FILIPINO: Dila sa loob ng baga. KOREAN: 폐에 혀. SPANISH: Lengua en un pulmón. ARABIC: اللسان في الرئة. ILOKANO: Dila idiay unig ti bara. Sa kahit anong pagkakataon, tongue in a lung.
Sunday, December 7, 2014
Ang Nandyan At Nandito
Ang pag-ibig, kung totoong pag-ibig yan, walang kinikilalang distansya.
Sabi ko "Mahal kita"
Ibig kong sabihin - Mahal kita kung nandyan ka at nandito ako. Mahal kita kahit nasa malayo ka. Mahal kita kahit nasaan ka man. Mahal kita. Oo, mahal kita kaya gustong gusto kong mas mapalapit pa sayo. Gusto kong maramdaman yung init ng yakap mo. Gusto kong maramdaman yung dampi ng mga labi mo sa pisngi ko. Gusto kong mapakinggan yung bulong mo. Gusto kong makita yung mga bagay na nandito ka sa tabi ko pero alam kong di pwede sa ngayon. Mahal kita, namimiss lang talaga kita. Yun lang ang magagawa ko sa ngayon. Ito lang muna sa ngayon. Kaya sige, mahal kita. Mahal kita kahit nasaan ka man. Yun lang ang tandaan mo.
Saturday, December 6, 2014
Ang Higit Pa Sa Fairytale
May kanya-kanya tayong kwento ng pag-ibig pero alam ko parepareho tayo na ang gusto yung parang fairytale. E yun nga lang kasi, di naman totoo yun, pero masaya ako na binigyan ako ng higit pa sa fairytale - yun yung kwento ng pag-ibig ko, yung kwento namin ng mahal ko.
At ito yung kwento namin:
Nagkakilala kami (ni G) more than 3 years ago. Online. Total stranger. Unang beses kong binigay yung number ko sa isang taong di ko kilala. Ang totoo, di naman ako na-cute-an sa kanya, di ko alam pero binigay ko na lang number ko. Hinayaan ko kasi syempre, mas bata ako, kausap lang kailangan ko. Yung minsan may katext, swak na yun. Masaya lang. Di ko alam lagi ko na siyang nakakausap. Siguro feeling ninyo weird, at yun din eksaktong naramdaman ko nun, kung sa paanong paraan na isang estranghero na di ko pa naman nakita talaga, unti-unting tumatak sa buhay ko. Hindi pwede, yun yung naisip ko, pero lumipas ang mga araw, wala e. Gusto ko na siya.
Nakakatawa kasi gusto ko na yung isang taong di ko man lang nakasama pa. Mas nakakatawa pa dun, feeling ko natutuwa lang siya sa kagaguhan kong kausap pero nung oras na yun, alam ko naman, may mahal siya. Baliw na nag-invest ako ng feelings sa isang taong di yata ako kayang mahalin pero nangyari na, minahal ko na. May bumalik sa kanya, inaantay kong ako na lang e, pero gusto kong piliin niya yung feeling niyang mas tama, lalo di naman talaga niya ako nakasama. Lumayo ako ng ilang araw para maliwanagan siya. Pag balik ko, bumalik na siya sa nakaraan.
Lumayo ako. Lumayo ako na hinayaan kong wala akong marinig pero habang lumalayo ako, sinabi niyang mahal niya ako. Wala na e. Mahal niya ako pero di ako kinayang piliin. Layo na lang. Lumayo ako. Lumayo ako kasi ayokong umikot yung mundo ko sa taong di kayang magrisk sakin.
I tried to date other people. May jinowa ako. Una, di tumagal. Humiwalay sakin, wala akong pakielam. Met other people pa. Sige lang. Bata ako, I did what I wanted to do. Landi. Kapag feeling kong di swak, hayaan mo na lang. Buong oras kasi na yun, sinusubukan kong mawalan ng bahid yung isang estranghero sa buhay ko pero wala e. Lumalayo ako, sinusubukan akong abutin. Lumalayo ako, kakausapin ako at ang nakakaasar sa lahat siya pa din. Na kahit ang daming tao na nakilala ko nun, siya lang. PERO HINDI PWEDE. Lumayo ako. Lumayo pa din ako kasi di pwede, di siya pwede.
