Hindi ko alam paano yung mirakulo ng Diyos na biglaan naging okay ako. Pag kagising ko, walang sakit, walang galit, walang kahit ano. Pag kagising ko, naging malaya ako. Malayang maging masaya. Malayang gumalaw. Wala akong kailangang antayin. Wala akong kailangang hawakan. Wala akong dapat alagaan. Pero ang totoo, ilang buwan kong nilaban yung akala kong tama, yung akala kong totoo, yung akala kong dapat kong hawakan. Tinangahan ko. Sinagad ko. Isang araw, nawala lahat. Nagtiwala ako sa Diyos, sa plano Nya sa akin, sa buhay ko, sa pag-ibig, kahit hindi ko eksaktong alam. Dasal ko lang sa Diyos, bigyan Nya ako nung taong kaya akong tapatan sa pag-ibig. Di ko alam kung talagang matutupad -- pinasa ko na lang sa Diyos.
Ilang oras matapos akong magtiwala sa Kanya, nakilala kita. Biglaan. Pamilyar ka. Eksakto ka. Biglang alam ko na. Kahit ganun, may mga oras na naduduwag ata ako dahil sa mga pinagdaanan ko pero ikaw, kaya mo akong pakalmahin kasi ikaw mismo kalmado. Ikaw? parang sa dami nung di ko alam, ikaw parang alam mo lahat nung dapat. Ikaw? ang gulo ko pero parang kaya mong ayusin lahat. Ikaw? andyan ka lang, mas magaan na ang lahat. Ikaw pala. Ngayon, alam ko na.
Dumaan ang mga araw. Lalong nalaman ko -- ikaw talaga. Minsan natatakot ako kaya nagbibigay ako nitong espasyo. Minsan gusto na lang kitang yakapin para alam mong gusto kong ikaw na lang yung kasama ko buong buhay ko. Minsan mukha lang di ko alam pero sa totoo lang, ikaw pala yung dinasal ko. Deserve mo ang lahat ng pag-ibig na kaya kong ibigay. Deserve mong sumaya. Deserve mong maging panatag. Deserve mong hindi magduda. Deserve mong hawakan at hindi na pakawalan pa. Deserve mo ang lahat ng magagandang bagay sa buhay. Deserve mong laging may kasama at hindi ka iiwan. Deserve mong piliin. Deserve mo lahat, lahat-lahat, T. Sana alam mo yun.
Gusto ko lang malaman mo, hanggang andito pa tayo, tayo man o hindi sa buhay na 'to, ikaw yung pinakamagandang tao para sa akin. Ikaw yung pinakacute ang pisngi pati dimples na hinding hindi ko pagsasawaan at baka lagi kang maaasar pero yang pisngi mo yung paborito ko. Ikaw yung kumukumpleto nung kasiyahan ko. Ikaw yung tiyak sa mga duda ko. Ikaw yung sagot dun sa dati kong dasal. Ikaw yung malaking parte kung bakit gusto kong umayos, kung bakit pakiramdam ko mas gumaan yung lahat, kung bakit gusto kong gumising (kasi alam kong andyan ka lang). Ikaw yung gusto kong makasama palagi, kaya kong gawan lahat ng oras basta para sayo. Wala akong ibang gustong lambing kundi yung galing sayo. Wala akong ibang gustong hawak kundi hawak mo lang. Wala akong trip na kausapin at kilalanin na iba, kundi ikaw lang. Katulad nung sinasabi ko palagi, umpisa pa lang pero willing akong asawahin ka agad. Sana alam mo yun.
Siguro lang, hindi mo eksaktong alam kasi nga paminsan ay urong sulong ako. Ayoko nitong espasyo na wala ka. Ayoko nitong oras na di ka kausap. Pero katulad nung dati, sa dasal ko, ang binabanggit ko sa Panginoon, kung will Nya 'tong satin na iwork out, magiging maayos ang lahat. Kung hindi, ibibigay Nya yung dapat na para sa atin. Di ko alam ang mangyayari sa mga bukas pero ang alam ko, ang pagsamo ng puso ko -- sana lang ikaw pa rin bukas at sa lahat nung mga bukas ng buhay ko (kung ganun din ang tingin mo, kung hindi, basta masaya ka, okay na ako)
Written: Jan 13-14, 2025 💛🐮
Posted here: Tongue In A Lung