Saturday, October 14, 2017

1:07am 10/15/17

“Kat, di ko na yata kayang magmahal katulad nung pagmamahal ko sayo”

At sa ilang taon na ‘to, yung pag-ibig mo yata yung hinahanap hanap ko. Pero maniwala ka, masaya ako para sayo kasi alam kong di kita minahal ng pagmamahal na deserve mo. I have learned a lot from you, from the relationship we had.

Kung ngayon kita nakilala, kung ganito ako kaayos kita nakilala, di sana tayo nawala, di ka sana nawala noon sakin. 

I will always always always look back on our lovestory and I’ll always be happy to have been loved by you. Thank you for loving me so much. Minahal mo ako ng sobra-sobra. Minahal mo ako nung masaya ako, nung okay ako, pero tanginang minahal mo ako lalo nung ang gulo-gulo ko, nung pati ako di na masaya sa sarili ko, niyakap mo ako ng buong buo.

PS
Isa ka pa din sa paborito kong tao sa buhay ko, M.

Wednesday, October 11, 2017

Ang Seryosong Usapan Ng Kalungkutan



"Kamusta ka?"
"Okay ka lang ba?"
"Andito ako para sayo."

Sana ganito ka. Sana ganito ang maraming tao sa atin. Di natin alam na sobrang laking parte sa ibang tao yang kakapiranggot na mga salitang yan. Di ninyo alam, pero sa mga salitang yan, masasagip ninyo sila. 

Hindi marami yung may alam nito pero hayaan ninyo akong ibahagi 'tong puso ko dito. Siguro kung merong may alam nito, iilang tao lang, bilang sa daliri ko. (Natatakot ako kasi baka mahusgahan ako dahil dito pero mapanghusga na nga pala ang mundo, wapakels na lang)

2008, sinubukan kong magpakamatay. Nag-overdose ako ng Paracetamol, siguro 20-30 tablets yung tinake ko in 1-2 minutes. Sobrang lungkot ko nung gabing yun, hindi ko alam kanino hihingi ng tulong. Hindi ko alam kung kanino ako tatakbo. Sobrang sama sa pakiramdam. Nasusuka na ako. Nahihilo. Para akong nagpapawis ng malamig. Di ko alam yung eksaktong naramdaman ko pero alam ko nung gabing yun gustong gusto kong mamatay. Madami pa akong banig ng Paracetamol nun na hawak kaso sa di ko nagets na pagkakataon, natauhan ako. Sobrang sama na sa pakiramdam, nawala yung pagkagusto kong mamatay, naisip ko din yung pamilya ko, yung mga taong nagmamahal sa akin. After siguro ng ilang araw o linggo, nagyeyellow na yung balat ko. Nagkaproblema daw yung atay ko nun pero di maexplain maigi nung time na yun kung bakit kaso sa loob ko, alam ko kasi yung ginawa ko.

At ito ako ngayon, buhay pa.
Masaya.
Sinusubukan ibalik sa mundo yung pag-ibig na natanggap ko.

4th year Medical Clerk / Junior Intern ako ngayon. Nagrorotate ako ngayon sa Psychiatry. Mas nakikita ko yung halaga nung pamilya, kaibigan at mga importanteng tao sa ibang tao. Higit pa dun, sobrang importante na iparamdam natin sa ibang tao na di sila nag-iisa, na kahit ano pa yan, makakayanan nya dahil madaming susuporta sa kanya.

Nung isang linggo, halos araw-araw akong umiiyak dahil sa problema pero siguro dahil mas alam ko yung paraan ko kung paano mas luluwag yung pakiramdam ko, dahil siguro sa edad ko ngayon mas alam ko na may matatakbuhan ako para magkwento at humagulgol, dahil yung kapatid ko at pinsan ko di nagsawang tanungin "Ate, okay ka lang?" habang nakayakap, dahil siguro mas bukas yung mundo sa posibilidad ng kalungkutan, dahil siguro mas matibay yung kapit ko sa Diyos, pamilya at mga nagmamahal sa akin, simula nung 2008, hinding hindi ko na naisip muli yung magpakamatay.

Ang hirap kalaban ng kalungkutan pero mas mahirap kalaban yung sarili kapag nakaharap ka sa kalungkutan kasi ikaw mismo para kang nawawala sa tamang judgment. Ikaw mismo para kang napaparalyze. Di mo alam yung ekskatong gagawin mo sa pagkakataon na yun. Para kang nawawala sa wisyo mo at gugustuhin mo na lamang takbuhan yang mga problema mo. 


Lahat tayo nalulungkot. Iba-iba tayo ng paraan pero lahat tayo ang gusto lang sa punto ng kalungkutan, malalaman natin na di tayo nag-iisa na haharapin yun.


Kaya sana, sana ikaw na makakabasa nito, kahit sa isang araw, maging gawain mo na mangamusta, kahit sa mga random na mga tao na di mo madalas makausap, o kahit Facebook message na lang, o kung may load ka, isang text lang o kung mas madami yang load mo, ipantawag mo, wag kang mahiyang mangamusta o sabihan yung isang tao na "Pre, andito lang ako"


PS.
Mga pare, andito lang ako. Di kayo nag-iisa.

Thursday, October 5, 2017