Ang pagkakaiba ng umiibig ka sa isang tao at yung talagang mahal mo yung tao.
Masarap naman talaga magmahal, pero yun nga, di naman kasi lahat ng "Mahal kita" ay katumbas ng "Di kita iiwan". May pagkakaiba kasi yung umiibig ka sa isang tao at yun sadyang mahal mo yung isang tao.
Ganito yan:
Kapag umiibig ka sa isang tao, interisado ka sa taong yun.
Interisado ka sa kanya - sa mga hilig niya, sa mga gusto niya, sa mga paborito niya. Interisado kang kilalanin siya. Intersado ka, baka kasi maging parte siya ng buhay mo. Yun na yun. Yun lang yun - interisado.
Kapag mahal mo yung tao, gusto mo yun taong yun.
Gusto mo yung taong yun - gusto mong maging parte ng buhay niya, gusto mong maging parte ka ng buhay niya. Hindi ka lang interisado sa kanya, pero gagawa ka ng paraan para magkaroon kayo ng lugar sa buhay ng isa't isa. Gusto, hindi interisado.
__________________________________________________
Yung pakiramdam na lagi kang masaya. Yung feelings mo laging mataas, laging matindi. At hindi mo hihilingin na mawala yung tindi ng pakiramdam mo, kasi alam mo, alam na alam mo, na kung mawala yung pakiramdam, matatapos din.
Kapag mahal mo yung tao, nasa langit ka minsan, minsan wala, pero siya pa din.
Feelings mo minsan sobrang high, minsan naman walang wala. Parang minsan nandyan, minsan di mo maramdaman. Walang rason, wala man rason, mahal mo siya, yun na yun.
___________________________________________________
Pinapaikot ninyo yung mundo ninyo sa isa't isa. Binabago ninyo yung pangarap ninyo para swak dun sa isa. Kinalimutan mo yung pangarap mo, binubuo mo yung sa inyong dalawa habang kinakalimutan mong may sarili kang buhay.
Kapag mahal mo yung tao, may pangarap ka, may pangarap siya at may pangarap kayong dalawa.
May pangarap siya, aabutin niya. May pangarap ka, aabutin mo. May pangarap kayong dalawa, aabutin ninyong dalawa. Bubuuin mo yung sarili mo. Bubuuin niya yung sarili niya. Para sa inyong dalawa, buong buo kayong magkasama. Pareho ninyong susuportahan ang isa't isa, magiging masaya para sa isa't isa.
___________________________________________________
Kapag umiibig ka sa isang tao, akala mo iniingatan mo yung taong yun kaysa sa ginagawa mo.
Akala mo sobrang iniingatan mo siya. Akala mo sobrang inaalagaan mo siya. Mali ka. Iniisip mong sobra na yung binibigay mo pero halos wala ka palang ginawa para sa kanya.
Kapag mahal mo yung tao, ginagawa mong ingatan yung taong yun kaysa sa inaakala mo.
Akala mo nagkukulang ka. Akala mo hindi pa sapat. Pero higit pa sa inaakala mo, sobrang iniingatan mo siya at inaalagaan mo siya. Gusto mo lang ibigay lahat ng kaya mo para sa kanya, yun kasi yung sa tingin mong karapat dapat para sa kanya.
___________________________________________________
May kondisyon. May limitasyon. May hangganan. Hindi mo kayang mahalin siya buong buhay mo, kasi magkamali lang, mawawala na lahat. Hindi lang magkasundo, mawawala na. Hindi lang magkaintindihan, mawawala na. Napagod, di lang magpapahinga, bibitawan pa.
Kapag mahal mo yung tao, sadyang mahal mo yung tao at di yun mawawala at matatapos.
Pikon na pikon ka na. Asar na asar na. Gigil na gigil na. Lahat na ng away, pero di pumasok sa isip mo na hihilingin mong mawala siya, mawala kayo. Mahal mo siya, walang kondisyon, walang limitasyon, walang hangganan. Mahal mo siya, at kahit ano pa, pipiliin mo siya, pipiliin mo yung kayo ng paulit ulit.
___________________________________________________
Mahal kita ngayon. Mahal kita kapag maayos ang lahat. Mahal kita kapag masaya tayo. Mahal kita hanggang pwede tayo. Pero darating yung punto na ang pag-ibig na 'to mawawala. Maging handa na lang tayo, kasi baka iwan kita, o iwan mo ako. Kapag nangyari yun, mawawala ka, mawawala ako, mawawala tayo, tapos na din ang mga salitang mahal kita, ang mahal mo ako.
Kapag mahal mo yung tao, ang "Mahal kita" ay katumbas ng "Kahit ano pang mangyari, sa saya o lungkot, sa tawa o iyak, hindi ako mawawala."
Kapag mahal mo kasi talaga yung tao - parte siya ng pagkatao mo, parte yun ng sarili mo. Yung mga taong mahal talaga natin, yung mga sobrang inaalagaan natin, yung mga importante sa atin - hindi naman talaga sila nawawala sa atin.
Kung mawala man sila, kung piliin man nilang mawala sa buhay natin, iniwan tayo, pero hindi naman katumbas nun na mawawala sila sa puso at isip mo. Yung lahat ng napagsamahan ninyo, lahat ng pinagdaanan ninyo, andyan lang yan, at pati yung eksaktong emosyon, itago mo man, may oras na lalabas at lalabas. Nung panahon na nandyan siya, sila, sobra yung pakiramdam mo, kaya naman sa mabuting paraan, nagbago ka. Kaya naman, napabuti ka.
Kapag kasi mahal mo talaga yung tao, hindi mawawala yung pag-ibig mo para sa kanya kasi pati sarili mo kakalimutan mo kung kakalimutan mo siya.
Mahal kita. Kahit ano pang mangyari, hindi ako mawawala.
Oct 21. 2014
No comments:
Post a Comment
May karapatan kang ipahayag yan. Tongue in a lung, wag kang tatameme.