Wednesday, February 11, 2015

Ang Kaya Pala


Noon, di ko maintindihan kung bakit.
Bakit nila ako binitawan?
Bakit nila ako pinagpalit?
Bakit di pa ako enough?
Bakit pinili nila akong iwan?
Bakit ang salitang "Mahal kita" nila ay sa panahong maayos lang, kaya nung magulo na ang lahat wala na din ang pagmamahal?
Bakit hindi kami pwede?
Bakit andyan ka, andito ako, anong meron at bakit hindi tayo mawala sa isa't isa?

Nagdasal ako na si Lord na bahala, na kung dumating yung oras na bibigyan ako ng pag-ibig sana yung parang pagmamahal sa akin ng Diyos, ng pamilya ko at mga kaibigan ko, yung walang kwestyon, walang tanong, walang kundisyon, walang "kapag maayos ang lahat saka ko lang sasabihing mahal kita", walang ganun. Yung mahal ako at mahal ko, tapos na ang usapan.

Hinayaan ko lang. Masaya ako sa buhay ko e. Nung masaya na ako sa buhay ko, nung kumpleto na ulit ako, binigay ka ulit sa akin.

Ngayon, kaya pala ako nangyari ang mga yun, kasi tayo pala talaga dapat, tayo lang pala talaga.

Kaya pala binitawan ako ng ibang tao, kasi ikaw pala yung di bibitaw sakin.
Kaya pala pinagpalit ako, kasi tayo yung walang kapalit.
Kaya pala ibinigay ko na ang lahat sa kanila, di pa din kuntento, dahil ikaw pala yung makukuntento sa kung ano lang ang kaya ko.
Kaya pala iniwan nila ako, kasi ikaw yung pag-ibig na di ako iniwan at iiwan, yung parang pag-ibig na pinagdasal ko, yung walang kundisyon.
Kaya pala ganun ang "Mahal kita" nila hanggang salita lang, kasi sayo, di mo man sabihin, ramdam na ramdam ko naman.
Kaya pala hindi pwedeng kami, dahil tayo, tayo talaga.
Kaya pala kahit anong iwas ko sayo, kahit anong tago ko sayo, kahit anong pilit kong mawala ka, andyan ka lang, kahit anong oras, kahit anong kundisyon, kahit ano pang nangyari, kasi tayo talaga - di maiiwasan, di maitatago, di mawawala, di pumipili ng oras, di nagkaroon ng kundisyon at di matatabunan ng kahit anong mangyari.
Kaya pala ganun, Love.


BLOG EDITED: Oct 28, 2016

No comments:

Post a Comment

May karapatan kang ipahayag yan. Tongue in a lung, wag kang tatameme.