I met someone saka ko tinanggap yung pinipilit na friendship sa akin ni G. Yung taong sineryoso ko. Yung taong naging willing akong mag-risk ulit. May jowa ako pero nung umpisa araw-araw ko pa din nakakatext si G. Sa kanya ako tumatakbo pero alam 'to nung jinowa ko. Naisip ko lang hanggang alam kong friendship lang, go lang. Matapos ang ilang days, wala e. Umamin siya na gusto niya pa din ako. Wala. Kailangan kong lumayo. Kinailangan ko di dahil di ko siya gusto nun, kundi dahil ayokong masaktan yung taong iniingatan ko nung oras na yun. Lumayo ako kahit na gustong gusto kong sabihin na gusto ko siya, walang nagbago. Ang hirap pero bawal. Sige na lang. Respeto. Layo. Hahayaan na lang ulit. Pero ilang beses niya akong inabot, sadyang di lang pwede. Lumapit siya lalo nung panahon na binitawan niya na yung taong pinili niya kaso di ko kayang saktan yung taong pinili ako, at di ko kayang ingatan si G na di ako napili. Hayaan. Hinayaan ko.
Matapos ang mahabang panahon, naghiwalay din kami nung pinili ko. Sa huli, hinanap ko ulit si G. Kaso di na naman pwede. Di na naman siya pwede. Para kaming pinaglalaruan ng tadhana, kung kailan single ako, di siya pwede. Kung kailan single siya, di ako pwede. Hayaan na lang. Lumayo na lang. Lumayo na naman. Para kaming pinaglalaruan ng tadhana. Kung kami, kami talaga pero mukhang hindi talaga.
May 2014. Ayoko na talaga. Ayoko kahit friendship kasi pagod na siguro, sawa na ilang taon kong hinahayaang lumabas pasok sa buhay ko yung isang stranger. Blocked sa lahat. She e-mailed me. Once. Twice. Thrice. Hanggang sa sinagot ko. Nagsasagutan na kami sa e-mail pero asar na asar lang ako sa mga punto niya, di ko gustong igets at di niya din ako magets. First time na sinabihan ako ng mga kaibigan ko na mag-umpisa uli kami ni G. Yung bago. Yung friends na walang bahid ng hurt at kung ano man. So, I accepted the friendship. Yun ang tinatak ko sa utak ko this time -- friendship.
June 2014. Umamin siya na gusto niya pa ako, na mahal niya ako dati pa, hanggang ngayon pero wala. Di ko kayang sabihing mahal ko siya, di dahil di ko siya mahal noong time na yun pero di ako handa. Di na ako handang magrisk sa isang taong di nagririsk sakin. Hinayaan ko lang siya. Wala siyang narinig sa akin.
July 2014. Pinuntahan niya ako dito. Met her for the first time and I knew exactly that my heart was hers. Alam mo yung kakaiba na before I met her, alam kong totoo yung feelings ko para sa kanya, sadyang di ko na lang kayang irisk, pero nung oras na ngumiti siya sa akin, siya pa din pala, siya lang talaga.
Oct 2014. YES. <3 Yung taong pilit kong tinatakbuhan lagi, yung nilalayuan ko ng paulit ulit, yung ginusto kong mawala sa buhay ko, siya lang pala talaga nilaan para sa akin. May mga bagay talaga na kahit anong pilit mong paglayo, kung para sayo, para sayo. Kahit anong iwas mo, hindi ninyo maiiwasan na kayo yung para sa isa't isa. Katulad mo, katulad ko, ilang beses man nating hinayaan ang isa't isa, ito tayo ngayon at masayang masaya ako na ikaw yung higit pa sa fairytale na dinasal ko.
Feeling ko dati, di lang talaga kami para sa isa't isa. Paano naman magiging possible na ang taga-Zamboanga, at taga-Quezon City, pupusta sa isa't isa? Labo diba. Malabo pero hindi impossible. Dati, naniniwala ako na ang tamang panahon yung "ngayon", pero hindi pala talaga. Dati, akala ko kapag mahal ninyo ang isa't isa, go lang, pero hindi pala. Dati, akala ko kapag wrong timing, di na darating yung tamang time, pero hindi pala.
