ang mga salita mula sa kanya patungo sa akin kahit na yung distansya tila ba di ko maarok kung gaano kalayo - yung mga salitang di ko inaasahang na siya pa mismo ang mauuna.
Di na muling isasara ang pagkakataon, lalo na kung katulad mo ang hihingi ng pagkakataon.

Nag-umpisa pero sana di pa matapos.
Nagtagpo pero sana di mawala ang pagkakataon.

Saan at paano mag-uumpisa?
Saan at paano magtatapos?
Kung nagsimula, pwede bang wag na matapos?
Kung nagtapos, paano malalamang tapos na?



PS.
Salamat.
Sa susunod ulit.