2015: Strive For Happiness
May mga tao na iniisip na ang kasiyahan at kaligayahan ay resulta ng mga bagay kapag maayos lahat, kapag tama ang lahat. Yung kapag pumasok ka sa school at di nakaaral, tamang tama di nagpa-quiz ang professor mo, o kaya isang umaga na biglang dinoble ng magulang mo yung allowance mo, o naglakad ka sa kanto at nakapulot ng lotto ticket na nanalo sa draw at ganyan, ganito, maraming pang ganyan, at ganito.
Ang totoo lang, madaling maging masaya kapag lahat naaayon sayo, kapag swak lahat pero para sa akin, hindi lang yan ang totoong konsepto ng kaligayahan - hindi lang kapag maayos ang lahat.
Hindi basta bastang napupulot ang kaligayahan.
May mga araw na swak, maayos at naaayon, pero alam na alam mong may mga araw din na sadyang di okay, panget o talagang sirang sira lang. Pero nakakilala ka na ba ng taong ngingitian lang yun? Yung mapapaisip ka na bakit di na okay ang lahat pero siya nakangiti pa din? Diba nakakahatak sa mood mo, na parang magiging mas magaan lahat dahil dun?
Malamang, 'tong mga taong nakakangiti kahit sa panahon na di okay ang lahat, ito yung mga taong katulad ko, natuto: na hindi basta bastang napupulot ang kaligayahan
Kailangan mong pagtrabahuan para maging masaya.
Pinipili ang kasiyahan. Hindi ko naman sinabi na bawal maging malungkot. Pwede kang humagulgol kung gusto mo, pero isipin mo, kung magpapakalugmok ka, sayang ang oras. Mas binibigyan mo ang sarili mo ng rason para mabuhay ng malungkot, kaysa pinili mong sumaya at maglet go sa kalungkutan.
Kailangan mong makita yung good side kahit sa pinakapangit na pagkakataon. Hindi kailangang intindihin, minsan kapag ganun, dasal at tiwala lang kay Lord, hayaan mong sumaya ka at iwasan ang pagwoworry, magiging mas masarap mabuhay.
Sharing this super short story to everyone:
Once a man was asked, "What did you gain by regularly praying to God?"
The man replied, "Nothing... but let me tell you what I lost: anger, ego, greed, depression, insecurity, and fear of death."
Sometimes, the answer to our prayers is not gaining but losing; which ultimately is the gain. (via ankaheebatein)
Dasal lang. Hayaan mo si God at piliin mong sumaya. Let go mo lang lahat sa Kanya.
Yun yung sikreto sa pagiging masaya at maligaya: kailangan mo yung piliin. Hindi madalas madali yung pagpili dun na minsan yun pa yung huling bagay na pipiliin mo, pero sana maisip mo na deserve mong ngumiti kaysa umiyak, tumawa kaysa lumuha. Piliin mong sumaya, kasi walang magpapasaya sayo, kundi ikaw lang. Piliin mong sumaya.
Maligayang bagong taon sa lahat! :)
PS. Salamat sa 2014. Sobrang daming nangyari, pero ang pinakapinagpapasalamat ko sa Diyos, yung binigyan Niya ako ng walang humpay na sumusuportang pamilya, kakaibang girlfriend at totoong mga kaibigan.
This article made me smile. Well not exactly for me but for you. Glad that you found what happiness is.
ReplyDelete