Thursday, May 26, 2011

Ang Para Sa Akin


Malapit na ako. Nagkamali lang ako ng galaw ngayon. Konting bato pa ng tiyaga, makakamit na din kita. Konting panahon pa, malalaman mong para sa akin ka. Hindi ako bibitaw, lalo na ngayong alam ko, sa huli ikaw yun makukuha ko. Hindi ako bibitaw sayo, pangako!

Wednesday, May 25, 2011

Ang Iyong Laruan


Nagtago ako sa kahon na yan. Nakakabasa ka naman pero binuksan mo pa din. Hinawakan mo ako at pinakawalan. Binuksan mo pati ang puso ko. Pero ngayon, nasaan ka na? Akala ko nung binuksan mo yun, aalagaan mo ako habang buhay. Yun pala, inakala mong laruan akong pwedeng buksan, at iiwan 'pag sawa ka na.

Monday, May 23, 2011

Ang Masama

Kahit gano pa kadami ang kwento mo, kahit with feelings mo pa ikwento yan, halos walang makikinig sayo. Tinalo ka pa ng utot. Kahit gano pa yan kahina, lahat ng tao mapapakinggan. Kahit nga walang tunog yan, maaamoy nilang may kakaiba. Magrereact pa sila.

Tongue in a lung talaga! >:(

Saturday, May 21, 2011

Ang Paghuli Sa Isang Sikreto


Sinasalang ako sa apoy na halos pantayan ang nararamdaman ko. Sinusubukang ipaunawa sa iba ang aking nararamdaman. Bawat yapak ng oras, katumbas ay suntok pero sabay-sabay ko silang nararamdaman. Alam ko lahat kaya kong sabihin ngunit itong nararamdaman ko, hindi pwede. Ikaw ang natatanging sikreto na hindi ko kailan man kayang ibunyag.

Friday, May 20, 2011

Ang Paggunaw Ng Mundo


Matuloy man bukas o sa isang araw o sa susunod pang mga bukas ang paggunaw ng mundo, masaya akong nakasama kita. Higit pa sa isang pagpapala ang binigay ng Diyos sa akin na hinayaan akong mahagkan ka.

Sa susunod na mundo, sana mayakap kitang muli.