Some of the FEU-NRMF PLE Takers for March 2019 Ad astra per aspera |
Wow! Akala ninyo topnotcher talaga noh? Di pa nga kami nagtetake. Sabi lang ni Doc Broli (Yung owner ng Topnotch review center) kahit anong mangyari Topnotcher na daw kami kasi sa Topnotch kami nagreview, so, Topnotcher na ako. Wooo! (Di pa kami nagtetake pero sobrang the best ang Topnotch. Dun kayo magreview. Solid. Di lang review center, aalagaan ka na parang pinapataba ka. Haha! Unli kowpiii at tubig. Kapag nakapasa na ako, promise, magmementor ako)
Para talaga 'to sa kung sinong may time magbasa kasi wala yatang kwenta 'to pero blog ko naman 'to so itutuloy ko 'to
"Magpost ka na, Faye. Nung pampasaya" Sabi sa akin ng isa kong kaibigan. Isipin mo, ngarag na sambayanang Med pero ito ako, nagtatype. Gusto kong sabihin na "Putcha, confident ako, kaya nakakapagpahinga ako ngayon. Sure na sure na ako e" pero hindi. May oras lang akong ilalaan para dito bago ko isapuso ang Legal Medicine (para maging proud si Doc Rebosa at makaabot ako sa 90 nya kasi yun daw ang 75 ng Legal Med)
Lumabas na kasi yung rooms at tuloy na tuloy na nga 'to. Sabi ni Emman nasa C6 na daw yung testes nya. Tuloy na daw ba talaga ang PLE March 2019? Sabi ni Kat "Emman isipin mo nalang ung tinaba mo ng 2 buwan . Mag 3x pa yan if mag sept ka pa" Hahaha.
Sa anong nararamdaman ko? Hindi naman talaga ako handa dahil alam kong kulang na kulang yung oras para habulin yung mga dapat aralin pero hindi ako sobrang kinakabahan katulad nung Medtech boards na halos lahat na ng makasalubong sa akin iniisip bat ako humahagulgol. Sobrang dinasal ko 'to. Sobrang Diyos na bahala dito katulad ng maraming pagkakataon pa. Gusto ko lang isipin na kung hindi ako para dito, matagal na akong inalis ng Diyos dito. E queen of removals ako, queen of bulletin boards, nagtrabaho habang nagMed, gumapang lang pero nakatapos naman. Humagulgol lang pero nakatapak naman sa stage. Nahirapan lang pero kumendeng na sa ospital para magpasyente. Sobrang laking tulong ng dasal sa akin. Kapag nandun ako sa nagdadoubt na ako, binubuksan ko yung bible. Hihinga. Iiyak pero kasabay nun, dapat malipat ko yung page ng binabasa kong punyetang reviewer kasi kailangan maipasok sa kokote ko.
Ang daming chances na pwede ka pang umurong, sumuko, wag lumaban at hindi ko itetake against sa kahit kanino kung pipiliin maghintay muna. Sobrang brave nga nun e. Pero siguro iba kasi ang istorya ko. Wala akong choice. Hindi ko binibigyan ng choice yung sarili ko kasi kung sa iba, hawak lang nila oras nila, ako kasi hindi. Ito yung punto na kapag nagkalisensya ako at nakapgtrabaho, mapapaaral ko na yung bunso kong kapatid, matutulungan ko na sa bills yung magulang ko na kapos na kapos na halos walang pambayad na sa lahat, mabibigyan ko ng pampuhunan yung isa ko pang kapatid, mahahayaan kong maituloy ng kapatid kong babae yung pangarap nya na magresidency agad after boards nya, makakapagbalik loob ako sa lahat ng kabutihang natanggap ko. Hindi 'to sa akin lang kaya wala akong choice.
Gusto ko lang sabihin na kung ngayon nagdududa ka na, okay lang yan; na kung nahihirapan ka na, okay lang yan; na kung putragis na aagos na yung luha mo at di mo mapigil, okay lang yan wag lang mabura yung notes mo kasi nyemas kailangan mo pa yun. Sanay na tayong mahirapan, matibay na yang puson mo, mas matatag ang puso mo. Di na yan papalag. Tuloy lang tayo. Ituloy na natin 'to. Hindi tayo magiging lisensyado kung di natin isheshade yang scantron ng PRC kaya sabay-sabay tayong maglakas loob na gamitin yang Pencil #2
Ikaw na bahala, Lord.
Top 1 lang naman hangad ko this PLE March 2019 pero di po ako level ni Doc Loubomir na Top 1 or die. Hehe! Madami pa naman pong pwedeng pwesto dun. Sayang po yung pinuhunan ko sa pagtaba ko kasi. Haha
Balik aral na.
PS. Check nyo pangalan ko 'pag labas ng results. Kapag wala ako dun, wag mo ako hayaang malungkot. Kapag andun ako, samahan ninyo akong mag-Samgyup Kapag nasa top ako, pakshet, iniisip ko pa lang, kinikilabutan na ako. Hahaha Baka umiyak ako at rumolyo sa buong Fairview 'pag nagkataon
PPS. See you Topnotchers sa party party na ihahanda nila Doc Broli, Doc Rocky, Doc Nins and TN team. See you din sa solid na mga kasama ko sa FEU-NRMF sa pablow-out ni Bossing Atty. Abad.