Tuesday, March 25, 2025

Ang Ganito Ang Pag-ibig

 




Hindi ganyan ang pag-ibig:

"Nagstay lang ako kasi ikaw lang yung andyan"


"Hindi naman mawawala yang problema sa ex mo."


"Bare minimum."




Ganito ang pag-ibig:

"Nagstay ako kasi ayoko yung buhay na wala ka."


"Hindi ka na muli mag-iisa, di kita gagamitin at iiwan katulad nung sa ex mo. Wala ako nun pero andito na ngayon."


"Mahalin mo lang ako at ibigay ang best mo, sapat na yun sa akin."




Ganito ang pag-ibig ko:

"Pinapalaya na kita kahit hindi ko makita yung sarili ko na wala ka. Pinapalaya na kita kung sa paraang yan mas mahahanap mo yung gusto mo at sasapat sayo. Pinapalaya na kita para maging masaya ka ng totoo, kahit hindi ako kasama. Pinapalaya na kita para mahanap mo yung hinahanap mo, o mabalikan mo yung dapat mong balikan. Pinapalaya ko na ang habambuhay kasama ka. Pinapalaya kita dahil ang pag-ibig ko ay hindi madamot, hindi ko ipagdaramot sayo ang sumaya, ang humanap kung saan ka makukuntento, kung saan ka mapapanatag. Kaya habang buhay ko, araw-araw kitang papalayain."



March 26, 2025

97 days.