Ang saya ko.
Ang saya mo para sa akin.
Ang saya.
Nakalipas ang konting mga panahon, bumalik ka sa dati. Bumalik ka sa pagtatanong kung ano ang halaga ko, kung ano ba ako, kung ano ang pakinabang ko. Habang nakahiga sa kabilang dulo, parang kada salita mo kinikwestyon yung buong buhay ko, kung gaano ako kaliit sa paningin mo, kung ano lang ako sa tingin mo. Para mong hinihingi na talikuran ko ang lahat dahil wala akong kwenta. Para mong isinisigaw na lahat ng patutunguhan ko dapat kong ihinto kasi wala akong direksyon. Parang pinaparamdam mo na naman, sa pang-ilang pagkakataon na di na mabilang ng mga daliri ko, na di ko kakayanin, na wala akong mararating, na hanggang dito lang ako, walang silbi.
Ang dali mong sabihin yung mga yan pero di mo ba naaalala na buong buhay ko pinaghirapan yung sinisira mo na naman? Ang dali para sayong husgahan ako kung ano lang ako sa mata mo. Ang daling kalimutan yung mga nagawa ko dahil para sayo wala na naman ako. Ang dali para sayong saktan ako. Ang dali dali sayong sirain yung binubuo ko lagi - yung pangarap ko, yung ako, yung sarili ko. Ang dali para sayo.
Sana masaya ako.
Sana masaya ka para sa akin.
Sana.
Pero hindi.
Gusto mong talikuran ko kung nasaan ako ngayon. Gusto mong bitawan ko ang lahat kasi para sayo, wala 'tong kwenta, wala akong kwenta. Gusto mong maging katulad nila ako para magkasilbi ako. Gusto mong gawin ko yung ideya mo kung papaano dapat ako, pero
Hindi pa sapat yung buong buhay akong di tumigil patunayan yung sarili ko? Hindi pa sapat na tuloy-tuloy ako at hindi huminto? Hindi pa ba sapat na ilang beses mo akong minaliit? Hindi pa ba sapat? Hindi pa ba yun sapat? Hindi ka pa ba kuntento?
Kasi sa akin, sobra na. Kasi sa mundo ko, ikaw yung nakakapagod. Kasi sa akin, wala akong ginawa kundi maging sapat kahit yung tingin mo, kulang ako. Kasi sa akin, kung nasaan ako ngayon, alam kong nagsisimula pa lang ako at alam ko, konti na lang magiging okay na ang lahat. Kasi pagod na pagod na ako.
Pagod na akong patunayan ako.
Pagod na akong ipakita na kakayanin ko.
Pagod na akong makita yung halaga ko.
Pagod na ako.
Sana alam mo,
(
PPS. Please lang wag ninyong hahayaan na kayo mismo sisira sa pangarap ng ibang tao kasi yung minamaliit mo sa ngayon, di mo alam, baka mas madami pa yang natulungang buhay kaysa sa paggalaw ng bibig mo para lang sabihan siya na wala syang kwenta.