Di lahat ng "ngayon" ay tamang panahon, kasi kung talagang para sayo, darating yung panahon na para sa inyo. God's timing lang talaga. Di din enough na mahal ninyo lang ang isa't isa, kailangan din ng oras. May tamang panahon para sa tamang pag-ibig, yung tamang panahon para sa pag-ibig, katulad namin.
Natuto ako na may oras ang lahat ng bagay. Natuto ako na hindi dapat pinipilit ang mga bagay, dahil katulad namin, pinilit kong lumayo nang lumayo pero sa kada paglayo ko, daan pala yun pabalik sa kanya. Natuto akong mag-antay na hindi ko alam na buong oras na yun nag-aantay pala ako. Natuto akong magmahal ng hindi umaasa sa sagot na "Mahal din kita" Minahal lang talaga kita noon pa, mahal kita ngayon, at mamahalin pa sa mga bukas ng buhay natin.
Worth it lahat. Dahil sa timing ni God, I am with my one true love, my constant love, my inevitable love, my forever love and my one and only love. I really cannot ask for more, time lang. Lifeime with you. Mahal kita, G. Mahal na mahal.
Woooo. 2nd! <3 Lifetime to go, my Love.
Tuesday, December 2, 2014
Ang LabLab
Nakakausap kita pero iba pa din kapag kasama kita. Nakakapalitan kita ng texts pero iba pa din kapag nakakapalitan kita ng titigan. Nasasabi kong "Kiss mo nga ako" sabay pikit at hiling na mararamdaman ko yung mga halik mo sa hangin, pero iba pa din kapag nasa tabi kita at dadampi yung mga labi mo sa pisngi ko sa mismong oras na sinabi kong "Pakiss". Naaalala ko yung mga oras na "LabLab, yung ganyan nga", "LabLab, ayusin mo nga 'to." "LabLab, charge mo nga phone ko." "LabLab dala ka nga ng jacket", at madami pang LabLab, pero hinding hindi ako magsasawa na gawin yung mga yun dahil alam kong sa panahon na yun, kasama kita. Kapag sinasabi mo ang pangalan ko, gusto kong makasama ka, lalo kong gusto makasama ka ulit.
Kapag sisilip ako sa tabi ko, umaasa ako na makita ka ulit, na makita ko ulit yung ngiti mo na hindi ko maiwasang mapangiti din, na kukunin ko yung phone ko at magkukunwaring magtext yun pala kumukuha lang ng maraming litrato mo sa eksaktong panahon na makikita kong sobrang cute mo, na makita ko ulit yung singkit mong mga mata, na makita ko ulit yung mukha mong medyo mahaba, na makita ko yung mga pisngi mong makinis, na makita ko yung maikli mong buhok na kahit maghapon ka ng nasa labas mabango pa din, na makikita ko ulit yung pagngiti ng mapupulang labi mo, na makita kita, sabay mayayakap, sabay mahahalikan, sabay masasabi ko sayong "Mahal kita.".
Alam kong makakasama kita ulit, konting oras lang, konting panahon lang, pero bat parang forever? Bakit parang ang tagal ng panahon kapag di kita nakakasama pero kapag kasama kita, parang iniihipan lang ng hangin yung panahon? Ang hirap hirap lang kasi sobrang namimiss kita. Namimiss kita pero hindi ibig sabihin bibitaw ako, hindi din ibig sabihin na hahayaan kong mawala 'to. Mahirap lang kasi di ko mahawakan yung kamay mo ngayon pero hindi ko bibitawan yan kahit kailan. Mahirap lang kasi di kita mayakap ngayon pero buong buhay kitang yayakapin sa puso ko. Mahirap lang kasi hindi kita mahalikan ngayon pero hindi ako magsasawang halikan ka sa hangin para eksaktong maramdaman mong mahal na mahal kita at hindi ko hahayaang mawala 'to. Mahirap na malayo tayo sa isa't isa ngayon, pero umaasa ako, konting panahon na lang, hinding hindi na natin kailangan magsabi ng "Goodbye" kundi "Good night" na lang.
PS. Mahal na mahal kita, Love ko. Mahal na mahal. Sa susunod ulit, aabangan ko yun! <3
Subscribe to:
Posts (Atom)