Saturday, August 15, 2015

Ang Taong Babalik-balikan ko




Nakilala kita nung 19 years old ako. Nagme-Medtech ako na taga-QC. Hindi ko gusto ang pag-ibig nung panahon na yun. Hindi ako handa para sa pag-ibig. Hindi ako naghahanap ng pag-ibig.

Nakilala mo ako nung 19 years old ka. Nag-Nurse ka na taga-ZC. Hindi ko gusto ang pag-ibig nung panahon na yun. Hindi ako handa para sa pag-ibig. Hindi ako naghahanap ng pag-ibig.

Nagkausap tayo. Nag-uusap tayo. Araw-araw. Walang patid. Kwentuhan. Ibinahagi natin ang buhay ng isa't isa sa mga salitang di napapatid araw-araw, ilang oras kada araw. Milya milya ang namamagitan sa atin, pero kada salitang binibitawan mo, kada salita ko na pinapakinggan mo, parang nasa tabi lang kita. Kada tuldok ng pangungusap, inaabangan mo ang kasunod. Pinapakinggan mo kahit ang kuwit sa binabanggit ko. Gusto mo pa, gusto ko pa. Gusto na kita, gusto mo na rin ako. Mahal na kita, mahal mo na rin ako. PERO...

Madaming sumingit sa pag-ibig na para sa atin. Sinubukan ng panahon at distansya na mawala ang akala kong konting pag-ibig na meron tayo. Madami kang minahal, meron akong minahal pero sa dulo ng kada pag-ibig sa isang tao, ikaw pala ang pag-ibig na hinahanap hanap ng puso ko.

Ang distansya na namagitan satin, ang panahon na akala natin naging balakid, hindi napigilan ang pag-ibig na tulad ng meron tayo. Yung pag-ibig na dinaanan ang kada bundok, madaming ilog, madaming daanan pero hindi huminto dun ang pag-ibig na meron tayo. Hindi huminto sa panahon na huminto tayong mag-usap. Hindi huminto sa mga salita. Hindi huminto sa segundo. Hindi huminto kahit nagmahal tayo ng iba.

Apat na taon ang nakalipas, mahal pa rin kita, mahal mo pa rin ako. Buong puso natin ang binibigay natin sa isa't isa. Hindi ko alam na magiging masaya ako sa kada break up na pinagdaanan ko, dahil sa kada luha na nilaan ko sa maling tao, binalik ako sa tamang tao na talagang nakalaan para sa akin - ikaw. Ikaw noon. Ikaw ngayon. Ikaw bukas at sa mga susunod pang bukas ng buhay ko. Ikaw pa din, ikaw lang. 

At ito ang pangako ko para sayo, hindi kita bibitawan sa panahong mahirap, hindi kita hahayaan sa panahong hindi kita maintindihan. Pipiliin ko lagi ang pag-ibig. Pipiliin lagi kita. Pipiliin ko ang pag-ibig mo, malayo man o malapit, gaano man ang distansya. Sa dulo ng lahat ng pag-abot natin ng mga pangarap natin sa sarili natin, sa mga pamilya natin at sa ating dalawa, nandun akong ngingiti habang mahigpit pa ding nakahawak sa mga kamay ng pag-ibig natin. 


Mahal kita. Mahal na mahal, G




No comments:

Post a Comment

May karapatan kang ipahayag yan. Tongue in a lung, wag kang tatameme.