Saturday, February 14, 2015

Ang Ika-14 ng Pebrero 2015


Para sa lahat ng sawi sa pag-ibig, gusto ko lang malaman ninyo na peksman, may taong darating para sayo. Ngayon, chillax ka muna. Maging masaya.

Para sa lahat ng nagmamahalan, kung may binigay ang iniirog mo ngayon, buti naman, kung wala, tandaan, hindi naman dapat palakihin yan, madami pang chances, baka walang wala lang siya ngayon.

Para sa lahat ng may exams o trabaho kaya di nakalabas, ang pag-ibig, di lang naman ngayong araw dapat ipakita, dapat araw-araw.

Para sa lahat, Happy Valentine's day! Piliin mong maging masaya, hindi lang ngayong araw, sana araw-araw. Piliin mong magmahal, higit sa kahit ano pa man. Piliin mong ipakita ang pagmamahal mo sa Diyos, sa pamilya mo, sa mga kaibigan mo, pati na din sa jowa mo (kung meron man) PILIIN MONG UMIBIG SA KAHIT ANO MANG PANAHON AT PAGKAKATAON!

Pinagdarasal ko, na sana, sana lahat maging maligaya! :)





To the awesome-st girl who thinks I'm the best, thank you for always looking beyond my flaws. Thank you for always seeing the best in me even if I've got nothing to offer. Thank you for the sincerest gestures, you've got these oddly lovely ways that always amaze me every single time. Thank you for being here with me, risking it all for us. You're truly amazing, and I'm truly blessed to be loved by one truly amazing girl. YOU'RE THE BEST. Sobra sobrang iba ngayon! Simula umaga, hanggang sa ka-sweet-an mo, hanggang sa foodtrip at sa lahat ngayong araw, I'm grateful for everything!! Salamat!!! Mahal na mahal kita. (Thank You, Lord!!)





PS. Shout out to my Beta Sigma friends!
Muntik na akong magtampo kasi kinalimutan niyo ako, pero tumawag si JD para daw may iabot na rose. Special delivery pa, nakakotse pa! Wooooh! 3rd year na 'to, so aasa ako ulit next year? :P Thank you, BS! Lakas niyo!

PPS. Wala po akong frat. Naaappreciate ko lang ang Beta Sigma, lalo sinusubukan nilang ipafeel sa mga girlies na ang Valentine's day ay para sa lahat. Frati lang akong gutom pero no frat! :)







Wednesday, February 11, 2015

Ang Kaya Pala


Noon, di ko maintindihan kung bakit.
Bakit nila ako binitawan?
Bakit nila ako pinagpalit?
Bakit di pa ako enough?
Bakit pinili nila akong iwan?
Bakit ang salitang "Mahal kita" nila ay sa panahong maayos lang, kaya nung magulo na ang lahat wala na din ang pagmamahal?
Bakit hindi kami pwede?
Bakit andyan ka, andito ako, anong meron at bakit hindi tayo mawala sa isa't isa?

Nagdasal ako na si Lord na bahala, na kung dumating yung oras na bibigyan ako ng pag-ibig sana yung parang pagmamahal sa akin ng Diyos, ng pamilya ko at mga kaibigan ko, yung walang kwestyon, walang tanong, walang kundisyon, walang "kapag maayos ang lahat saka ko lang sasabihing mahal kita", walang ganun. Yung mahal ako at mahal ko, tapos na ang usapan.

Hinayaan ko lang. Masaya ako sa buhay ko e. Nung masaya na ako sa buhay ko, nung kumpleto na ulit ako, binigay ka ulit sa akin.

Ngayon, kaya pala ako nangyari ang mga yun, kasi tayo pala talaga dapat, tayo lang pala talaga.

Kaya pala binitawan ako ng ibang tao, kasi ikaw pala yung di bibitaw sakin.
Kaya pala pinagpalit ako, kasi tayo yung walang kapalit.
Kaya pala ibinigay ko na ang lahat sa kanila, di pa din kuntento, dahil ikaw pala yung makukuntento sa kung ano lang ang kaya ko.
Kaya pala iniwan nila ako, kasi ikaw yung pag-ibig na di ako iniwan at iiwan, yung parang pag-ibig na pinagdasal ko, yung walang kundisyon.
Kaya pala ganun ang "Mahal kita" nila hanggang salita lang, kasi sayo, di mo man sabihin, ramdam na ramdam ko naman.
Kaya pala hindi pwedeng kami, dahil tayo, tayo talaga.
Kaya pala kahit anong iwas ko sayo, kahit anong tago ko sayo, kahit anong pilit kong mawala ka, andyan ka lang, kahit anong oras, kahit anong kundisyon, kahit ano pang nangyari, kasi tayo talaga - di maiiwasan, di maitatago, di mawawala, di pumipili ng oras, di nagkaroon ng kundisyon at di matatabunan ng kahit anong mangyari.
Kaya pala ganun, Love.


BLOG EDITED: Oct 28, 2016